CHAPTER 6

260K 13.1K 7.9K
                                    


"THE DOCTOR is out. It's the attorney speaking."

He said those words with a devilish smile that made my heart rate go up in fear and curiosity. His tongue peeking out from the corner of his mouth wasn't helping at all.

His eyes were the same silver pair as the doctor's, but the kindness that has always been there is missing. As I gazed into the windows of his soul, all I could sense was... a pit of sadness that's masked behind arrogance.

"You're not the doctor..." pagtatanto ko.

Naglakad siya palayo at umupo sa isang silya roon sa kuwarto. Inangat niya ang kaniyang kaliwang binti at ipinatong ito pahiga sa kaniyang kabilang tuhod.

Pati ang pag-upo niya ay iba sa doktor, na siyang dumedekwatro gamit ang kanang binti.

"I'm Vien's other half. Alter, part, the yang to his yin—call it whatever you want," kibit-balikat nitong paliwanag. "I'm the one doing all the dirty deeds... so he can maintain his perfect image."

Napaisip ako sa kaniyang sinabi. Kaya ba walang bahid ng dumi ang doktor? Dahil tinatago niya ang mga ito sa ibang katauhan?

Naguguluhan pa rin ako. Alam kong si Dr. Xalvien ang aking kaharap, ngunit may kutob akong wala ito sa kaniyang normal na sarili.

"If you're not Xalvien, then who are you?" kabado kong tanong.

Gamit ang kaniyang mahahabang daliri, sinuklay niya pataas ang kanang parte ng kaniyang buhok. Why does he always do that?

Slowly, he exhaled his earlier frustrations. Sa tingin ko ay hindi niya gustong naririnig o napag-uusapan ang doktor.

"Xalvenge," pakilala nito. "That's what I call myself, but I use the doctor's name whenever I'm in court. Si Vien kasi ang may mga dokumento't papeles, pero ako ang nagpasa sa'min sa bar. You can call me Venge."

Nang marinig ang pangalan niya ay naalala kong muli ang mga tattoo sa katawan ng doktor. "So, ikaw 'yon? Ikaw ang nagpa-tattoo?"

Bigla siyang tumawa nang malakas. Sa sobrang tuwa ay napapayakap pa ito sa kaniyang tiyan. "Hahaha! It's a prank I played on Vien. He refuses to acknowledge my existence, you see? So I made sure he always remembers me."

Dr. Xalvien and Atty. Xalvenge. Two distinct identities who call each other Vien and Venge.

Mula sa kaniyang bulsa ay naglabas ang attorney ng itim na kahon na may gintong linya sa paligid. Naningkit ang mga mata ko para lamang mabasa ang label nito—Treasurer Luxury Black.

He used his thumb to flip the case open and took out a black stick of cigarette which he pressed in between his lips.

"Naninigarilyo ka? Alam ba 'yan ni Doc?" Napakunot ako ng noo dahil alam kong hindi nagyoyosi ang nakilala kong doktor. Not once did Xalvien ever light a cigarette during the times we were together.

"Malamang, doktor 'yon eh. He knows when something's off with his body. Kaya naman lagi niyang tinatapon ang mga kahon ko ng yosi. Tsk, does he know how much these luxury cigarettes cost—"

Nagulat siya nang pigilan ko ang kamay niyang magsisindi na sana ng yosi gamit ang lighter. "Then quit smoking if the doctor doesn't approve of it!" pirmi kong banta.

Sa sobrang gulat ay nahulog ang yosing nakaipit sa kaniyang napangangang bibig. Imbes na magalit ay napangiti pa ang loko. "Oh, I get it now... You like the doctor, don't you?" he teased with a raised brow.

Wala akong pagkakataong tumanggi dahil bigla niya akong hinatak pababa sa kaniya. Napaupo ako sa kandungan ni Venge at napasinghap ako nang maramdaman ang lapit ng aming katawan.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon