Chapter 16

17.2K 388 5
                                    

HUNK SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY...EMMZ

Sa sinabing iyon ni Hilda ay pinamulahanan si Lyn ng mukha at ng saktong tumingin si Kay Homer ay nakatingin rin ito sa kanya kaya agad niyang binawi ang kanyang tingin at ibinaling ito sa labas ng bintana...

Hindi malaman ni Homer kung bakit parang nasanay na siyang titigan si Lyn dahil kung kagaano ito katapang ay siya naman ito kaganda at hindi niya makontrol ang kanyang sarili na hindi titigan lalo na kapag namumula ng kanyang mukha kaya gaya kanina ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili kaya't agad niya itong nayakap at nahagkan at kung hindi sana sa kanyang ate ay naangkin na sana niya si Lyn at malamang na magbunga sana iyon at anumang oras ay magiging daddy narin siya...

Sa isiping iyon ay bahagya g napangiti si Homer dahil bigla niyang naimagine ang hitsura niya sa sandaling magkaroon na siya ng baby at karga karga niya ito at bigla nalang napawi ang kanyang ngiti ng...

"Hoy!...para kang sira diyan na ngi ngiti ngiti ng wala namang kausap!...ani Hilda sabay tapik ng balikat ni Homer na ikinabigla nito,,,.

"Ah eh ate naman eh!...kakamot kamot ang ulong wika ni Homer sabay sulyap nito kay Lyn na napansin ni Hilda...

"Ahemm!...ani Hilda saka ngumiti ng may pagka pilya kay Homer kaya't iiling iling nalang si Homer dahil sa katalasan ng pakiramdam ng kanyang ate Hilda...

Naiuwi rin si Hilda at baby Hazel makalipas ang tatlong araw kaya naman naging masaya sa mansiyon ng mga Salcedo at maging si Lyn ay aliw na aliw kay baby Hazel....

Isang araw habang papasok na sa opisina si Homer dahil pagkatapos siyang ipinakilala bilang kahalili ng kanyang papa ay agad na rin siyang pumasok sa opisina kaya naman halos araw araw siyang naging abala sa trbaho at kung minsan ay late na siya kung umuwi kaya hindi na niya nasisilayan ang ganda ni Lyn at sa umaga naman ay minsan kasama ni ate niya Hilda sa paglalakad kay baby Hazel sa may park para mapa arawan...

"Hi ate good morning and also to my cute pamangkin!...ani Homer sa kapatid at pamangkin na noon ay nasa may hardin ang mga ito at sabay sulyap siya sa may bahagi ng mga orchids at mga tanim na roses na iba't iba ang kulay nito dahil naroroon si Lyn at abala sa paglilinis ng mga tanim nitong halaman....

"Hmm binati mo nga kami ni baby Hazel pero nasa ibang dereksiyon naman ang iyong mga mata!..ganda niya ano tol?....baka pag babagal bagal ka eh madali pa yan ng iba bahala ka!....nanunudyong wika Hilda sa kapatid na noon ay sumeryoso ang mukha ni Homer...

"Bakit may nanliligaw ba sa kanya ate?....baling ni Homer kay Hilda na noon ay mas lumawak pa ang kanyang ngiti...

"Wala pa naman pero malay mo baka mamaya eh may gwapong makabingwit sa kanya eh di swerte ni Lyn diba?...kaya kung ako sayo suyuin mo na para lumambot ang puso niya sayo!....ani Hilda sabay sulyap kay Lyn na noon ay saktong napatingin ito sa kinaroroonan nila...

"Eh paano ko ba siya susuyuin?!...muling tanong ni Homer ngunit ang mga mata ay nakatuon kay Lyn na halos ayaw niyang kumurap ng mga sandaling iyon...

"Ligawan mo siya!...o kaya'y idate mo siya!..o kung hindi naman ay bigyan mo siya ng flowers and chocolates na gaya ng mga ginagawa ng ibang kaalalakihan just to show how they love the girls!.....muling saad ni Hilda kay Homer na noon ay nakatulala kay Lyn sa may mga tanim nitong mga halaman ngunit ang kanyang tainga ay nakatuon sa mga sinabi ng kanyang ate Hilda at maya maya pa ay nagpaalam ng papasok sa trabaho ngunit bago tuluyang umalis ay isang sulyap mun ang kanyang ipinukol kay Lyn bago tuluyang tinungo ang kanyang kotse saka paspas itong pinaharurot dahil late na siya ng ilang minuto sa kanyang trabaho....

Samantala mula ng pumasok na sa trabaho si Homer ay ilang araw ng hindi nakikita ni Lyn si Homer dahil kung minsan ay late ng umuuwi sa dami ng trabaho at sa umaga naman ay ganon din kaya mula ng hindi niya ito nakikita ng ilang araw ay parang may nagbago sa kanyang pakiramdam parang nakaramdam siya ng pagka miss dito kaya ng marinig niya ang boses ni Homer na parang kausap ni Hilda ay napatingin ito sa gawi ni Hilda habang nasa hardin siya at ng sakto namang nakayingin ito sa kanya kaya naman biglang parang mY kung anong kaba na kumabog sa kanyang dibdib ngunit parang hindi niya kayang salubungin ang mga titig sa kanya ni Homer kaya naman nagbawi siya ng tingin at ipinukos nito ang pansin sa mga halaman na alaga niya na noon ay namumulaklak na ang mga iba't ibang kulay na roses at mga orchids dahil mahilig siyang mag alaga ng halaman at halos umaga at hapon niya itong binibisita para masigurong walang salot na naninira sa kanyang mga halaman....

Habang nasa opisina ay nasa bahay ang isip ni Homer at dahil sa sinabi ng kanyang ate Hilda ay may nabuo siyang plano...

Kinaumagahan dahil Sabado ay maagang nagising si Homer at nagsuot ng damit pang jogging dahil kinaugalian na niya ang gawain niyang libutin ang buong park ng kulang isang oras at matapos niyang libutin ito'y ipinasya niyang umuwi na dahil pupunta siya ng bayan para bumuli ng bulaklak na ibibigay kay Lyn at saktong pabalik na siya ay nakasalubong niya ang ate niya at si Lyn na noon ay naka sleeveless shirt at naka short ng half legs ang haba at saktong may napadaan na lalaking tumatakbo din at sinipulan si Lyn sabay kindat kay Lyn...sa nakitang iyon ni Homer ay biglang nag isang linya ang kilay nito at napatiimbagang at kasabay ng pagmura niya sa lalaking napadaan...

"Damn you stupid!...gigil na wika ni Homer habang sinusundan ang lalaking papalayo ngunit pasulyap sulyap kay Lyn...

ITUTULOY!!!....

HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon