CHAPTER 4

296K 13.1K 20.4K
                                    


AGARAN kong nilabas ang aking kuwaderno't sinulat doon ang aking nakita.

Hello Vien. Venge was here.

"Kulang ng comma bago mag-Vien," bigkas ng malamig na boses malapit sa'king tainga. Habang nagsusulat ako ay nakasilip pala ang doktor mula sa'king balikat.

"B-Bakit ka naninilip?!" gulat kong sigaw nang mapansin kung gaano na naman kalapit ang kaniyang mukha.

He gently scoffed and returned my question. "Ikaw yata ang dapat kong tinatanong niyan, Miss Fior. Bakit ka naninilip?"

Oo nga pala, pinanood ko ang kaniyang pag-ehersisyo.

Sasagutin ko na sana siya kaso wala akong maipapalusot. Naiwan na lamang ang bibig kong nakanganga.

"H-Hindi ko alam na mahilig ka palang magpa-tattoo," pag-iba ko ng usapan. "Ano ang ibig sabihin ng mga tattoo mo?"

His smile faded for a second, but he was able to form a short smirk. "Hindi ko nga rin alam. Pagkagising ko ay nariyan na ang mga 'yan. I probably... drunk too much one night and got myself some meaningless drunk tattoos."

"Oh..."

I found it hard to believe that someone as calm and collected as Dr. Xalvien would do something so foolish.

"Make yourself at home. I'll just take a quick shower and we can go," he said while wrapping his naked body with a robe. "Hindi ko inaasahan na makakarating ka rito nang ganito kaaga."

I just gave him an exaggerated grin. Bumabawi ako kasi sinabihan mo 'kong late kahapon!

Habang naglalakad siya paalis ay napagmasdan ko ang kaniyang porma.

His every movement is just helplessly entrancing. He walks as if he's descending the stairs from heaven and blessing the earth with his presence. Dr. Xalvien Vouganville's hypnotizing charm can make anyone bow before him.

***

"IS IT OKAY if we make a quick stop first?" tanong sa'kin ng nagmamanehong doktor. Nakasakay kami ngayon sa kaniyang kotse papunta sa eskuwelahan. "May kailangan lang akong hiramin."

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang kakaibang mansyon sa tuktok ng matayog na bundok. Ang disensyo nito ay mukhang pang-aristokratiko mula sa sinaunang panahon. The large windows were open, but it still gives off a creepy haunted vibe. What does the doctor need here?

"Are you the doctor's girlfriend?"

Tumalon ang puso ko nang biglang may batang sumulpot sa bukas na bintana ng kotse. Napakaguwapo ng kaniyang mukha, at lalo siyang nagmukhang misteryoso dahil sa hawak-hawak niyang puting pusa.

"K-Kilala mo ang doktor?" napapalunok kong tanong. "Sino ka? D-Don't tell me mumu ka."

"I'm the Vouganville's unico hijo," pakilala ng batang lalaki. "And this is my friend, Vivi Vouganville."

Nilabas ko ang aking kamay mula sa bintana at kinurot ang pisngi ng bata. Good, hindi siya multo.

"You smell like lavender, miss. Did you come from the doctor's house?" the curious little boy asked. "Are the two of you like my mommy and daddy?"

Ang kaniyang inosenteng tanong ay nagdulot ng pamumula sa mga pisngi ko. "N-No, baby! I'm the doctor's... workmate. May ginagawa lang kaming project kaya kami magkasama hehe."

Tumalon na naman ang puso ko nang biglang bumukas ang kabilang pintuan ng kotse. Nakabalik na pala si Dr. Xalvien at may hawak-hawak siyang box ng crayons. What?

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon