Labing-walo

5 0 0
                                    

Naunang nagising ang prinsesa, masusi nitong pinagmamasdan ang natutulog pang si dos, basi sa ayos nito ay tila sumabak ito sa matinding labanan.

Nang makitang may mga sugat din ito ay agad na tumayo ang prinsesa at tumungo dito.

Dahan-dahang lumapit at hinawakan ang brasong may sugat at dinampian ng gamot sa magaang paraan, nang sa gayon ay hindi maalimpungatan sa mahimbing na pagtulog ang berdugo.

Patuloy lang sa paggagamot ang dalaga na di alintana na kanina pa ito pinagmamasdan ng berdugo.

Nang sa may bandang mukha na nya ito gagamutin ay nagulat ang dalaga, dahil sa nagkasalubong ang kanilang titig, Hindi akalin nito na gising na ang berdugo.

Sya ring dahilan para mapaupo ito sa lupa.

Agad namang napatayo si dos para alalayan ang dalaga na makatayo.

"Ayos ka lamang ba?"agad na tanong ng berdugo.

"Oo, nagulat lamang ako. Bakit kasi hindi ka man lang nagsabi na gising kana pala."

"Pasensya na! Hindi ko sinasadya na magulat ka mahal na prinsesa. Ngunit Hindi mo naman kailangan na pagtuunan ng pansin ang aking mga sugat, mababaw lamang ang mga ito."

"Hindi porket sanay kayo sa pakikipaglaban ay hindi na kayo nasasaktan o nakakaramdam ng sakit! Mga tao din naman kayo, at kailangan n'yo din pag-ingatan ang inyong mga sarili, dahil may mga pamilya pa din naman kayong nag-aantay sa pagbabalik n'yo."

"Wala ng pamilya ang nag-aantay sa bawat isa sa amin, dahil lahat ng mga taong nakapisan ngayon sa tribong kinalalagyan mo ay mga ulilang lubos na, lahat kaming mga kawal at alipin ay wala ng pamilya, kinupkop lamang kami ng Mahal na Datu at sinanay namin ang aming mga sarili kapalit ng pagkupkop n'ya sa amin, bukal sa aming kalooban ang pagtatalaga ng aming mga sarili sa tahanan ng Datu. Ang paglingkuran at protektahan ang Datu ang aming pangunahing tungkulin. Maging ang kanyang mga kabiyak ay aming poprotektahan."

Matagal bago nakapagsalita ang dalaga.

"Ang Datu ang pamilya n'yo, kaya nararapat lamang na pag-ingatan n'yo ang inyong mga sarili, dahil tiyak na mag-aalala ang datu, kung marunong itong magpahalaga na para sa akin ay malabo."

Napapalatak nalang sa ere si dos dahil sa tinuran ng dalaga.

"Magkaganun pa man, nagpapasalamat ako at maganda ang turing mo sa iyong mga kawal at dama, sana hindi namin naipagkamali ang lahat."

"Huh? Ano ang ibig mong sabihin?"

"Wala, sadyang minsan kakaiba ka manulas ng kataga, mahal na prinsesa.

'Dahil hindi naman kasi ako taga-dito, iba ang mundo ko kaysa sa mundo n'yo, pinipilit ko lang na gayahin kung paano kayo magsalita.' mahinang bulong ng dalaga.

"May sinasabi kaba?mahal na prinsesa?"

"Wala"

"Kung ganun ay iiwan muna kita at ako ay papanaog sa labas ng makakuha ng makakain, nang tayo ay makauwi na pagkakain ng agahang prutas."

Marahan namang tumango ang dalaga at bumalik sa kinahihigaan kanina.

Muling nahiga ang dalaga sa lapag, at di nito namalayan na s'ya ay nahimbing muli.

Masyado pa namang maaga kung tutuusin sapagkat hindi pa sumisilay ang haring araw sa labas ng kweba.

Maya-maya pa ay dumating na ang berdugo tangan ang mga iba't ibang prutas, na s'ya nilang magiging agahan ng prinsesa, napansin nitong nakatulog ulit ang prinsesa.

Walang maririnig na tunog sa anumang kilos ng berdugo, matapos lagyan ng mga dahon sa lapag ay buong pag-iingat na inilapag ang mga prutas.

Kumuha na din ng ilang piraso ng prutas ang berdugo para kainin, umupo sa may di kalayuan at matamang nag-isip.

Almost a fairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon