HUNKS SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY...EMMZNINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT.....
Masayang nagyakapan ang magkapatid na Homer at Hannah dahil sa ilang taon din nilang hindi pagkikita ay namiss nila ang isa't isa at maya maya ay binalingan ni Hannah si Lyn at niyakap..."Kumusta Lyn ang ganda mo pala kaya naman napaibig mo ang torpe kong kapatid!...nakangiting turan ni Hannah kay Lyn...
"Salamat ate Hannah!...tanging sagot ni Lyn sa papuring natamo mula sa kanyang hipag..
"Sis nanamn eh sisiraan mo pa ako sa asawa ko!...kakamot kamot sa ulong sabi ni Homer saka kinarga nito ang mga dala dalahan ni Hannah papunta sa may sasakyan...
"Eh totoo na namang napakatorpe mo noon ah!....muling saad ni Hannah na kay tamis ng pagkakangiti..
"Noon yun sis oero good boy na ako ngayon lalo na at magiging daddy na ako!....may pagmamalaking wika ni Homer sa kapatid kaya't napangiti nalang si Lyn dahil totoo ang sinabi ng kanyang asawa na malaki ang ipinagbago nito at naging responsable na hindi gaya noon na baliwala lang ang lahat sa kanya at napakagaspang pa nitong magsalita pero ngayon ay puno ng lambing ang bawat salita nito aky Lyn na siyang nagpapakilig ng husto sa kanya kaya naman habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay mas lalong lumalalim ang pagmamahal niya sa kanyang asawa..
"Hmm ate hindi ba susunod saiyo si bayaw Edwin?...tanong ni Homer sa kapatid habang binubuksan nito ang pintuan ng sasakyan....
"Susunod nalang daw siya kasi naman may biglaang project na ibinigay sa kanya ng nakakuha na ako ng ticket kaya punauna nalang ako at susunod nalng daw siya tutal
Hindi naman matatagalan yung project na iyon maybe it will takes four to five days lang naman eh"....sagot ni Hannah habang inaayos nito ang pagkakaupo nito sa likuran at si Lyn ay naupo sa tabi ni Homer sa may harap..."Ah ganoon ba well very good at ng magkakasama naman tayong lahat at mamayang gabi rin yata ang dating nila kuya Willie at yung mga parents niya para makadalo sa binyag ni baby Hazel!...pahayag ni Homer saka tiningnan nito ang kanyang kapatid sa may rear view na nakatingin naman sa kanya at ngumiti ito saka sinulyapan ang asawang nakapikit sa kanyang upuan at nakasandal ang ulo nito...
"Honey are you ok?...maya maya ay tanong ni Homer kay Lyn ng mapansing hawak na nito ang sintido...
"Para kasing nahihilo ako sa amoy ng pabango mo!..,.nakasimangot na turan ni Lyn sa asawa..
"Eh honey diba ito ang paborito mong pabango ko?..,nagtatakang tanong ni Homer..
"Yan ba?...eh bakit biglang ansangsang ng amoy?...ansakit sa ilong!..nakakunot ang noong na sabi ni Lyn saka tinakpan nito ang kanyang ilong...
"Hmm ganyan talaga ang naglilihi may mga bagay na gustong gusto at kung minsan ay kinaiinisan ang mga bagay na gustong gusto mo gaya nalang niyan!...paliwanag ni Hannah kaya naman nangiti nalang si Homer dahil sa sinabing iyon ng kapatid...
"Next time honey hindi ko na gagamitin ito kung ayaw mo ng amoy dahil baka mamaya niya ay ayaw mo na akong katabi!...natatawang turan ni Homer kay Lyn at natatawa naman si Hannah sa kanilang likuran....
Ilang sandali lang at narating na nila ang mansiyon ng mga Salcedo at nakaabang na roon sa may pinto ang mag ina na si Hilda habang karga karga nito ang kanyang baby na si Hazel....
"Wow ang cute ng baby Hazel na iyan oh!...natutuwang kinarga ni Hannah ang kanyang pamangkin saka pinupog ito ng halik...
"Hmm nagmana yan sa kanyang tito kaya maganda pero mas gwapo pa diyan yung baby ko paglabas dahil magmamana sa kagwapuhan ko!...pagmamalaking biro ni Homer saka deritsong pumanhik ng kanilang kwarto ni Lyn para maligo dahil kanina pa nagrerelamo si Lyn sa amoy ng pabangong gamit nito...
BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbino
RomanceTeaser..... Homer Salcedo bunsong anak ni don Marcelo Salcedo na isang milyonaryo at nagmamay ari ng sikat na casino sa kamaynilaan... Dahil sa nag iisa siyang lalaki sa kanilang pamilya ay lumaki siya sa layaw hanggang naging spoiled brat..arogant...