PROLOGUE

13.5K 422 55
                                    


The sun is shining so bright today, the birds are humming as they fly just right above my head. Nakakapanibago at nakakatakot lumakad palabas sa pinto na nasa harapan ko lang. Hawak-hawak ko ang bag na may lamang iilang damit at mga importante na gamit. Binuksan na ang pintoan para sa akin at ilang hakbang nalang ay tuloyan na akong makakalabas. I was stunned at the moment at handa na sanang ihakbang ang aking kanang paa nang may narinig akong mga sigaw. 

"Wag ka na bumalik dito bata!"

"Mag-iingat ka!"

"Dalawin mo kami ha, dala ka pagkain"

"Wag mo kaming kalimutan!"

"Magkikita tayo ulit, bunso!"

Humarap ako sakanila at pa simpleng pinunasan ang luhang tumutulo  sa aking mga mata. Kahit na hindi maganda ang una naming pagkikita, hinding hindi ko sila makakalimutan. Naging parte sila ng buhay ko sa kuwadradong lugar na ito. Bago ako tuluyang tumalikod tinaas ko ang aking kanang kamay para kumaway at humakbang na paharap para makalabas sa pinto na hindi ko na gugustohing pasokan at hawakan ulit.

Napabuntong hininga ako ng tuloyan kong masilayan ang labas ng naging mundo ko sa loob ng ilang taon.

I don't know where to go as of the moment, there are places I would like to pay visit but I am scared to do so. Walang nakakaalam ni isa sa kung anong pangyayari ang meron ako sa mga oras na ito, at ayaw ko rin naman na malaman nila. I am finally done and I am beyond proud na natapos ko.

I made it, but I am not happy.

Convicted Innocence (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon