"Zi!" Humahangos na tawag ni Flavio.
"Bakit?" Sagot ko dito at agad na lumabas sa kubo.
"Si...s-si Mang Nato...nakikipag sagutan kay Mang Julio, nandoon sila sa crossing. Baka magkagulo." Mabilis na saad niya kaya mabilis akong tumakbo at iniwan siya. Uuwi na sana kami mamaya pero nadali ng ulan ang mga aanihin kahapon kaya itinigil muna at ngayon itinuloy. Pang tatlong araw na namin dito.
"Ay hindi! Dapat saatin to mapupunta. Tayo ang nag hirap tapos ipapamigay lang. Hindi pwede!" Hindi pa man ako nakarating kung saan sila ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Mang Nato. Marami na ang nakatingin sa kanila.
"Pero Nato, napag-usapan na natin ito. Bibigyan ang kabilang panig." Sagot naman ni Mang Julio.
"Pasensya na ho sa pakikialam, pwede ho bang doon tayo sa kubo mag-usap." Agad na sabat ko bago pa makapagsalita si Mang Nato.
"Balik na ho sa pagtatrabaho, pag tapos ho natin mamaya diretso ho kayo kina Mang Julio at may konting salo-salo." Dagdag ko dahilan para magsialisan ang mga nanonood.
"Ano po'ng problema?" Pagsisimula ko nang marating namin ang kubo.
"Itong si Mang Nato mo ay hindi papalugi sa resulta sa ani." Sabat ni Mang Julio kaya napa buntong hininga ako.
"Kasi naman, Zi. Hindi kasi ganon dapat ang parte nila. Tayo na nga ang nag hirap eh ganon pa ang sa kanila, aba'y lugi tayo nito." Rason naman nito.
"Si Tatay na ho ang bahala, pero sa ngayon na anihan ay medyo mababa ang parte natin. Pero gagawan ho natin ng paraan iyan para kahit papano ay mabalik sa dating linya ang hati. Pasensya na ho muna kayo, nadali pa ho ang ibang parte ng palayan kaya hindi ho ganon kalaki ang ani natin." Sagot ko sa kanila.
"Kung maari ay iwasan dapat ang gulo dahil malayo ho kayo sa amin, pag ang kabilang panig ay tinanggap ang naging alok ni Tatay lilipat ho kayo doon." Dagdag ko.
"Pasensya na, Zi. Itong si Julio kasi eh hindi man lang pumalag kanina ng dumaan ang taga kabila. Kulang nalang eh sagasaan kami kanina. Hindi pa nga namin nakikita ang bagong magiging anak at apo namin eh mamamatay na kami." Nanlaki naman ang mata ko sa narinig habang sabay naman na natawa ang dalawa.
"Ayy hahaha nako po, ang ganda nga daw po ng magiging nanay ng bago niyong apo mga manong." Nagulat ako sa pagsulpot ni Flavio kaya napaubo ako.
"Talaga ba, saan mo nakita?" Agad na tanong ni Mang Nato.
"Ay si Mang Toto ho, tsismis niya sa akin." Natatawang sagot nito.
"Tama na nga muna iyan at bumalik na tayo para bukas ay maggagyat nalang tayo." Sabat ni Mang Julio kaya agad naman kaming lumabas at bumalik sa palayan.
Ang init-init pa naman ngayon, lalagnatin pa yata ako. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagod sa pag takbo ko ko.
I was awakened when someone called on my phone. When I look at it, I immediately stand when I see the time.
"Hello? Good Morning." Agad na saad ko nang masagot ko ito.
"We've been busy, I sent a message yesterday. I cannot tell yet when will I be home." Mabilis kong dagdag dahil baka umusok na naman ang ilong nito.
"Is Gia with you?" I asked because she hadn't uttered a word.
"Please send my good morning, you guys had breakfast?" I added it again. Why on earth did this woman not talk?
"H-hey? Did I..I do something...w-wrong?" I asked unsure, because as far as I can remember, I just slept last night when the people outside were having their night.
BINABASA MO ANG
Convicted Innocence (1)
FanfictionFreedom seeks for crime and law. The truth among the lies and denials. Regrets and consequences. Questions and statements. Roaring in agony and despair. Truth or lie? Between the two, who are you? Justice towards betrayal. Will it be yours? Love a...