CHAPTER 16

252K 11.4K 8.9K
                                    


INABOT din ng isang oras ang paghihintay ko sa labas ng art room ni Dr. Xalvien. Nakaupo lang ako roon sa sahig at nakayakap sa mga binti ko. Ang bigat sa pakiramdam dahil dinig na dinig ko ang mga malalakas niyang paghikbi, ngunit wala akong magawa kung 'di pakinggan lamang siya.

Paglabas ng doktor ay nakasuot na ulit siya ng damit, napansin kong nagpunas na rin siya ng katawan. Tumayo ako para salubungin siya, inabutan niya ako ng tuwalya na may kaunting basa. "Here, Miss Fiorisce. . . You can use this to clean the paint off your body."

Pagkuha ko ng tuwalya mula sa kaniya ay may limang segundong katahimikan na dumaan.

"I'm sorry—" sabay naming bigkas.

Nagkatinginan kami't ngumiti nang mapait. I know that the doctor's too tired to talk right now, so I won't force him.

"By the way, I finished the painting. Would you like to see?"

Nang makita ang larawan ay napahawak ako sa bibig ko. "Wow, ang ganda! Ang galing mo, Doc!"

Ngumiti siya sa'kin bago ibinalik ang tingin sa painting. Tiningnan niya ito nang malalim, pinagmasdan ang babaeng nakaupo sa silya na iginuhit niya roon. "You're right. Maganda nga."

***

"BAKIT nga pala hindi na dumadalaw ang anak ni Lolo Abelardo?" tanong ko nang makabalik na kami sa sasakyan. Nasa biyahe na kami ulit pabalik sa retirement home. "Nasa ibang bansa ba si Abel at ang pamilya niya?"

Napansin kong humigpit ang kapit ni Dr. Xalvien sa manibela. "Lolo Abelardo is suffering from dementia, which can cause memory distortions. . ."

"D-Does that mean?" Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na ang pagbigat ng dibdib ko. "Wala na ba si Abel? P-Pumanaw na ba ang anak ni Lolo?"

Sadness glinted in the doctor's silver eyes as he told me the truth. "Wala talagang Abel. . . Ang tinutukoy ni Lolo Abelardo ay ang kaniyang sarili noong kabataan niya. Abel ang palayaw niya noon. Kasintahan niya si Sylvia, ngunit bago sila ikasal ay nadisgrasya ito."

Lalong lumalim ang boses ng doktor, saktong nakarating na kami sa'ming destinasyon nang tapusin niya ang malungkot na kuwento. "Kaya walang anak si Lolo Abelardo."

I was still having a hard time trying to grasp what Dr. Xalvien said when the lolo greeted us with a tight hug as soon as we entered his room.

"Abel! Sylvia! Buti na lang at napadalaw ulit kayo," pagbati niya nang may malaking ngiti sa mukha. Wala na ang mga luha niya, ngunit halatang namamaga pa ang mga mata sa kakaiyak kanina. "Natutuwa talaga ako tuwing makikitang magkasama kayong dalawa. Buti at staying strong pa rin kayo."

Nang banggitin niya iyon ay halos maluha ako, ngunit inakbayan ako ng doktor para bigyan ako ng lakas ng loob. "Opo, Lolo. Hindi na po kami maghihiwalay niyan ni Sylvia."

Huminga ako nang malalim at inabot ang nakabalot na larawan sa matanda. "Lolo Abelardo, regalo po pala namin sa'yo."

Pagtanggal ng balot ay kumislap agad ang mga mata niya. "Ang Sylvia ko! Napakaganda talaga!"

Ang pagngiti ng matanda ay sinabayan bigla ng pagbagsak ng kaniyang mga luha. "S-Sylvia. . . Tiyak na matutuwa si Abel kapag n-nakita niya ito. . ."

Habang sinasabi niya iyon ay hindi niya na napigilan ang pag-iyak. "S-Sylvia. . ."

Mahigpit na niyakap ni Lolo Abelardo ang larawan. "Kahit sa larawan man lang, habambuhay kang nakangiti. K-Kahit sa larawan man lang, nayayakap pa rin kita. . ."

Hindi ko na kinaya't napatalikod na ako sa sobrang sakit ng nasaksihan ko. Niyakap ako ni Dr. Xalvien habang tahimik akong umiiyak sa kaniyang dibdib.

***

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon