CHAPTER 3

295K 13K 10.1K
                                    


"JUSKO po!"

Napahiyaw ang kausap naming guro nang sunduin niya ang pitong taong gulang na si Naleona mula sa klase. Kahit ako ay biglang napatakip ng bibig nang makitang basang-basa ang katawan ng estudyante mula ulo hanggang balikat.

May pagkamapanghi ang tubig kaya naman kumirot ang puso ko nang mapagtantong tubig siguro ito mula sa banyo.

May lumublob sa ulo niya sa inidoro.

"Sino ba kasi'ng may gawa nito sa'yo?" nag-aalalang mutawi ng guro. Habang pinupunasan ang batang babae gamit ang kaniyang panyo ay nagkuwento siya sa'min. "Halos araw-araw itong nangyayari sa kaniya. Tuwing hapon ay natatagpuan na lamang namin siyang ganito."

Seeing her like that made my heart ache. "Miss Lonzara, marunong po ba si Naleona mag-sign language?"

Napahawak ang guro sa dibdib at sinabing, "Naku, Miss Fior. Ilang beses na namin siyang sinusubukang turuan, kaso lamang ay talagang hindi siya umiimik kahit noon pa. Simula nang malipat siya sa eskuwelahan namin ay ganiyan na siya."

Ang sunod ko sanang itatanong ay kung alam ba ito ng kaniyang mga magulang, kaso naalala ko ang binanggit sa'kin ni Xalvien habang papunta kami rito. Ito ay isang orphanage school, ibig sabihin ay lumaking walang magulang ang mga batang nag-aaral dito.

Pagkabihis ng tuyong damit ay dinala namin si Naleona sa guidance office para makausap. Hawak ang kaniyang balikat, ipinakilala siya sa'min ng guro. "Naleona, ito sina Doc Xalvien at Miss Fior. Narito sila para kumustahin ka."

Dr. Xalvien hasn't said anything yet, he was just quietly observing the poor girl. Ako na sobrang nag-aalala ay lumapit para kausapin siya.

"Naleona, this is your Ate Fior," pakilala ko sa'king sarili. "How are you?"

Nakayuko lang siya't hindi umiimik kaya naman nilabas ko ang aking maliit na kuwaderno at nakabuklat na inalok ito sa bata. "Nabanggit nila na ikaw raw ay hindi nakakapagsalita, kaya puwede mong isulat dito ang gusto mong sabihin."

Tiningnan niya lang saglit ang notebook at ibinalik din ang tingin sa sahig.

Napaigtad ako nang biglang nilapit ni Xalvien ang kaniyang mukha sa tabi ng aking pisngi para sumilip sa hawak kong kuwaderno. I froze when I felt his breath near my skin, and noticed how his chin is almost touching my shoulder.

"Late dumarating sa usapan?" basa ng doktor sa nakasulat doon. "Is that supposed to be me?"

Agad kong sinarado ang notebook at ibinalik ito sa bag. "H-Hindi lang naman ikaw ang ini-interview ko, 'no!" natataranta kong depensa.

"Talaga? Petsa kasi ngayon ang nakalagay," he said with a smirk. "Did you have appointments prior to me? Akala ko pa naman ako lang."

Pinanindigan ko na lamang ang sinabi ko. "Oo, sorry hindi ka special."

Marahan siyang tumawa sa'king masungit na paghirit.

Hindi pa rin tapos ang pagkabog ng dibdib ko dahil bigla niya namang hinawakan ang keychain na nakasabit sa bag ko. "Can I borrow this for a minute, Miss Fiorisce?"

Bago pa man ako pumayag ay kinuha niya na ito kaya naman napakunot ako ng noo. Bakit imbes na mainis ay tila kinikilig pa ako sa pagiging tahas ng kilos niya?

"Psychology 101, build trust. Don't pressure the girl by making her do too much, tulad ng pagsulat sa notebook ng kaniyang sagot. Your questions should also be easy to answer. Instead of asking how she is, ask her yes or no questions."

Lumapit ang doktor sa bata at lumuhod para pantayan ang tangkad nito. Hindi ito kasama sa kaniyang paliwanag, ngunit naramdaman kong ang simpleng pagpantay niya sa eye level ng bata ay kasama sa pagkuha ng tiwala nito.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon