HUNKS SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY:EMMZHindi makapaniwala si Homer na heto siya ngayon kung noon ay hawak niya sa kamay ang lahat ng mga nais niyang makuha ay parang bumaligtad na ngayon dahil sa babaeng ito at ngayon ay asawa na niya at sa kanya pa nakasalalay ang pamana ng kanyang ama kaya papaano niya ito didispatsahin sa kanyang buhay kung mawawala naman sa kanya ang manang galing sa yumao niyang ama...
Muling tiningnan ni Homer ang pagkain nakahanda sa hapag kainan at nailing siya at ng mapagawi sa kusina ang katulong nilang si aling Rosing ay sinabihan niya itong ipagluto siya ng kahit sausage lang at itlog...
"Naku po sir pasensiya na po kayo pero mahigpit pong binilinan kami ni mam Lyn na kung ano ang sinabi niyang ihahanda sa hapag kainan ay yun lang daw po ang lulutuin at bawal daw po ang maglabas o magluto ng ibang ulam mula sa loob ng ref ng hindi niya alam dahil nakabudget pong lahat ang mga stock sa loob ng ref"... turan ni aling Rosing kay Homer saka nilisan ang kusina at bumalik sa kanyang ginagawa at naiwang kakamot kamot sa ulo si Homer...
Walang nagawa si Homer kundi kainin ang nasa kanya g harapan dahil sa totoo alng ay kanina pa nagrereklamo ang kanyang tiyan sa gutom dahil kahapon ng tanghali at kinagabihan ay hindi na siya kumain kaya ngayon ang umaangak na ang kanyang tiyan... At dahil wala namang magagawa ay kinuha na niya ang pinggan saka nilagyan ang plato ng kanin saka ng ulam na tuyo na noong una ay halos hindi niya kayang lunukin ngunit ng maglaon ay parang baliwala nalang sa kanya dahil sa matinding gutom na kanyang naradama at ng tikman niya ang talbos ng kamote ay nagustuhan niya ang lasa dahil manamis namis ito dahil bagong pitas at sariwa kaya masarap kaya naman naparami ang kanyang kain at halos naubos niya ang kaning nakahain sa mesa at patapos na siyang kumain ng sumulpot sa kusina si Lyn dahil may kinuha ito...
"Hmm paayaw ayaw pa kunong kumain dahil ayaw ang ulam pero heto at halos masimot lahat ng pagkain!... parinig ni Lyn kay Homer na tiningnan lang siya nito saka tumayo ito para kumuha ng maiinom na tubig...
"Makakaganti rin ako sa mga ginagawa mong ito sa akin at titiyakin ko sayo na ako parin ang magwawagi sa huli tandaan mo iyan!... ani Homer na medyo inilapit pa ang sarili kay Farah para marinig nito ang sinabi niya...
"Eh patunayan mo at tingnan natin kung maisasakatuparan mo ang binabalak mo huh!.... mas lalo pang pang aasar ni Lyn saka dumeritso paalis ng kusina at saka lumabas ng bahay ...
"Well maghintay hintay ka lang Lyn at ng makikita mo ang sinasabi ko!"... nangingiting turan ni Homer sa sarili saka nilisan ang kusina at nagpunta ng sala na siyang pagdating ng ate Hilda niya at ang bayaw niyang si Willie...
"Oh Homer kumain kana ba?.... tanong ni Hilda sa kanyang kapatid..
"Oo ate katatapos nga lang eh!... walang anu anong sagot nito sa kanyang ate ngunit nakatingin ito sa may tv..
"Ah ganon ba!... tanging saad ni Hilda sa kapatid...
"Ay siyanga pala Homer ipinasya ng ate mo na maiiwan na lang daw siya rito sa Maynila para dito nalang siya manganak at ng may makakasama siya sa araw araw tutal naririto naman si Lyn na makakasama niya at mas malapit ang hospital rito kesa sa atin roon at isa ay lagi ako sa hasyenda at tanging mga katulong lang ang kasama niya doon kaya sabi niya ay maiuwan nakang siya kaya pakitingnan tingnanna kang ninyo ni Łyn ang ate mo dahil kabuwanan na niya eh!..... pahayag ni Willie kay Homer na agad naman niyang sinang ayunan...
"Maganda kung ganoon kuya at wag kang mag alala at hindi ko pababayaan si ate at babantayan ko lagi siya"... saad naman ni Homer saka inakbayan ang kanyang ate..
"Hmm salamat kung ganon Homer at nasabi ko na rin kay Lyn kanina lang ang tungkol dito at masaya siya na maiiwan ang ate mi rito para kahit papaano daw at may makakasama at makakausap siya...muling saad ni Willie na tango lang ang isinagot ni Homer....
BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbino
RomantikTeaser..... Homer Salcedo bunsong anak ni don Marcelo Salcedo na isang milyonaryo at nagmamay ari ng sikat na casino sa kamaynilaan... Dahil sa nag iisa siyang lalaki sa kanilang pamilya ay lumaki siya sa layaw hanggang naging spoiled brat..arogant...