Chapter 14

19.6K 432 4
                                    

HUNKS SERIES 1
THE LAST WILL
"HOMER"
BY:EMMZ

Napansin ni Lyn ang malagkit na tingin ni Homer sa kanya ngunit nagtuloy tuloy na lang siyang papunta sa may pinto dahil hindi nito kayang salubungin ang titig niya na ewan ba simula ng mangyari ang pagkakabuwangwang ng kanyang hubad na katawan sa harap ni Homer ay parang naumid na ang dila niya hanggang sa pagsimangot nalang ang kanyang kayang gawin dahil nahihiya siya na baka ipamukha nito sa kanya ang nangyaring iyon noon kaya hindi niya magawang supalpalan ang damuhong lalaking asawa niya kuno....

Agad na binuksan ni Homer ang pintuan sa tabi ng driver para makasakay si Lyn at ng nakaupo ay dahan dahan nitong isinara saka dali daling tinungo ang pinto ng driver seat saka inayos nito ang sarili ngunit bago nito pinaandar ang sasakyan ay sinulyapan pa niya si Lyn na noon ay tahimik lang ito na nakatuon ang paningin sa labas...

"Ahemmm!...agaw pansin ni Homer sa atensiyon ni Lyn at ng mapatingin ito sa kanya ay saka ngumiti ito ng pagkatamis tamis...

"You look great!... hindi maalis alis ang ngiti sa labi ni Homer ng purihin nito si Lyn...

"Thanks!...tanging sagot ni Lyn saka agad niyang ibinaling ang tingin sa labas ng bintana dahil parang kinabahang bigla sa ngiting iyon ni Homer na parang kakaiba ang dating nito sa kanya....

Ilang sandali na silang lulan ng kotse ay nasa labas parin ang tingin ni Lyn kaya naman binasag na ni Homer ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa...

"Hmm baka naman magka stiff neck kana niyan o kaya ay mabali na ang leeg mo sa kalilingon mo sa labas at wala ka namang tinitingnan eh!,..ibaling mo na lang dito sa loob ang iyong paningin at mas maganda pa dahil mas may maganda kang makikita sa loob kesa sa labas',... biro ni Homer kay Lyn sabay ngiti ito...

"Ang yabang mo talaga!,..masyado kang bilib sa sarili mo!...ani Lyn sabay sulyap kay Homer at sakto naman na napakindat ito sa kanya na sinimangutan nalang ni Lyn...

"Hindi naman sa nagyayabang ako misis talaga lang namang gwapo ako at swerte mo dahil ako ang napili ni Lord na naging mister mo dahil habulin ng chicks!...ngingiti ngiting turan ni Homer na ikinagulat ni Lyn...

"Walang kasing yabang ka talaga!,..ikaw na ang nakilala kong sobrang bilib sa sarili at pwede ba wag na wag mo akong matatawag na misis dahil hindi naman kita asawa at yung sinabi mong habulin ka ng chicks huh!,..hindi ko mailarawan kung anung hitsura ng chicks ang sinasabi mo dahil parang pinaliguan sa harina ang mukha nito dahil sa kapal ng foundation sa mukha niya!,..nakalabing saad ni Lyn sabay irap kay Homer...

"Ha ha ha!,..sobra ka namang mang lait,..nagseselos ka ba kay Alleck?,..tatawa tawang wika ni Homer na ikinapikon na ni Lyn..

"Para ano at magseselos ako sa babaeng iyon!,..hindi naman sa pagmamayabang mas may mukha naman ako kesa sa babae mo ah kaya wag na wag mong sasabihing nagseselos ako dahil wala akong dapat na ipagselos!...nanggigigil na sabi ni Lyn kay Homer na noon ay ngingiti ngiti lang..

"Well sa totoo lang ay bagay nga tayo dahil marunong karin palang magbuhat ng bangko!,..but you're just telling the truth sweetie dahil totoo namang maganda ka nasobrahan ka lang ng tapang but you're so feminine indeed!..muling puri ni Homer kay Lyn habang titig na titig ito sa magandang mukha ni Lyn na noon ay medyo namula sa papuring binigay ni Homer at ewan ba niya at biglang lumakas ang kabang naramdaman niya ng mga sandaling iyon...

"Pwede ba yang pagmamaneho mo ang asikasuhin mo at hindi ang pang aasar dahil baka madisgrasya pa tayo sa kadadaldal mo!,..masahol ka pa sa babaeng putak ng putak hmp!,...pairap na sabi ni Lyn saka muling ibinaling ang paningin sa labas ng bintana...

"Masusunod my highness at pati rin naman ako eh ayaw pang mamatay dahil hindi ko pa nagagawa ang misyon ko sayo este sa mundo!...muling biro ni Homer kay Lyn na noon ay naniningkit na ang mata sa galit nito...

HUNKS SERIES 1...The Last Will...HOMER...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon