Chapter 06

4.9K 245 11
                                    

Matapos ang pamamalagi ko sa cabin ng halos isang linggo ay nakabalik na ako sa sentro, nandito ako ngayon sa bahay at naghahanda para pumunta sa palayan para simulan na ang paglilinis para sa susunod na pagtatanim.

"Shan! Nandito kaba?" Tawag sa akin mula sa labas. Tumayo ako at naglakad dala ang aking mga gamit para diretso nalang ako sa palayan.

"Sam?" Pagtatanong ko rito ng makalabas ako.

"Uuwi na bukas sina Lia, ako ang magmaneho ng service nila. Pwede ka bang sumama?" Pagpapaalam nito sa akin.

"Tapos na ba sila? Pwede bang susunod na lang ako, may dadaanan pa ako at pagkatapos noon ay hintayin mo nalang ako kung medyo matatagalan." Balik kong sagot dito.

"Tapos na sila pero babalik pa sila for vacation, hindi daw nila na sulit dito eh." Sabi naman nito.

"Sige, mauuna na muna ako sayo. Kukunin ko nalang mamaya si Gia sa inyo tapos ibabalik ko bukas ng umaga." Tumango lang ito at naglakad na patungo sa sasakyan niya.

Bandang alas singko na noong matapos yung mga gawain sa palayan kaya naglalakad na ako pauwi ngayon. Pagkarating ko sa bahay ay nagpahinga muna ako saglit at di ko namalayan naka idlip ako kaya pag gising ko malapit na mag alas syete ng gabi.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Paglabas ko ng bahay ay kinuha ko yung bisikleta ko at nagsimula ng magpadyak.

"Magandang gabi po, Mang Toto." Pag bati ko sa guwardiya nila Sam, tumango ito at bumati rin pabalik.

"Matagal ka atang hindi nagawi rito, Zi?" Pagtatanong nito saakin.

"Medyo naging busy lang ho." Sagot ko naman dito at nagpaalam na papasok na ako sa loob.

Nasa pinto pa lang ako nang marinig ko ang mga nagkakasiyahan sa likod na bahagi ng bahay. Kaya naman naglalakad ako papunta doon.

"Magandang gabi po, Manang Flor." Pagbati ko nang maka salubong ko si Manang Flor, ang asawa ni Mang Pedring. Ngumiti ito sa akin at bumati rin pabalik. Siya ang taga hatid ni Gia sa paaralan kapag nandito siya kila Sam.

"Nasa likod sila, Zi. Si Gia ay naroon din." Sabi nito kaya tumango ako at tumuloy na.

"Ba!"

Isang matinis na sigaw ng bubwit kaya napalingon ang iba sa akin habang si Gia ay nagmamadaling tumakbo patungo sa gawi ko. Nang makarating siya ay mahigpit ako nitong niyakap at nagpabuhat, pinaghahalikan naman niya ang buong mukha ko nang makapantay niya ito.

"I miss you, love." Paglalambing ko rito.

"Mish you too." Pa cute na sagot nito kaya kinagat ko yung pisngi niya na siyang ikinatawa niya ng malakas kasi malakas ang kiliti niya sa pisngi pero pag ako lang naman yung kumagat.

Bumaba ito ulit at tumakbo papunta kay Lia. Kaya naman ay tumungo ako sa gawi nila Sam para bumati ng paggalang sa iba pang naroon.

"Magandang gabi po mga Ma'am." Nakangiti kong bati sa kanila and they did the same.

"Kumain ka na?" Pagtatanong ni Lia sa akin.

"Tapos na." Sagot ko naman dito.

"Hindi ka yata nagawi dito, Zi?" Pagtatanong ulit ni Real.

"Ahh...naging busy lang po sa palayan, ma'am." Sagot ko. At bahagya namang natawa ang iba dahil siguro sa tawag ko rito.

"Uuwi na ba kayo ni Gia, Shan?" Tanong naman ni Sam kaya tumango ako at napatingin ako kay Gia na parang iiyak na naman.

"Dito lang ako mag sleep, Ba." Paawang sabat nito bago ko pa matawag ang pangalan niya.

"Love, uuwi tayo." Sabi ko habang papalapit sakanya na ngayon ay naka kandong na kay Fritz.

"Ayaw." Sagot naman nito at mas sumiksik sa pinagtataguan niya. Kaya naman niyakap siya ni Fritz dahil she's sobbing already.

"Sugarplum, don't you miss Baba?" Pagsabat ni Lia dito habang kinukuha ito mula kay Fritz.

"I do, but mag leave na kayo tomorrow." Sagot naman nito habang nakayakap sa leeg ni Lia. Napangiti naman ako dahil she's so adorable.

"Iwan na ikaw, baby bunch." Pang-aasar ni Sam kaya, humiyaw na ito ng tuluyan.

"Aaw." Daing nito nang kurotin siya ni Lia. Kaya naman lumapit na ako at kinuha siya kay Lia at niyakap.

"Shh, stop crying na, baby love. You'll having hard time to breath later." Pag-aalo ko rito at hinalikan sa noo bago pinunasan ang luha niyang tuloy-tuloy ang agos.

"Excuse me po muna mga ma'am." Pagpapaalam ko sa kanila na pumunta sa loob ng bahay kung saan ang kwarto na tinutuloyan niya.

"Oh, bakit umiiyak ang maganda kong apo." Pagpansin ni Tatay Noelle nang madaan namin siya sa sala kaya nag mano ako rito.

"Sinumpong po eh." Ako na ang sumagot dahil naka siksik lang itong isa sa leeg ko.

"Akyat na kayo." Natatawang sabi nito kaya tumango na ako.

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Gia ay may narinig akong ingay sa isa sa mga kwarto. At napagtanto ko na katabi pala ito ng kwarto nitong bubwit, hindi ko nalang pinansin at tuloy na pumasok sa loob. I put down Gia sa edge part ng kama at naghila ng upuan paharap dito at umupo.

"I-im sorry, Ba." Hindi pa ako nagsalita nang banggitin niya yan habang nakayuko at pinaglalaroan ang mga daliri niya.

"Hmm, uuwi dapat ikaw ngayon. Babalik naman ikaw tomorrow kasi sasama ka sa paghatid sa kanila Nanay." Marahang saad ko rito pero nakayuko parin ito.

"Dito ka mag sleep?" Pagtatanong ko muli. At tanging tango lang ang sagot nito. Kaya tumayo ako pero umiyak ito ng malakas. Akala siguro ay galit ako. Nahimigan ko pang natigil ang ingay sa kabilang kwarto.

"Shhh, stop crying, baby. I love you." Humihikbi itong naka yakap sa binti ko. Kahit natatawa ay pinipigilan ko.

Binuhat ko ito at sinayaw-sayaw. Nang tumahan ay dinala ko sa banyo at pinunasan para maka bihis na siya.

"You sleep na here ha, uuwi na ako." Tumango naman ito habang nakasalpak sa bunganga nito ang feeding bottle niya.

"I love you. Good night and sweet dreams, baby love." Ulit kong sambit bago ito hinalikan sa noo at niyakap ulit.

Pinatay ko na ang ilaw at tanging lamp shade nalang ang meron sa gilid ng kama kaya hindi ganon kadilim.

"Uuwi na po ako Tay." Pagpapaalam ko kay Tatay Noelle nang makita ko pa ito sa sala.

"Ingat ka anak." Tumango lang ako at tumungo muna sa likod para magpaalam din.

"Nakatulog na?" Bungad na tanong ni Sam sa akin kaya tumango ako.

"Pasabi naman doon sa nasa katabing kwarto ni Gia na sorry. Nag concert pa kasi." Natawa naman ang iba at sumagot naman si Viane.

"Dragon pa naman yon." Kaya napangiwi ako. Habang natawa naman silang lahat sa sinabi nito.

"Na istorbo nga yata talaga siya." Pag-uulit ko. Kaya mas lalo silang natawa.

"Shan, ang ganda ni Prof. baka gusto mong makilala." Sabi naman ni Sam kaya naman napakamot ako sa noo ay napiliting ngumiti.

"Tigilan niyo na nga yang si Zi." Sabat ni Raya.

"Nga naman, close pa naman na sila ni Gia." Pahabol nito kaya nagtawanan sila.

"Ay nako, okay na po kay Gia." Pag sabat ko naman.

Nagpatuloy pa yung pang-aasar nila sa akin pero dahil gabi na ay tuloyan na akong nag paalam.

"Mauuna na po ako mga Ma'am. Ingat po kayong lahat bukas." Nakangiti kong saad sa kanila. At kanya-kanya naman silang nag paalam sa akin.

Papalabas na ako ng bahay nang may narinig akong ingay. Nabanggit pa yung pangalan ko, baka lumabas yung nasa katabing kwarto ni Gia. Nag padyak na ako para maka uwi at pagdating sa bahay ay nahiga na ako sa kama hanggang sa dapoan ng antok.

===
Another one for y'all. Hope you enjoyed it! See you in the next chapter...

Convicted Innocence (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon