"Baby, don't be malikot." I said habang inaayusan ko siya. Well, she's excited. Today is the day we'll be leaving the province. It's been a week since we talked ni Tatay. He is actually happy I made my choice.
"I am gonna be with Mommy at school?" Excited na tanong nito. Napatango naman ako.
"Behave please." I said at tinapos ang ayos ng buhok niya.
"Baba, how about my pets?" Naiiyak na naman ito ngayon. Natawa ako.
"Kakainin ni Unli if she would see them." Her eyes went big. She has a beautiful set of eyes. Nearly the same with Amaiah.
"Could we leave them at Lolo's?" Napatango naman ako sa tanong nito. Tumakbo ito palabas when she heard the car honk.
Nagbihis na ako at inayos ang mga importanteng gamit ko na dadalhin. I looked around the place and smiled, I will surely miss this. Mama, I hope you are with us, I whispered while facing her picture.
"Ito lang ba ang dadalhin niyo, Zi?" Tanong ni Mang Ben. Tumango naman ako, hindi marami ang dinala naming damit dahil bibili nalang kami doon.
"Mang Ben, daan po muna tayo sa mansion." I said when we settled inside. Tumango naman ito.
"Mamimiss ko ang maganda kong apo." Naiiyak na saad ni Nanay. Natawa naman kami ni Tatay. Kahapon ay may salo-salo na naganap dito sa mansion. At ang iba ay nalungkot pero mas marami ang natutuwa dahil babalik na daw ako sa asawa ko. Hindi halatang masyado silang boto sa yelong bumubuga ng apoy. Natawa nga ako. Pati ang taga kabilang city ay dumayo dito kaya ang saya ng lahat.
"Lola we will visit you po at pwede din kayo po." Gia said and hugged Nanay.
"Tay, tawagan niyo po ako pag may problema dito ha. Nakausap ko na po ang taga kabilang bayan." Paalala ko habang papalabas kami patungo sa sasakyan.
"Ano ka ba anak, hindi ka pa nakaalis ay parang gusto mo na umuwi." Natatawang saad nito. Napanguso naman ako pero ginulo niya lang ang buhok ko.
"Mag-iingat ka, Zia. Tayo lang ang nakakaalam dito na pupunta kayong Manila." Bulong nito at niyakap ako. Hindi pa rin tapos si Nanay at Gia.
"Nay, bibisita naman po kami eh." Natatawa kong saad pero pinalo lang ako nito.
"Aba dapat lang, at baka naman pwede niyo na dagdagan ang apo ko. Hindi pa alam kung kailan ang kasal nila Lia at Sam kaya matatagalan pa ang bata." I laughed hard when I heard that.
"I love you, Nanay and Tatay." At niyakap silang dalawa. Naiiyak ako. Tinapik naman ni Tatay ang likod habang si Nanay ay parang ayaw bumitaw.
"Alagaan mo ang asawa mo, Zia. Pag sakin nagsumbong si Amaiah kukurotin ko ang singit mo." Banta ni Nanay. Natawa ako bago pumasok sa sasakyan. Kumaway naman si Gia sa dalawa.
"Siguradong mamimiss ka ng mga taga dito, Zi. Lalo na ang mga pasaway." Natawa ako sa sinabi ni Mang Ben.
"Nandito pa naman po kayo eh, at mas malala si Tatay kaysa sa akin." Sabay kaming natawa sa sagot ko.
"Ingat kayo, Zi." Nagmano ako dito at si Gia bago umakyat sa chopper. Sabi ni Tatay ay si Pedro nalang ang maghatid sa amin.
"Maraming salamat, Pedro." Nakangiti kong saad dito ng makababa kami. Sa mansion niya kami hinatid pwede naman sa bahay pero magpapakita muna kami kay Sam.
"Walang anuman, Zi. Anytime. Tawag ka lang." Saad nito at lumakad pabalik sa chopper. Sumaludo pa ito bago umakyat kaya natawa ako bago kumaway when he's up already.
"Baba, bakit hindi po tayo sama kila Nanay Ganda?" Tanong ni Gia habang nagmamaneho ako dahil wala sina Sam kanina sa mansion ay umalis kami para dumiretso sa bahay na titirhan namin.
BINABASA MO ANG
Convicted Innocence (1)
Fiksi PenggemarFreedom seeks for crime and law. The truth among the lies and denials. Regrets and consequences. Questions and statements. Roaring in agony and despair. Truth or lie? Between the two, who are you? Justice towards betrayal. Will it be yours? Love a...