Chapter 31

4K 187 34
                                    

We are here sa bahay niya. Nothing really changed, the couch where we had our first kiss is still here. Dapat uuwi na ako kahapon pero nag drama silang dalawa ni Gia that they feel sick kaya bukas na ako uuwi talaga. Gia's playing with a new bought tea cup puppy. Sabi ko wag na eh pero bumili pa rin kasi Gia saw it one time and she thought it was a stuffed toy. Kahit pareho silang allergic sa aso ay sige pa rin. Ang ending ako maglilinis kung sakali.

"Gia, don't be too close, baby." Paalala ko. Ang reyna namin ay nagluluto. Sarap asawahin.

"Baba, why does this puppy look like this?" Napangiwi ako sa tanong nito. Hindi ko rin alam!

"Don't you put a name on her?" I asked. Nag-isip naman ito.

"Can we call her, Amyeille?" I heard a loud laugh of Amaiah.

"Why?" I asked.

"Because that's what Mommy always mentioned." Rason nito. Napakamot ako sa kilay ko.

"How about AZY?" Emphasizing the three last letters. Narinig ko kung paano nahulog ang sandok. Napangisi naman ako.

"It was Mommy's name." Nawala ang ngisi ko sa sagot ni Gia. Yung tawa ni Amaiah nang-aasar.

"Okay, Mommy is smart. She could help you name that dwarf." Tumakbo ito sa kusina kung saan si Amaiah. Tiningnan ko ang aso at natawa ako

Ka liit-liit naman nito. Malaki pa paa ko eh. Hindi ko talaga mapigilan matawa dahil parang de bateryang laruan siya. Hindi ko alam kung maaawa ako o ano eh. Nilaro-laro ko ito at sinukat ko sa kamay ko, sus, isang dakma lang nito bitbit agad eh.

"Ang liit mo naman." Pakikipag-usap ko dito. Nakatingin lang ito sa akin.

"Para kang si Gia." Natawa ako sa sinabi ko. Napa igik ako when something hit my head.

"Sinasabi mong aso ang anak ko?" Mas natawa ako sa sinabi niya.

"Ho! I just compare them both, okay. Pareho sila maliit eh. Matangkad naman ako." Rason ko, nagsalubong ang kilay nito.

"You were saying I am small?" Napangiwi ako sa tanong nito.

"Yeah, but big enough to fit in my heart." Boom! Kilig ang sandok na hawak niya.

"I love you." Bulong ko at tumakbo papuntang kusina and see Gia writing names.

"Baby, tiny's finding you." Napa-angat ang tingin nito sa akin when she heard that.

"Mommy!" Sigaw nito nataranta naman ako.

"Mommy, ang pangit ng name ng puppy ko." Umiiyak na sumbong nito, ang arte naman nito. Ako na nga tumulong.

"Edi mini nalang." Suggest ko. Pero sabay silang nag angat ng kilay. Tinaas ko ang dalawang kamay ko saying I surrender.

Natapos nalang kami kumain hindi pa rin tapos ang dalawa sa pag-iisip ng pangalan. Ano ba naman yan. Aayain ko pa naman sana silang mag date pero busy pa sila.

"E google niyo nalang kaya." Sabat ko, sabay silang natigilan. Halos mabitiwan ko ang aso dahil sabay silang sumigaw.

"Gugu." Sigaw nilang dalawa. Tiningnan ko ang aso at natawa ako. Mukhang pati siya ayaw ng pangalan niya.

"Look at the puppy, it's sad. Pangit ang name niya." Napangiwi ako when they both glared at me. Sabing tiny nalang kasi.

Nakatulog nalang ako kakaantay sa pangalan ng aso. Ang tagal-tagal nilang mag-isip. I woke up when a tiny hand were shaking me. I stretch and I forgot that I have my wound. Feel ko bumuka eh. Napamulat nalang ako when Gia shouted Mommy.

Convicted Innocence (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon