Chapter 27

3.8K 174 79
                                    

~~~

"Nove!" Napabalikwas ako dahil sa kalampag.

"Ang numero kasagupa ang taga Kanluran." Pagkarinig ay agad akong lumabas sa selda namin. Sa ground lang naman ang mga preso ngayon.

"Putangina ka!" Sigaw agad ni Dos ang narinig ko hindi pa man ako nakarating.

"Hala! Suntok dali!" Mapanghamong sigaw ni Tres.

Pilit akong sumiksik sa mga nanonood. Pagrating ko sa harap ay may mga pasa lahat ang ka selda ko. Napangiwi ako dahil naka bulagta si Seven at Fourth.

"Mayabang ka lang dahil naunahan mo kami! Gago ka!" Sigaw ni Six at pilit pinapatayo ang kalaban niya.

Natigil ang lahat dahil sa tunog ng pito. Agad nag squat ang lahat. Agad namang pinagpapalo ng batuta ang mga nasangkot sa gulo. Nakayuko ako at hindi umaangat ng tingin.

Nadapa ako sa lupa when a couple of smash landed on my back. Ang sakit!

"Putanginang, Kanluran. May araw din ang hayop na yan." Nagngingitngit sa galit na saad ni Zero habang inaalalayan ko.

"Gago talaga! Bwisit na guard ang bigat ng kamay." Singit naman ni Dos.

"Okay ka lang ba, Nove?" Tanong ni Six kaya tumango ako kahit naninigas na ang mga muscles ko sa katawan. Ang sakit ba naman ng pagpalo. May bukol nga si Fourth.

Ako na ang gumamot sa mga sugat nila. Pagkatapos ay hinubad ko ang damit ko habang nakatalikod sa mga ito. Nagulat ako dahil sa lakas ng sigaw nila.

"Fuck!" Agad kong sinuot ang damit ko at lumingon sa mga ito.

"Sino ang pumalo sa iyo?" Galit na tanong ni Zero.

"Po?" Sagot kong tanong pero napayukom lang ito. Mabilis naman lumabas si Six at Seven.

"Sino ang pumalo sa'yo?" Ulit nito kaya umiling ako dahil hindi ko kilala.

"Tawagan mo si Sanchez, Raven." Mariing utos nito kay Eight na agad namang ginawa. Tinaas niya ang lalagyan niya ng sabon at nagulat ako dahil may hinugot siyang cellphone.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Pagtatanong ni Tres kaya tumango ako. Hindi naman talaga gaanong masakit eh kanina oo.

"Ang lagim ng likod mo, Andeng." Singit ni Uno.

"Okay lang po ako, hindi na po gaanong masakit." Sagot ko naman. Tumango si Eight kay Zero matapos ang tawag.

Ikalawang taon ko na rito sa loob. Naka adjust naman na ako sa environment. Nasasali sa gulo pero hindi ako lumalaban. Nasaksak din ako kamakailan dahil sinangga ko ang kutsilyo para kay Dos. Galit na galit nga si Zero at muntik mapatay ang sumaksak sa akin buti dumating ang guards. Pero napalo pa rin kami.

Masaya kaming nagkukwentuhan ng may guards na pumasok sa selda namin at pinalabas kaming lahat patungo sa ground. Nandon nadin ang iba. Baka naiba na ang araw ng inspection. Usually at the end of the month eh pero nasa kalahati palang naman.

"Upo!" Sigaw ng warden kaya ginawa namin. Nakasalampak kaming lahat sa lupa.

"Ayaw kong hindi ako sinusunod! At kung sino ang humindi ay sa bartolina ang bagsak!" Dagdag nito, nagtaka naman ang lahat.

"Ikaw." Lumingon ako sa likuran ko dahil baka si Fifth ang tinuro. Umiling ito kaya tinuro ko ang sarili ko at tumango siya.

"Balita ko ikaw ang pinakabata sa lahat." Saad nito. Pinatayo ako nito at halos magpantay kami pero mas matangkad parin ako.

"B-bakit po?" Nauutal kong tanong. Ngumisi ito kaya napalunok ako.

"Sumunod ka sa akin." Sagot nito bago umalis. Sumenyas siya sa isang guard para samahan ako. Napalingon ako sa mga kasama ko at pati sila ay nagulohan din.

Convicted Innocence (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon