Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

CHAPTER 12

346K 15.3K 15.3K
                                        



"THERE'S a missing victim," Dr. Xalvien claimed as he walked towards the table, pushing the photo of Miss Daniza aside to create a gap in between. He then placed the pentel pen in an upright position on that alloted space. "The third body that we haven't found yet."

Tinuro niya ang simbolo sa noo ng isa sa mga biktima sa nakahilerang mga litrato. "Since our murderer likes to leave a signature in the form of a symbol, it's safe to assume that he's the type of serial killer who likes to play games."

Taimtim kaming nakikinig ni Officer Lildon sa mga paliwanag ng doktor.

"He left a clue because the idea of getting chased by the police excites him. This also means that he might be following a pattern." Dr. Xalvien then used his thumb to point backwards, directing at the symbol he wrote on the whiteboard. "And that's our biggest clue. The etymology of the word 'alphabeth' comes from the Greek words alpha and beta."

"Kung susuriin nga ang pangalan ng mga biktima, naka-alphabetical order ang mga first name nila ayon sa petsa ng kanilang pagkamatay," pagtanto ni Officer Lildon habang nakatingin sa mga larawan. "Kung gano'n, ang nawawalang biktima ay nagsisimula sa letter C?"

"Wait!" bigla kong pagsingit habang pinagmamasdan ang simbolo sa kanilang mga noo. "Kung mahilig siya sa Greek alphabet, maaaring letter G ang nawawalang biktima! 'Di ba? Aryen for Alpha, Balphine for Beta, nawawala ang Gamma, si Daniza ang Delta, at si Esmeralda naman ang Epsilon."

I didn't notice that I was already leaning too close on the table due to the excitement. I only realized so when the doctor placed both his palms on the table and leaned forward as well—our noses now only half an inch apart.

"Looks like our reporter's having fun," he said in a husky voice and a set of provocative eyes. Kinailangan kong umatras palayo para makahinga.

"Well, parehas kayong may punto," tumatangong usal ni Doc habang nakapamulsa. "Ang mabuti pa, Officer, hanapin natin ang record ng mga nakaraang beauty queen na nagsisimula sa C o G ang pangalan. Tingnan natin kung mayroon sa kanilang nawawala o 'di kaya'y may ganito ring nangyari."

"Maaasahan n'yo po, Doc!" nakasaludong tugon ni Officer Lildon.

Biglang gumulat sa 'min ang natatarantang boses ng isang pulis na nagmamadaling tumakbo habang may hawak na papel sa kamay. "Officer! Doc! May pinadalang sulat sa estasyon mula sa isang anonymous sender!"

Nilapag niya ito sa lamesa at inumpisahan naming basahin.

Lagi niyong tatandaan ang ating alpabeto.

Iuukit ko sa inyong kokote kung kailangan.

Hangga't hindi n'yo nasasagutan ito,

Patuloy akong magtuturo ng leksyon sa kababaihan.

Sa sunod na letra'y nakaabang na ako.

Biyernes nang hapon ay hindi na niya aabutan.

αβ

Sa dulo ng sulat ay isang signature—ito ang simbolong nakaukit sa noo ng mga biktima. This is a message from the killer. The letters were all scattered and scrawly, obviously written with rage. Dugo ang ginamit niya bilang panulat, sadyang nakakapangilabot.

"Tsk! Balak niya na namang pumatay!" pasinghal na usal ni Officer Lildon.

"Officer, let's take a blood sample from this paper and check if it matches any of the victims' blood." Dr. Xalvien was taking a mental note of the letter as he gave the policemen a firm instruction. "Bantayan na rin natin ang mga posibleng biktima na nagsisimula sa letrang F kung tama ang theory mo, pati na rin ang mga nagsisimula sa letrang Z for Zeta kung tama naman ang theory ni Miss Fiorisce."

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon