Dalawangpu

10 0 0
                                    

Pagkabagot at di lang mumunting inis ang nararamdaman ng dalaga, sapagkat ilang araw na din itong walang magawa bukod sa umupo at humiga sa kama.

Mahigpit ang pagbabantay ng mga kawal sa labas ng kanyang silid, ibilang mo pa ang higpit na bantay ng berdugo simula ng ito'y magkamalay.

Kahit ang kanyang dama ay walang magawa sa kanyang kagustuhan na lumabas ng silid, dahil na din sa berdugong laging nakamatyag sa kanyang kilos.

Gaya ng tagubilin ng maharlikang manggagamot, kailangan ng dalagang magpahinga ng ilang araw sa silid.

Halos wala nang pahinga ng ayos ang naturang mandirigma.

Lingid naman ito sa kaalaman ng prinsesa.

"Siguro naman ay maaari na akong lumabas at maglakad sa hardin, makalanghap ng sariwang hangin."
Baling nito sa berdugo.

"Ipagpaumanhin mo mahal na prinsesa! Hindi ito maaari hanggat wala pang pasabi ang maharlikang manggagamot."

"Ngunit..."

"Binibini, may panauhin po kayo, ang mga asawa ng Mahal na datu." turan ng kanyang dama, bago pa man makapagsalita ito muli.

Agad namang inalalayan ng mga damang babae ang dalaga na makaupo ng maayos sa hinihigaan.

Bago pa man makapasok sa silid ang mga naturang panauhin ay lumabas na ng silid ang berdugo, naiwan lamang sa loob ng silid ang anim na damang babae at ang kanyang damang lalaki.

"Pagbati sainyo!"turan ni Raskreia

Ni hindi man lang gumanti ng pagtugon ang mga ito sa pagbati ng dalaga.

Isang senyas naman ang nanggaling sa dalaga, hudyat na bigyan ng maiinom at mauupuan ang mga ito, sapagkat hindi makaalis ang dalaga sa kanyang hinihigaan, kung kaya sa may malapit na pwesto n'ya ito pinabibigyan ng mauupuan.

Agad naman na tumugon ang kanyang mga dama.

Umikot ang kanilang paningin sa loob ng silid ni Raskreia, tila namamangha sa nasisilayan sa kanyang silid.

Pinadaanan ng tingin ang kanyang mga dama tumagal ng ilang sandali, bago ibinalik sa dalaga ang pansin.

"Nakarating sa amin ang balita, tila may hindi magandang nangyayari sa iyong tahanan? Lalo pa't kamuntikan muna itong ikapahamak, at ang mas malala pa ay nagkasakit ka?" anang unang asawa ng Datu.

"Salamat sa inyong pag-aalala, ngunit kaonting lagnat lang naman ito, at gaya ng nakikita n'yo ay maayos na rin naman ang aking pakiramdam, maaari na nga muli akong makipaghabulan kay kamatayan." balewalang tugon ng dalaga.

"Matalas talaga ang iyong dila? Diyata't naipagkamali namin ang pag-aalala sa kalagayan mo,"tugon ng ikalawang asawa ng Datu.

"Mukhang naipagkamali n'yo ng pagkakaunawa ang aking nasambit." sagot ng dalaga.

"Kung ganon, maaari mo ba kaming paunlakan ngayon na uminom ng minatamis na katas ng prutas sa aking tahanan?" anang unang asawa ng Datu.

"Mawalang galang na po sainyo! Ngunit hindi pa lubusang magaling ang mahal na prinsesa, mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas n'ya ng silid. Ayon na din sa bilin ng maharlikang manggagamot." anang kanyang damang lalaki.

"Sinasabi mo bang ikapapahamak ng ikalimang asawa ng Datu ang paglabas n'ya ng silid gayong sa aking tahanan naman kami tutungo?" galit na turan ng unang asawa ng Datu.

"Lapastangan!" Sigaw ng ika-apat na asawa ng Datu.

"Mga kawal!"anang ikatatlo.

"Naipagkamali n'yo lamang ba ang nais ipabatid ng aking dama? O sadyang may kahinaan talaga ang inyong mga utak?
May poot ding mababatid sa tinig ng dalaga matapos n'ya itong masambit.

Lahat ay nagulat sa kanyang itinuran,

Ilang sandali bago sila nakahuma.

"Nalalaman mo ba ang iyong itinuran? Dahil lamang sa hamak na aliping ito ay nagagawa mo kaming bastusin!? Alam mo ba na kalapastanganan ang iyong ginawa?" nagpupuyos sa galit na turan ng unang asawa ng Datu.

"Malaking kaparusahan ang kapalit sa nagawa mong kasalanan baka iyong nakaliligtaan?" turan ng ika-apat na asawa ng Datu.

"Sa tingin ko naman, Wala akong nilalabag na batas sa tribong ito para ako ay maparusahan."

"Ipinagtatanggol mo ang isang hamak na alipin laban sa maharlikang katulad namin." anang ikalawang asawa.

"Walang masama kung ipagtatanggol ko ang sinumang naririto sa tahanang nasasakupan ko, Lalo pa at wala namang maling nagawa, ano bang problema n'yo?" sagot ni Raskreia.

"Binibini..!" awat ng kanyang mga damang babae.

Nakikinita kasi ng mga itong mahirap kalabanin ang apat na naunang asawa ng Datu, Lalo pa at napakasasama ng pag uugali.

Tila hindi naman ito pansin ng kanilang prinsesa.

"At talagang-"

"Mga kawal!"

Sigaw nilang apat.

Ngunit, bago pa man mahawakan ng mga ito ang mga dama at si Raskreia.

Nakaharang na ang kanyang lalaking dama sa gitna ng mga ito.

Hindi dahil sa kanyang nag iisang damang lalaki kaya natigilan ang mga kawal sa paglapit sa kanila ng mga ito, kung hindi dahil sa mga kawal na nasa loob mismo ng silid ng dalaga, nagsulputan ang mga ito, mga may nakaumang na palaso na 'di mabilang sa dami.

"Tila yata nalilimutan n'yong nasa loob kayo ng tahanan ko? Wala akong nilalabag na batas at alam kong nalalaman n'yo ito. Mataas ang paggalang ko sa bawat isa sainyo, ngunit kung hindi ninyo ako kayang irespeto sa sarili kong tahanan, pasintabi lang umalis na kayo bago ko pa malimutang asawa kayo ng Datu ng tribong kinalalagyan ko!"

"Kampante ka sapagkat alam mong narito ang berdugo!" turan ng ika-apat na asawa.

"Hindi ko kailangan ang proteksyon ng berdugo para sa inyong kaalaman, dahil kaya kong makipagpatentero kay kamatayan at kaya kong makipagsabayan na kumitil ng buhay kung kinakailangan, at kaya ko ding isangga ang aking buhay para sa aking nasasakupan! Kayo, kaya n'yo ba?" mahabang turan ng dalaga.

Napipilan namang umalis ang apat na asawa ng Datu.

Matapos ang kumosyong naganap ay pinaalis na din ng dalaga ang mga kawal na biglang sumulpot sa kanyang silid.
Pinasalamatan at binigyan ng mumunting mga ngiti.

Maging ang kanyang mga dama kabilang na ang kanyang damang lalaki.
Sapagkat nais na din nitong magpahinga.

"Manong lumabas kana d'yan? May patago-tago kapang nalalaman!"
Turan ng dalaga.

"Alam mo palang hindi ako lumabas ng silid mo?"

Hindi ito sinagot ni Raskreia bagkus ay iba ang kanyang winika.

"Bakit sa tuwing makakadaopang palad kami ng mga asawa ng Datu hindi nawawala ang mumuntikang pagdanak ng dugo? Mabuti na lamang laging alerto ang aking mga kawal at handang magbuwis ng buhay para sa akin."

Wala naman itong nakuhang sagot mula sa berdugo.

"Wala naman akong balak makipag-agawan ng pwesto sa puso ng kanilang Datu, kaya bakit nila ako pinag-iinitan?" sambit pa ng dalaga.

Matiim lang itong pinagmasdan ng berdugo.

"Nalalaman mo ba kung kailan babalik sa tribo ang inyong Datu?" Tanong ng dalaga.

Ngunit tila wala itong narinig.

"Lumabas kana nga ng aking silid! Kanina pa ako nagsasalita ngunit wala akong makuhang sagot mula sayo." baling nito sa berdugo.

"Tss!, tila yata hinahanap mo na ang presensya ng aming Datu, Mahal na prinsesa? Sa makalawa ay ang araw ng pagbalik ng Datu, kaya magpagaling ka sapagkat alam kong nakarating na sa Datu ang mga nangyari dito." tugon ng berdugo.

"Nga pala yung babaeng tinulungan ko kamusta na pala s'ya?"

Wala na naman itong nakuhang sagot mula sa berdugo.

Sapat na ang inis ng dalaga para batuhin ito ng kanyang unan.

Senyales naman ito para sa berdugo para lumabas na ng kanyang silid.

----

*Kinjoe👊



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon