Labing-pito

12 1 0
                                        

[Berdugo]

May pag aalinlangan man sa aking gagawin ay itinuloy ko pa din, maingat kong binuhat ang prinsesa, ni hindi man lang ako nahirapang buhatin ito.

Sa sobrang gaan, animo'y isang sakong bulak lang ang dala ko.

Kaliwa't kanan ang pag-ilag ko, habang tumatakbo nakaramdam ako ng malapot na likido sa may bandang likod ng prinsesa animo'y dugo na umaagos gawa ng pagkakakiskis ng kanyang katawan sa aking bisig.

Diyata't may sugat ito sa kanyang likuran.

Kung tutuusin ay kaya ko namang wakasan ng buhay ang mga tulisang ito,

Nag aalinlangan ba akong masaksihan n'ya ang kalupitan ko sa pagkitil ng buhay?

Hindi!

Iniisip ko lamang na mas mahalaga ang kalagayan ng prinsesa, sa pakiwari ko ay may lason ang punyal at palaso nang dumaplis sa kanyang balat.

Nangangati na ang aking mga kamay na patayin ang humahabol sa amin.

Kailangan ko na talagang makakita ng ligtas na lugar para mabigyan ng paunang lunas ang prinsesa.

Tinungo ko ang parteng madamo ng kagubatan naghanap ng kwebang pwedeng mapagtaguan.

Ayokong sa mismong mga kamay ko pa mapahamak ang prinsesa.

Sa tagal kong paghahanap ay nakakita din ako ng masisilungan.

Isang masikip na butas sa bato na natatakpan ng naglalakihang mga damo ang aking nakita. Hindi ito mapapansin agad kung hindi ka sanay sa ganitong uri ng kagubatan.

Agad ko itong tiningnan kung ligtas ba itong pagtaguan, nang masiguro kong ligtas naman ay pumanaog na kaming dalawa.

Maingat kong binaba ang prinsesa, upang kumuha ng mga dahon na aking ilalagay sa mabatong lupa, para latagan ng aking balabal nang sa gayon makapagpahinga ang prinsesa, mabuti na lamang at hindi ito nabasa sa tubig gawa ng pagkakatulak sa akin ng prinsesa kanina, mabilisan ko kasi itong naihagis sa tabi ng batis, kahit paano ay maiibasan nito ang lamig ng kanyang katawan gawa ng pagkakabasa kanina sa batis, may kanipisan pa naman ang kanyang damit.

Base sa ayos nito kanina, alam kong matinding pakikipaglaban ang hinarap nito sa mga tulisan.

Kahanga-hanga!

Nang maiayos ko na ang kanyang hihigan ay binuhat ko naman ito muli para maihiga sa inihanda ko kanina.

Inilabas ko ang mga gamot kong laging dala. Lalo pa at sa uri ng aking katungkulan, lagi akong may panglunas na dala para sa lahat ng uri ng lason, idagdag pa ang mga halamang gamot na nakita ko kanina.

"Makakaya mo ba itong kainin?"
Habang ibinibigay sa kanya ang isang bilog na butil na kulay itim.

"Ano ba yan?"

"Pang-lunas sa kahit anong lason, alam kong nanghihina kana, kaya nararapat lang na kainin mo ito. Wala tayong tubig dito para makatulong sayo para mapadali ang iyong paglunok."

"Mapait ba yan?"

"Medyo may kapaitan."

"Ngunit...."

Uglp!

"Ang pait grabe!, bakit mo sinubo agad sa bibig ko!? Pwe! Ang pait!"

"Ito minatamis na prutas, para mawala ang pait."

Sa nagdududang mga titig ay kanyang turan.

"Akin na!, baka ipalunok mo na naman bigla sa akin."

Inilagay ko naman ito sa kamay nyang nakabukas, agad n'ya naman itong kinain nang nakapikit ang mga mata, tila hindi naniniwalang ito ay matamis.

Almost a fairytaleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon