Labing-siyam

16 1 0
                                        

[Dos]

Hindi ako nangiming kuhanin ang ibinigay n’yang buko at inumin,

Isa pa nauuhaw na din naman ako, aarte pa ba ako?

Mabait nga talaga ang prinsesa gaya ng sabi ng iba.

Pero napansin ko lang kanina ng pasan pasan ko ito, malalim ang kanyang paghinga, at masyadong mapula ang kanyang labi.

Pero kung pagmamasdan mo ito ay parang normal naman.

Nag aya na itong umalis dahil hapon na din naman at malapit ng gumabi, kailangan ko ulit makahanap ng masisilungan, ang daang tinahak namin pabalik ay taliwas sa dinaanan namin ng habulin ng mga tulisan, nag iba ako ng daan dahil baka may nag aabang sa aming pagbalik, kaya malayo layo ito.
Buong isang araw ang susumain bago makaapak sa hangganan ng aming tribo.

Agad akong napalapit sa prinsesa ng mapansin kong mabuay ang kanyang pagkakatayo,

Walang ano-ano’y bumagsak ito at sakto sa aking mga bisig, tinawag ko ito sa kanyang ngalan ngunit wala akong nakuhang sagot, hinawakan ko ang kanyang leeg at nahinuha kong may lagnat ito.

Agad ko itong binuhat, dahil sa wala itong malay ay hindi nito kakayanin kung sa likurang bahagi ko ito papasanin, binuhat ko ito gaya ng sa mag asawa at tumakbo ng mabilis, kung hindi ako hihinto sa pagtakbo ay makakarating ako sa tribo hanggang sa mamayang gabi, kakayanin ko ba? Malamang kakayanin ko.

Halos liparin ko ang distansya ng aming tribo dahil sa kalagayan ng prinsesa.

Halos kapusin na ako ng hangin ng makarating sa tahanan ng prinsesa.

Sinalubong naman ako ng mga kawal maging ng kanyang mga dama.

”Papuntahin ang manggagamot ng tribo!" Sa kinakapos na hininga ay sigaw ko.

Agad na tumakbo ang ilang kawal para sundin ang utos ko.

Tumuloy kami sa silid ng prinsesa at inutusan ang kanyang mga damang babae na bihisan ito ng bagong damit.

Pagod man gawa ng walang habas sa  pagtakbo ay naghintay ako sa labas ng silid ng prinsesa.

Makikita mo ang lalim ng aking paghinga gawa ng matinding pagod,

Nasa labas kami ng kanyang damang lalaki at naghihintay na matapos ang mga damang babae sa ginagawa, wala ni isa man sa amin ang nagsalita.

Lumabas ang mga damang babae para sabihing tapos na nilang bihisan ang prinsesa.

S’ya namang pagdating ng manggagamot ng tribo, bukod sa mga babaylan may pangunahing manggagamot ang aming tribo.

Sabay-sabay kaming pumasok sa silid ng prinsesa.

Matapos suriin, ay nalaman naming may sakit ito, gawa ng pagkapagod, nababad pa sa lamig ang katawan nito, gawa marahil ng natuyong damit sa katawan nito at sa mga sugat na natamo mula sa mga tulisan, siniguro din ng manggagamot na wala na ang lason sa katawan ng dalaga dahil na din sa panlunas na binigay ko.

Pinayuhan kaming pagpahingahin ang prinsesa ng ilang araw pagkagising nito, huwag pahintulutang lumabas ng silid.

”Ginoo, maupo ka at susuriin ko ang iyong mga sugat, nang sa gayon ay mabigyan ng lunas.” baling sa akin ng manggagamot.

”Hindi na kailangan, kaonting sugat lang ang mga ito.”

”Mas mabuti nang magpatingin ka na din Ginoong Berdugo, baka kagalitan kami ng prinsesa kapag nalaman n’yang pinabayaan ka naming ganyan.” turan ng kanyang damang lalaki.

”Tss!” Doon tayo sa kabilang silid nang makapagpalit din ako ng aking kasuotan.

Lumabas ako kasama ang manggagamot at tumuloy sa kabilang silid para gamutin nito ang aking sugat.

Nang matapos ito sa paggagamot ay tumungo ako agad sa silid ng dalaga para bantayan ito.

Naabutan ko ang kanyang damang lalaki sa loob ng silid at binabantayan ito,

Nang makita ako nito ay agad n’ya akong pinaupo ’di kalayuan sa hinihigaan ng prinsesa, at inabutan ng maiinom.

Tinanggap ko naman ito at umupo,

”Nagpapasalamat ako at natagpuan at nailigtas mo ang aking Binibini, Ginoo.” turan nito,matapos ng ilang sandaling katahimikan.

”Tungkulin kong bantayan ang prinsesa, kamuntikan na nga itong mapahamak dahil na din sa kapabayaan ko,”

”Walang may kagustuhan sa nangyari, huwag kang mag-alala Ginoo, magpapaliwanag ako sa Mahal na Datu nang sa gayon ay hindi tayo maparusahan, at alam kong magpapaliwanag din ang binibini kapag ito’y nagkamalay na, tiyak aakuin na naman nito ang mga nangyari.” mahabang turan ng kanyang lalaking dama.

”Hindi mo na kailangang gawin pa yun, ako na ang bahala sa bagay na yan,”

”Hindi ko maaaring ipagwalang bahala ang bagay na iyon, sa nakikita kong katauhan ng inyong Datu ay malupit ito, at mapagbigay ng parusa sa nagkasala, Hindi nalalayo ang kanyang pag-uugali sa aming sultan, masyadong malupit.”

”Masyado ka naman atang mapangahas magsalita ukol sa aming Datu, ni hindi mo naman ito kilala ng lubos para makapagsalita ka ng ganyan!”

”Dahil iyon ang nakikita namin ng binibini, Hindi ako hihingi ng kapatawaran sa aking itinuran ngayon lamang, sapagkat iyon ang nasa kalooban  ko, ngayon kung ako ay mapapatawan ng kaparusahan ay malugod ko itong tatanggapin.” walang takot na kanyang turan.

”Pareho kayong may katigasan ang ulo!” sabay baling ko ng tingin sa natutulog na prinsesa.

”Sadyang nagsasabi lang ako ng katotohanan, ginoo.”

”Tss! Ang mabuti pa ay magpahinga kana sa iyong silid at ako na ang bahalang magbantay sa prinsesa.”

”Mabuti pang ikaw na lamang ang magpahinga ginoo, sapagkat ikaw ang mas may kailangan niyon.”

”Diyata’t minamaliit mo ang aking kakayahan dama?”

”Ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan ginoo, ngunit hindi ko iiwanan ang aking binibini para bantayan,”

Nagmatigas nga ito at ayaw iwan ang kanyang prinsesa.

Hinayaan ko na lamang ito sa kanyang nais.

Mataman lang akong nakamasid sa prinsesang natutulog at hindi alintana ang pagod at puyat.

Napatingin ako sa gawi ng kanyang dama at napailing na lang sa aking nakita,

Ano pa’t babatayan kuno nito ang kanyang binibini, hayun at ang himbing ng tulog.

”Tss!” babantayan pala ha!?”

Paminsan-minsan ay lumalapit ako sa higaan ng prinsesa para tingnan ito.

Pinupunasan ko ito pamaya’t maya ng basang basahan sa mukha at mga braso,

Pagkatapos nilalagyan ko din ito ng basang basahan sa noo, para bumaba ng kaonti ang lagnat.

At dahil sa taas ng lagnat ay miminsanang ding itong magsalita na parang may kinakausap.

”Huwag kang umalis! Dito ka lang maaari ba?” sabay hawak sa aking mga kamay nang akmang aalis na ako sa kanyang tabi para maupo.

Dahan-dahan ko naman itong inalis, ngunit paulit ulit din naman itong humahawak sa akin,

”Nakikiusap ako! ’wag mo kong iwan!”

Tinig nyang nagmamakaawa, alam kong hindi ako ang taong kanyang tinutukoy sa kanyang panaginip ngayon.

”Matulog kana, Dito lang ako hindi kita iiwan,” sabay tapik ng marahan sa kanyang mga kamay.

Lumalim na din ang kanyang paghinga tanda na nahihimbing na ito ng tulog.

Ngunit ayaw pa din nitong bitawan ang aking mga kamay, kung gising kaya ito papayag ba kaya itong hawakan ko ang kanyang mga kamay? Malamang maghahalo na naman ang balat sa tinalupan,tsk!

---

*Kinjoe👊

Almost a fairytaleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon