HUNKS SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY:EMMZ"Attorney papaanong nangyari iyon eh kami ni papa ang ikinasal at hindi ng lalaking ito!....naguguluhang turan ni Lyn sabay duro nito kay Homer...
"Attorney paano ako ikinasal sa babaeng ito at bakit may perma ako dito!,..sino ang may pakana ng lahat ng ito!...halos litaw ang litid ni Homer sa leeg sa pagkakabigla dahil sa nabasang kasal siya ng hindi niya alam sa babaeng inakala niyang asawa ng kanyang ama na noong una pa man ay mainit na ang dugo niya rito....
"Attorney papaanong nangyaring kasal sina Lyn at Homer eh wala naman si Homer noong kinasal si Lyn kay papa?...naguguluhang tanong ni Hilda dahil maging siya ay nagulat sa nalamang mag asawa pala ang dalawa na hindi nila nalalaman....
"No ate alam kong alam ng babaeng iyan ang lahat at nagmamaang maangan lang ito para kuno maging inosente dahil sa kayamanang habol niya na alam ko noon pa man!,.kaya tama ang kutob ko noong una pa man na hindi siya gagawa ng maganda at heto na nga diba!,...galit na turan ni Homer habang nakatuon ang mga matang halos mag apoy sa galit kay Lyn...
"Hoy lalaki para sa alam mo wala akong kinalaman sa kasalang ito at ang tanging alam ko lang ay kami ni papa ang kinasal kaya magdahan dahan ka sa pananalita dahil ni sa panaginip ay hindi ko hinangad na maging asawa mo at mas nanaisin ko pa ang magdildil sa asin kaysa makasama ka kahit ilang segundo man lang dahil sukang suka ako sa pag uugali mo!...bulyaw ni Lyn kay Homer na ikinaumid ng dila ni Homer...
Hindi malaman ni attorney Samuel kung sino ang aawatin sa dalawang nagbabangayan na animo ay tigre na ayaw magpatalo sa isa't isa kaya bago pa lumaki ang gulo ay umeksina na ang attorney...
'Sandali lang makinig muna kayong dalawa pwede ba para maliwanagan kayong pareho!!....sigaw ni attorney Samuel sa dalawa na ikinatahimik naman nila ngunit kaytatalim ng mga tinging ipinupukol ng bawat isa sa kanila...
"Sige attorney umpisahan mo ng magpaliwanag sa dalawang ito dahil pag ako ang narindi sa kababangayan nila ay pag untugin ko na silang dalawa!..singit ni Hilda sa sobrang inis na sa dalawa dahil ni walang nais na bumaba sa trono at parehong nakataas ang mga boses nila at sa isang tabi ay ngingiti ngiti si Willie dahil sa isip isip niya ay nakakita na ng katapat si Homer...
"Hmm nayari kana ngayon Homer,..dito kana siguro titino hehehe'...nangingiting wika ni Willie sa isip isip nito habang pinagmamasdan ang dalawa lalo na si Lyn na talagang ayaw patalo sa kanyang bayaw....
"Homer at Lyn makinig kayo sa aking paliwanag para malaman ninyo ang katotohanan dahil walang sino man ang may alam ng lahat ng ito kundi ang inyong papa at ako lamang,..Noong una palang ay sumasakit na ang ulo ng iyong papa Homer sa mga kabulastugang pinaggagawa mo at hindi niya alam ang kanyang gagawin sa iyo at sa tuwing pinangangaralan ka niya ay akala mo ay pinagagalitan ka niya kaya agad ka namang maglalayas at kung saan saan magpupunta na ni hi ni hoy ay walang pasabi sa inyong papa at kung kani kanino ka nahuhumaling na mga babae kaya bago pa makilala ng iyong papa si Lyn ay matagal na niyang nasabi sa akin ang tungkol sa kanyang balak hanggang sa makilala niya si Lyn na pamangkin ni Lumen ang tiyahin ni Lyn na sugarol at walang pambayad sa nautang niyang pera sa casino dahil sa pagkakalulong nito sa sugal...
"Naawa ang inyong papa kay Lyn noon dahil sa nakitang mga pasa ng inyong papa sa kanyang mga braso at ibang parte pa ng kanyang katawan at si Lyn pa ang inuobliga ng kanyang tiyahin na magbayad ng utang nito sa inyong papa at ng hindi ito makadilehensya ay muli niyang sinaktan si Lyn kaya gumawa ng dahilan ang iyong papa...
"Noong una ay hindi niya naisip na ipakasal si Lyn sa iyo Homer nais lang niyang ialis si Lyn sa poder ng kanyang tyiahin ngunit biglang nagbago ang kanyang pasya ng isang araw ay kausapin niya ako tungkol nga dito,..kung ilang beses kong sinigurado sa kanya kung tama ang gagawin niya ngunit sabi niya ay nais ka niyang parusahan sa mga kawalanghiyaang pinaggagawa mo daw at ayon sa nakasaad rito na kung sakaling hindi mo o niyo magampananang pareho ang papel ninyo na mag asawa ay mapupunta ang lahat ng mana ninyo sa kawangggawa at mga iba pang mga nangangailangan ng tulong na nakasaad riyan sa may testamento kaya nasa sa inyo kung ipagpapatuloy ninyo ang nakasaad sa marriage contract bilang mag asawa o susundin ko ang nakasulat diyan na ipamahagi nalang ang inyong mga mana sa ibang tao.......mahabang salaysay ni attorney na ikinagulat ni Homer samantalang si Lyn ay naluha ito ng muling nanariwa ang alaala na sinapit sa kanyang tiyahin....
"Attorney bakit sa ganitong kondisyon naman ako pinarusahan ni papa?...kakamot kamot ang ulong saad ni Homer dahil naguguluhan siya sa mga nangyayaring ito sa kanyang buhay na nagkaroon na pala siya ng asawa ng hindi man lang niya alam at sa babaeng tigresa pa siya nakasal ng hindi niya alam....
"Attorney paar po sa akin ay mas maganda na kung sa mga kawang gawa niyo nalang ibigay ang mga pamana ni papa para naman mapakinabangan pa ng iba at hindi lang malustay ng walang pakinabang dahil ngayon palang ay hinihingi ko na ang tulong mo para sa annulment ng kasal na iyan!...maya maya'y wika ni Lyn sa pormal na mukha nito na siyang ikinaalarma ni Homer ...
"Sandali eh papaano yung mana ko hindi pupuwedeng mawala ng basta nalang iyon dahil akin ang mga iyon!,..anak ako ni papa kaya karapatan kong magkaroon ng mana!...galit na turan ni Homer habang nakatingin kay Lyn...
"Hindi ko na problema ang problema mo basta ang gusto ko ay makawala sa mga kamay mo at mamuhay ako ng tahimik kaya attorney nakikiusap ako na ipawalang bisa mo ang kasal na ito sa lalong madaling panahon dahil hindi ko pinangarap na maging asawa ang lalaking ito kahit sa panaginip man lang!...
"Eh mas lalo naman ako hindi rin naman kita gusto na maging asawa ah pero andiyan na kaya pwede ba makisama ka naman wag kang magdesisyon agad ng pabigla bigla dahil naguguluhan na ako sa mga nangyayaring ito....galit na bulyaw ni Homer kay Lyn...
"Hinding Hindi mo makukuha ang partisipasyon ko sa mga binabalak mo kaya sa ayaw at gusto mo ipapaannul ko ang kasal na ito kahit mamalimos kapa sa bangketa wala akong pakialam!....turan ni Lyn saka binitbit nito ang bagaheng dala dala kanina at deritsong lumabas ng mansyon para umuwi sa bahay ng kanyang tiyahin....
Samantalang nakatulala nalang si Homer sa kawalan habang nakamasid sa papalayong babae at hindi malaman kung ano ang kanyang gagawin ng mga oras na iyon gulong gulo ang kanyang isip sa mga natuklasang mga bagay bagay na hindi niya noon binigyan ng pansin...
"Ano ang pasya mo Homer sasang ayon kaba sa desisyon ni Lyn na ipamudmod nalang sa mga kawangggawa ang manang makukuha mo sa iyong papa at ipapa annul nalang ang kasal ninyo ni Lyn?......tanong ni attoney Samuel kay Homer...
"Homer kausapin mo ng masinsinan si Lyn dahil sayang naman ang mana ninyong dalawa kung mapupunta lang sa kawangggawa ang lahat ng iyon at ni walang mapupunta sa iyo....nag aalalang saad ni Hilda sa kapatid na noon ay nakasabunot ang mga kamay sa ulo nito habang nakasandig sa may sofa...
"Nope!,..hindi ako papayag na mawala ang aking mana!,..attorney wag mong sundin ang kagustuhan ni Lyn dahil akin ang mga iyon bigay sa akin ni papa!...ani Homer saka nilisan ang lugar at tinalunton ang hagdan para pumunta ng kanyang kwarto...
Naiiling na sinundan na lamang ng tingin ni Hilda ang kapatid,..naaawa siya sa natuklasang ito sa kapatid ngunit alam niyang para rin sa kabutihan nito ang ginawang iyon ng knayang ama dahil kahit siya ay hindi niya kayang pagtiisan ang kabarumbaduhan ng kanyang kapatid...At ng maalala nya si Lyn ay bigla siyang naawa sa naging buhay na sinapit nito sa kanyang tiyahin...
"Attorney tama si Homer wag na wag mong susundin ang kagustuhan ni Lyn na ipa annul ang kanilang kasal at kung sakaling ipagpilitan ni Lyn ay sabihin mong bigyan ka kamo ng isang taon para maisagawa ang kanyang balak na ipawalang bisa ang kanilang kasal,..dahil siya ang gusto kong makasama ni Homer habang buhay at alam ko na magkakasundo rin ang dalawang iyon...
"Ah ok Hilda at yun din naman ang gusto ko ang magkaayos sila pora wala ng problema sa lahat lahat....sagot ni attorney kay Hilda at maya maya pa'y nagpaalam na ang attorney na may pupuntahan pa daw ito....
Samantala sa loob ng kwarto ni Homer ay palakad lakad siya sa loob at hindi niya malaman ang kanyang gagawin ng mga oras na iyon dahil sa sobrang pagkagulat sa mga natuklasang kani kanina lang...
"Damn that woman!,..sa dinami dami ng mga babae sa mundo siya pa ang nagustuhan ng aking papa na ipinakasal sa akin!...asawa ko pala ang babaeng inakala kong asawa ng aking papa huh kaya naman pala parang virgin pa ang kanyang dibdib ng minsan mahaplos ko sa may lift dahil wala naman palang gumagalaw sa kanya.....Now Lyn makikita mo kung sino si Homer at patutunayan ko sayo ang mga salitang binitawan mo sa akin!...well tutal dinaan naman sa biglaan ang lahat ngayon dadaanin ko rin sa paspasan para makaganti ako sayo.....naniningkit ang mga matang bulong ni Homer sa kawalan...
ITUTULOY!!!...
BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbino
RomansaTeaser..... Homer Salcedo bunsong anak ni don Marcelo Salcedo na isang milyonaryo at nagmamay ari ng sikat na casino sa kamaynilaan... Dahil sa nag iisa siyang lalaki sa kanilang pamilya ay lumaki siya sa layaw hanggang naging spoiled brat..arogant...