...~~~
Nasa gym kami ngayon for a friendly game. I am sitting sa bench dahil tapos na ako mag stretch. My teammates are on the court and some are talking with our opponent's team. Umiinom ako ng tubig when a hand suddenly landed on my back making choked on my drink.
"Goodness! Kampana!" Umuubo-ubo akong humarap dito. Pero tumawa lang ang magaling.
"Manonood ang mga Professors, wag kang bida-bida." Saad nito, kaya binato ko siya. Napalingon ako sa paligid dahil ang lakas ng tawa niya. Halos lahat nasa kanya ang atensyon.
"Tahimik ka, Kampana. Nakatingin halos lahat. Bida-bida ka talaga sa atensyon." Bulong ko rito at hinila siya paupo.
"Bagay sila no."
"Ay hindi, akin lang si Zia."
"Anong iyo? Walang iyo dahil, akin, akin, siya."
"Yuck, ang sagwa mo."
"Straight pa sa bangs mo si Zia, tumahimik ka."
"Sabi sa kabilang school ex niya yung star player nila."Pinipigilan naman ni Kampana ang tawa niya. Pero hindi kinaya, she laughed loudly. Goodness! Nakakahiya talaga. Itinakip ko ang tuwalya sa ulo ko at yumuko. Natatawa rin ako eh. Nakakatawa yung nasa likod namin. Itong Kampana naman kulang nalang humiga eh. Tumayo ako at lumayo dito habang nakayuko pa rin.
"Sorry, girls. Taken na ang Zia niyo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Aba!
"Awww." Sagot naman ng mga nakarinig. Kampana! Mabilis akong tumakbo palapit dito at hinila gamit ang tuwalya ko na nasa leeg niya.
"Tumigil ka, Kampana!" Diin kung bulong habang sakal ko ang leeg nito.
"Acck, te-teka. Ta-tama n-na." Saad nito habang tinatapik-tapik ang braso ko.
"Mapapatay tayong dalawa ni Aiah, ang sakit pa naman niya mangagat." Bulong ko ulit and showed my shoulder to her bago tinaas ang jersey ko at ipakita ang tagiliran kung may marka ng ngipin. Bigla naman nag-ingay ang lahat.
"Dead!" Sabay naming bigkas nang makita namin ang mga sarili sa monitor sa taas. Agad kong binaba ang jersey ko at yumuko.
"Nandiyan ba ang yelo?" Bulong kong tanong habang pabalik kami sa bench.
"Kasama ang ibang pinsan namin, katabi niya yung sinasabi ko." Pasimple akong lumingon pero hindi ko makita!
"Nasa harap, bobo!" Bulong din nito kaya using my peripheral I kinda see them.
"Ampon ka ba?" Naitanong ko bigla. Nagtaka naman ito.
"Bakit pangit ka?" Dagdag ko kaya napanganga siya.
"Motherfucker!" Medyo may kalakasang bigkas niya kaya natawa ako. Ang epic ng mukha niya.
"Kanina pa kayo pinag-uusapan, aminin niyo nga. Kayo ba?" Sabay kaming napalingon sa nagsalita at nakitang si Perez pala. Naghiyawan naman ang naka rinig.
Dahil genius kami, bigla itong lumapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Napahawak naman ako sa dibdib nito banda, dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Kahit natatawa ay pinipigilan ko. Habang kita ko sa gilid ang mga teammates kong excited. Palapit nang palapit ang mukha namin pero ang loko di naka tiis at tumawa tapos may tubig pala ang bunganga kaya tumalsik sa akin.
"Balahura ka talaga, Kampana!" Habang nagpupunas ako. Yuck.
Halos mapigti ang hininga niya kakatawa at nang lingonin ko ang iba ay nakanganga silang lahat. Natigil kami nang tumunog ang buzzer. Magsisimula na pero lagkit na lagkit ako kaya mabilis akong nag excuse kay coach at pumunta sa cr.
"Oh Jesus Christ!" Gulat kong bigkas nang may biglang humila sa akin.
"What was that, Romano?!" Patay.
BINABASA MO ANG
Convicted Innocence (1)
FanfictionFreedom seeks for crime and law. The truth among the lies and denials. Regrets and consequences. Questions and statements. Roaring in agony and despair. Truth or lie? Between the two, who are you? Justice towards betrayal. Will it be yours? Love a...