HUNKS SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY..EMMZNagising si Homer na wala sa tabi niya si Lyn kaya agad siyang bumangon saka inayos nito ang kama na naging saksi sa mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Lyn at ng makita nito ang bahid ng dugo sa may kobre kama na tanda ng pagbasag ng pagkababae ni Lyn ay napangiti si Homer dahil muli niyang naalala kung ilang beses nilang pinagsaluhan ang maiinit na yakap at walang kasing tamis na halik ng bawat isa at ang parang musikang halinghing ni Lyn....
"Ngayon ay akin na akin kana Lyn at wala ng makakapagpahiwalay sa atin dahil legal naman tayong mag asawa at sana ay magbunga na agad ang nangyari sa atin para magkaroon narin tayo ng baby"....kausap ni Homer sa larawan ni Lyn na nasa ibabaw ng drawer saka dali daling pumasok sa kanyang kwarto para maligo at makapagbihis at ilang sandali lang ay pumanaog na ito sa hagdan at tinungo ang kusina kung saan ay naroroon si Lyn na naghahanda ng almusal....
"Hmmm morning!...anong niluluto mo?...tanong ni Homer kay Lyn sabay yakap nito sa likuran niya at dinampian nito ng halik ang leeg...
"Ano kaba Homer may kiliti ako diyan!....nakangiting turan ni Lyn habang hawak hawak nito ang siyansi...
"Alam ko kaya dito nga kita hinalikan eh pero mas matindi ang kiliti mo rito!....ani Homer at pinupog niya ng halik ang batok ni Lyn kaya naman napasigaw ito...
"Aaayyy!...Homer ano ka ba ha ha ha!...tumigil ka nga ng maluto ko na itong egg omelet baka masunog pa eh hi hi hi!....malakas ang tawa ni Lyn dahil nakikiliti siya sa ginagawang iyon sa kanya ni Homer at ng mahango na niya ang palayok sa kalan ay agad siyang kinabig paharap ni Homer saka niyakap ito...
"Bakit umalis ka na agad sa tabi ng hindi man lang ako ginising hmm!....ani Homer saka inilapit nito ang mukha sa mukha ni Lyn kaya magkadikit na ang kanilang mga mukha...
"Kasi po nagutom ako eh!..,sagot ni Lyn..
"Gutom saan?....nanunuksong tanong ni Homer saka inangkin nito ang labi ni Lyn at niyakap ng mahigpit at tinugon naman ni Lyn ang yakap at halik ni Homer...
"Alam mo ikaw kung anu ano ang lumalabas sa bunganga mo!....saad ni Lyn ng magkahiwalay ang kanilang mga labi ngunit nananatiling magkayakap parin sila...
"Bakit ayaw mo nun?...eh ako gustong gusto ng makabuo na rin ako ng baby,...hmm meron naba?....muling biro ni Homer kay Lyn saka hinaplos nito ang tiyan ni Lyn...
"Sira kaba katatanim mo lang kagabi meron na agad!....natatawang wika ni Lyn...
"Malay mo!...eh hindi na nga kita pinatulog eh para siguradong naka three points ako!...natatawang saad ni Homer kaya pinagkukurot siya ni Lyn at nahuli naman agad ni Homer ang kanyang kamay saka tinitigang mabuti ang magandang mukha ni Lyn...
"Lyn i wanna tell you something na hindi ko nasabi kagabi dahil sa sobrang pananabik ko sayo"....pormal na wika ni Homer na ipinagtka ni Lyn...
"A..ano yun?...nagtatakang tanong ni Lyn ngunit maya maya lang ay nanpging emosyonal ang titig ni Homer sa kanya at kinabig pa siya nito ng mas mahigpit...
"Lyn i don't know it is happen but i found lately that i love you so much!.....malambing na wika ni Homer habang titig na titig sa mga mata ni Lyn...
"Homer!....hindi makapaniwalang wika ni Lyn...
"Yes my wife i love you so much!....muling ulit ni Homer sa sinabi nito...
"Homer i..i love you too!....maluha luhang sagot ni Lyn saka yumakap ng mahigpit kay Homer sabay tulo ng luha nito sa sayang nadarama dahil hindi niya inakala na mamahalin nila ang isa't isa dahil sa bangayan nila ng una nilang pagkikita at ngayon ay nauwi sa pag iibigan...
BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbino
RomanceTeaser..... Homer Salcedo bunsong anak ni don Marcelo Salcedo na isang milyonaryo at nagmamay ari ng sikat na casino sa kamaynilaan... Dahil sa nag iisa siyang lalaki sa kanilang pamilya ay lumaki siya sa layaw hanggang naging spoiled brat..arogant...