Apat na buwan na ang nakakaraan nang mag punta ang mga kaibigan ni Lia dito. At malapit na ang graduation ni Sam. Si Gia naman ay huling pasok na bukas at break na niya. Nandito ako sa kubo dahil bumisita ako sa palayan. Habang nakatingin sa malawak na lupain, I remember a memory of her.
Flashback ~~~
We have a game tomorrow, and I am planning to invite Prof. Hidalgo. I still remember the first time she initiated something towards me kaya sobrang kilig ako non.
Simula noong sa parking lot ay iniiwasan ko na siya. Pero nakikita ko parin naman siya sa tabi-tabi.. Tapos na ang period namin sa kanya at naghahanda na akong lumabas nang tawagin niya ako.
"Romano." Sambit nito kaya napatigil ako at humarap dito.
"B-bakit po, Miss?" Nauutal kong sagot.
"Help me with these." Baling nito sa mga gamit niya sa mesa.
Tumango lang ako at binuhat ang sinabi niya. Nakasunod lang ako dito papunta sa office niya, she has her own office and it is my first time to get to see what's inside.
"Place it there." Saad niya nang makapasok kami sa loob.
"Una na po ako, ma'am." Pagpapaalam ko rito. Hindi naman ito sumagot kaya lumabas na ako. Sungit talaga, di man lang nag thank you.
Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa cafeteria ay nadaanan ko ang grupo na kinaiinisan ng lahat. Diretso lang ako at hindi lumingon sa kanila kahit pa na pinapansin ako ng mga ito. Hindi naman sa ayaw ko sa kanila, they are kinda good naman pero may times na they are causing trouble kaya di ako masyadong lumalapit sa kanila. Mabait ako eh, tapos dagdag points na rin kay Yelo.
"Zia, tawag tayo ni coach." Hindi pa ako nakaupo sa napiling pwesto ko rito sa cafeteria ay tinawag ako ng isang teammate ko.
"Bakit? May biglaang training ba?" Pagtatanong ko nang makalapit ako dito.
"Meeting daw." Sagot naman nito.
Habang naglalakad ay maraming bumabati rito sa kasama ko na kumakaway naman pabalik, meron din naman sa akin at ngiti ang sagot ko. Sino nga ba naman ang hindi mapapalingon sa isang maganda at magaling na manlalaro ng Echeverria University. Clarisse Pimentel, the daughter of Dexter Pimentel ang may-ari ng pinaka malaking shipping company sa Pilipinas. Hindi na ako magtataka kung marami ang nakakakilala rito kasi ang dami niyang mukha sa gilid ng mga daan dahil sa iba't ibang products that she worked with.
"Zia, come here." Tawag sa akin ni coach pagdating namin sa gym.
"Bakit po?" Tanong ko.
"I was informed that you will be participating in a quiz bee competition three weeks from now, so you are excused for the training starting today." Tumango nalang ako kahit nagugulohan ako kung saan ako sasali.
Nagpatuloy ang meeting namin, there are new set of team managers lang pala. After the meeting ay uuwi na ako, and I was walking papuntang parking lot. Nakayuko lang ako hanggang sa makarating sa tapat ng sasakyan ko.
"Romano." Napatalon ako sa gulat at tiningnan ang tumawag sa akin.
"M-miss?" Pagtatanong ko sa kanya dahil nakita kong nakatingin lang ito sa akin ng diretso pero I can see amusement in her eyes. Amusing ba ako sa paningin niya dahil para akong tanga nang ginulat niya ako.
"Ehem, meet me tomorrow. In my office after your morning class." Tumikhim muna ito bago niya tinuloy ang sadya niya.
"Okay po, Miss." Mabilis kong sagot dahil tumalikod nalang ito ng basta matapos ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Convicted Innocence (1)
FanfictionFreedom seeks for crime and law. The truth among the lies and denials. Regrets and consequences. Questions and statements. Roaring in agony and despair. Truth or lie? Between the two, who are you? Justice towards betrayal. Will it be yours? Love a...