"HI, VIEN. . ." said the voice from the recording. "It's me, Venge."Dr. Xalvien immediately retreated upon hearing the voice of his alter. Napasandal siya sa sofa, ang mga kamay niya'y napakapit nang mahigpit sa magkabilang gilid nito. His fingers curled in fear, digging down on the sofa's fabric. Fear was reflected in his bloodshot eyes.
Bago pa magpatuloy ang recording ay hininto ko muna ito nang makitang hindi komportable ang doktor.
"Doc, hindi mo kailangang ipilit makinig ngayon," malumanay kong saad. "You can continue listening to it some other time."
He closed his eyes firmly, a frown forming between his brows. "It's okay. . . Go on, play it."
Marahan akong tumango bago muling pinindot ang play.
Dr. Xalvien is taking a brave step forward and I want to support him, I know it's not easy to hear another side of yourself talking—same voice, but different manner of speaking—it can be pretty scary especially for the first time.
"Kumusta ang paboritong doktor ng bayan?" sarkastikong usal ni Venge mula sa recording. "It's been a while since we last talked. Ten years?"
Kahit ako ay napakunot ng noo nang marinig iyon. Ibig sabihin, hindi pala ito ang unang beses na mag-uusap sila.
"Since then, you've been ignoring my attempts to communicate, Doc." Pabiro ang tono ni Xalvenge, ngunit halatang may malalim itong pinanghuhugutan. "I had been writing to you, pero lagi mong tinatapon ang lahat ng mga sulat ko sa'yo. I even had to tattoo my name on our body to make sure you still know I exist!"
Pagtingin ko kay Dr. Xalvien, napansin kong pinagpapawisan siya nang malamig, ngunit sinusubukan niyang huminahon sa pamamagitan ng paghinga nang malalim habang nakikinig.
"We used to be inseperable when we were young! Ano'ng nangyari, Vien?" The attorney then scoffed. "Oh, wait! Tinatanong ko pa, alam ko naman. Simula nang makilala mo ang mga Vouganville. . . Simula nang magkaroon ka ng mga tunay na kaibigan, kinalimutan mo na ako." May diin ang pagkakabigkas ni Venge sa salitang 'tunay.'
Kahit ako ay napaigtad nang biglang magtaas ng boses ang abogado.
"Tell me, who's the real bad guy here? Huh, Vien? Why don't you tell your pretty reporter what you did—"
Nagulat ako sa biglaang pagputol ng mensahe ni Venge. Pagtingala ko ay si Dr. Xalvien na mismo ang pumindot ng stop sa recording. Hinihingal siya't medyo nanginginig.
"D-Doc? Are you okay?" my dry voice choked out.
He closed his eyes and exhaled sharply. "He clearly doesn't sound like someone who wants to cooperate," may punto niyang sabi.
Nalulungkot ako, akala ko pa naman ay simula na ito ng kanilang muling pagkakilala sa isa't isa. Kaso lamang ay mas matimbang pa rin ang kanilang galit.
Mula sa bulsa ko ay naglabas ako ng isang maliit na butones, nilapag ko ito sa lamesa at tinulak palapit sa doktor. "This is a communication device in the form of a button, isa sa mga imbensyon ni Xantiel. Ginamit daw ito nina Professor at Fifteen noon para makapagkomunika."
Nakita kong may pagtataka sa mukha ng doktor kaya ipinaliwanag ko kung para saan ito. "Comm-button ang tawag nila rito. Maliit lamang ito at maaari mong ikabit sa damit mo na parang butones. Nakaka-record din ito kaya maaari kang mag-iwan ng mga mensahe. Mga mensahe. . . para kay Venge, at mga mensahe niya para sa'yo."
Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. "Para sa tuwing magpapalit kayo ay madali kayong makakapagkomunika. Malaki ang maitutulong nito sa inyo. Just in case you guys switch suddenly, you can update each other on what happened. Para hindi kayo nagtataka, at may idea kayo kung ano ang mga huling pangyayari."
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Romance• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...