HUNKS SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY:EMMZ"Babe sabihin mo na hindi totoo ang sinabi ng babaeng iyon sa akin!..sabihin mong nagsisinungaling lang siya at ako lang ang babaeng pakakasalan mo!...nangingilid ang luhang turan ni Alleck kay Homer...
"Alleck sorry pero totoo ang sinabi ni Lyn na kasal kami at....hindi naituloy ni Homer ang sasabihin nito dahil..
Pak!!...isang nakatutulig na sampal ang dumapo sa pisngi ni Homer na ikinabigla nito kaya naman biglang nagtangis ang mukha ni sa galit...
"Bakit mo ako sinampal huh!... gigil na dinakma ni Homer ng isa nitong kamay ang baba ni Alleck na agad namang inawat ng mga kaibigan nito..
"Dahil manloloko ka matapos mo akong paasahin ito pa ang igaganti mo sa akin!.. walanghiya ka talaga Homer!..minahal kita ng labis pero ginawa mo lang akong tanga!... laglag ang luhang saad ni Alleck..
"Alleck alam kong wala naman dapat na ipaliwanag sayo diba dahil noong una paman ay alam mo ng serbisyo mo lang ang kailangan ko at binabayaran naman kita sa tamang presyo diba at ikaw lang naman ang nag aasumed na girl friend ko kahit wala tayong relasyon... pahayag ni Homer na mas lalo niyang ikinagalit...
"Pagsisisihan mo ang lahat ng ito Homer at titiyakin kong sa akin din ang bagsak mo ipinapangako ko iyan sayo!.. Ako lang pwedeng umangkin sa iyo at wala ng iba!... nanggagalaiting sigaw ni Alleck kay Homer kaya agad na,ang umawat ang mga kaibigan ni Homer...
"I think we have to move first bro at iuuwi na namin si Alleck"... saad ni Ulysses kay Homer na ikinatango lang ni Homer...
"Alleck tara na tama na iyan wag kang mag alala dahil andiyan lang naman si Ulysses single pa lang siya at available!... natatawang biro ni Shannon kaya't kinutusan siya ni Ulysses...
"Lol!.. baliw ka talaga Shannon kung ano ang pinagsasabi mo!...kunot noong wika ni Ulysses kay Shannon ngunit tatawa tawa lang naman ang isang ito sa likuran ng kaibigan nito...
.....
Nang makaalis ang mga kaibigan ni Homer ay agad siyang pumasok ng bahay upang kausapin nito si Lyn ngunit nasa kwarto daw nito ayon sa kanyang ate...
"Homer bakit ano ba ang nangyari doon kanina at nakasimangot na pumasok ng bahay si Lyn saka deritsong kanyang kwarto"..
"Ate nagkasagutan sila ni Alleck dahil sa kagagawan naman ng babaeng iyon!... naiiling na sagot ni Homer kay Hilda...
"Ganon ba?,, tanging saad ni Hilda sa kapatid..
"Oo ate sige at pupuntahan ko na si Lyn para magkausap kami at ng hindi pa lumaki ang gulo sa pagitan naming dalawa.... paalam ni Homer sa kanyang kapatid...
"Oh siya sige!...tugon ni Hilda at muling itinuon ang mga mata sa tv...
Sobrang naiinis si Lyn sa kaartehan ng babaeng iyon kanina na ayon kay Homer ay Alkeck ang pangalan nito...Kaya sa inis ay ipinasya niyang maligo nalang para maalis ang init ng ulo nito...
Hinubad nito ang kanyang damit saka nagtapis lang ng tuwalya na ang natatakpan ay kalahati ng kanyang dibdib at ang haba naman nito at halos isang dangkal lang ang natatakpan sa may hita ni Lyn kaya naman kitang kita ang mahahaba at mapuputi nitong binti saka pumasok sa may banyo ngunit maya maya ay nakalimutan niyang dalhin ang conditioner na binili niya na nakastock sa kanyang cabinet na ipinatong lang niya kanina sa may kama kaya agad siyang lumabas ng banyo at pumasok sa kanyang kwartopara kunin ang kanyang pakay at ng makuha nito ay naalala niyang hindi pala niya nailock ang pinto niya kaya agad niyang tinungo ang pinto upang ikandado ito...
Samantalang nakailang katok na si Homer ay wala paring nagbubukas ng pinto kaya naman ipinasya niyang pihitin ang pinto at tamang tama dahil hindi naman pala ito nakalock kaya bigla niyang itinulak ang pinto at...
Sa bigalng pagbukas ng pinto ay nagulat si Lyn at dahil doon bigla siyang napahawak sa dibdib nito sa labis niyang kaba na siyang ikinalaglag ng kanyang tapis na tuwalya dahil hindi naman mahigpit ang pagkakabuhol nito at tumambad sa harapan ni Homer ang angking kagandahang hubog ng katawan ni Lyn at buti nalang at suot pa niya ang panloob na saplot nito...
Agad na dinampot ni Lyn ang tuwalya at namumula ang mukha nito sa pagkapahiya sa mismong harap ni Homer saka muli niyang itinapis sa kanyang katawan at dali daling tinungo ang banyo saka inilock nito ang pinto...
Napanganga si Homer ng makita ng harapan ang kariktan ni Lyn at halos sunod sunod itong napalunok na hindi magawang maikurap ang mga mata nito at saka lang siya nahimasmasan ng makapasok na sa banyo si Lyn at marinig ang pagkakalock ng pinto kaya naman tahimik na nilisan ang kwarto ni Lyn na panay ang buntong hininga saka pumasok sa kanyang kwarto at maya maya pa ay naupo sa kanyang kama...
Habang nakatulala si Homer sa harap ng nakapatay na tv ay biglang sumagi sa isip niya ang naganap noon sa kanila ni Lyn sa may lift sa Tagaytay resort kung saan nadama niya ang mayamang dibdib nito at mahaplos iyon....
Biglang nakaramdam ng pagkabalisa sa katawan si Homer dahil parang sinisilaban siya sa init ng katawan kaya kinuha niya ang remote ng aircon at itinodo niya ito sa lamig ngunit parang hindi naman nakakatulong dahil mas lalong tumitindi ang kanyang nadarama kaya naman pumasok siya sa banyo at hinubad niya ang damit at saka ibinabad nito ang sarili sa tubig na malamig upang maibsan ang init na nabuhay sa kanyang katawan...
"Shit you Lyn!.. How could you makes me like this?... pikit ang matang turan ni Homer habang nakatingala sa tubig at ninanamnam ang lamig nitong naglalandas sa kanyang katawan...
Hindi malaman kanina kung ano ang gagawin ni Lyn sa sobrang hiya niya sa harap ni Homer at sa pagkakagulat ay hindi sinasadyang nahila ng kamay nito ang tuwalyang nakatapis sa kanya ng mapahawak siya sa kanyang dibdib at ng mapatingin siya sa damuhong iyon ay titig na titig ito sa kanyang kahubdan kaya lalo pa siyang pinamulahanan ng mukha at dali dali niyang pinulot ang tuwalya saka agad na itinapis na muli sa kanyang hubad na katawan at agad na tinungo ang banyo at nagtagal ng halos dalawang oras sa loob ng banyo dahil parang ayaw niyang lumabas at ng matapos maligo ay nagkulong lang siya sa loob ng kwarto niya at wala siyang balak na lumabas dahil sa nangyaring iyon sa kanya ngunit ilang sandali lang ay may mga katok siyang narinig at kasunod noon ay natinig niya ang boses ni Hilda na tinatawag siya...
"Ikaw pala Hilda ano ba ang kailangan ko at naparito ka may sasabihin kaba?... ani Lyn kay Hilda..
"Ah sinusundo kita para sabay na tayong mananghalian para sama sama tayong lahat kasi mamaya ay luluwas si Willie pabalik ng Davao...ani Hilda kay Lyn..
"Ah ok!..pero sandali lang at papalitan ko lang itong damit ko!...saad ni Lyn dahil naka spagetti shirt lang siya at short na maiksi ngunit bigla nalang siyang hinila ni Hilda...
"Wag na ayos naman yang suot mo eh!...at saka kanina pa naghihintay ang mga kasama natin...wika ni Hilda habang hila hila nito ang kamay ni Lyn kaya walang nagawa ito kundi sumunod na lang...
Abala sa pagkain si Homer habang nakikipag usap sa kanyang bayaw ng biglang maagaw ng kanyang atensyon ang dalawang papalapit sa hapag kainan na walang iba kundi ang ate Hilda niya at si Lyn na noon ay naka spagetti shirt lang maikling short na siyang dahilan ng paglitaw ng mahahaba nitong legs at ubod pa ng kinis...Halos mapatulala na si Homer sa pagkakatitig nito kay Lyn lalo pa at sa tapat pa niya pinaupo ng ate Hilda niya si Lyn...
Biglang parang kinakapos na naman ng paghinga si Homer ng mga sandaling iyon lalo pa at medyo litaw kunti ang dibdib na mapuputi ni Lyn at halos mapamura na sa kinauupuan si Homer ng abutin ni Lyn ang kanin at bahagyang napayuko at kitang kita niya ang kabuuan ng dibdib nito...
Hayon na naman ang init sa kanyang katawan na unti unting nabubuhay dahil bigla na naman niyang naisip ang pangyayari kanina lang ang pagkakakita nito sa kahubdan ni Lyn....
"Shit Lyn ano ba itong ginawa mo sa akin!.... usal ni Homer sa sarili saka napabuntong hininga ito..,.
Hindi pinapansin ni Lyn ang panaka nakang sulyap sa kanya ni Homer dahil nahihiya siya sa nangyari kanina lang kaya tahimik lang siyang kumakain at kung hindi siya kausapin ay hindi siya iimik...
Nasarapan siya sa lutong ulam ng kanilang katulong kaya nais niyang kumuha ulit ngunit medyo malayo kaya pilit niyang inaabot at ng muli niyang aabutin sana ay sakto namang aabutin ni Homer kaya ang nangyari ay nagkahawakan sila ng kamay at sabay na napatitig sa isa't isa.....
ITUTULOY!!!!...
BINABASA MO ANG
HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbino
RomanceTeaser..... Homer Salcedo bunsong anak ni don Marcelo Salcedo na isang milyonaryo at nagmamay ari ng sikat na casino sa kamaynilaan... Dahil sa nag iisa siyang lalaki sa kanilang pamilya ay lumaki siya sa layaw hanggang naging spoiled brat..arogant...