NAGKATINGINAN kami ni Fifteen pagkatapos mabasa ang artikulong iyon. May insidente palang nangyari sa Villa Vouganville habang naninirahan dito si Dr. Xalvien noon. Nagkaintindihan naman kaming dalawa't sumugod muli papunta sa propesor.As usual, the professor started his response with a long sigh. "Sit down, you two."
Tinulak niya ang kaniyang pisara't nagsulat ng dalawang salita roon gamit ang chalk. The words were Ignorance and Knowledge. Humarap siya sa'min at nagtanong, "Which of these two is considered the greater gift?"
Tinuro ni Fift ang salitang nakasulat sa kanan—Knowledge. Iyon din ang sinagot ko. "Hindi ba't kaalaman naman talaga ang tamang choice?" taas-kamay kong tanong.
"Sometimes, Ignorance is better than Knowledge," paliwanag niya sabay bilog sa salitang iyon sa pisara. "Ignorance can't hurt you, ignorance can keep you happy, ignorance is bliss."
He then tapped the end of his chalk over the other word. "Meanwhile, knowledge could kill you. It can make you overthink, it can make you sleepless—knowledge kills your peace of mind."
The professor crossed his arms and leaned against the chalkboard. "Mankind was actually lucky enough to be given the greatest gift of ignorance—but we were too foolishly curious, we ate the forbidden fruit from the Tree of Knowledge. If that didn't happen, we'd all be smiling in bliss right now. Some philosophers even argue that Ignorance is the true form of paradise."
Nagsalita ang kaniyang asawa na nakaupo sa tabi ko. "Professor, is this your way of saying na huwag na kaming makialam?" Banayad na tumaas ang kaniyang boses. "If you don't want to help Fiorisce, then I'll help her!"
Nagulat ako dahil hinawakan niya ang kamay ko. Hinatak ako ni Fift palabas ng silid hanggang sa makarating kami sa labas ng mansyon.
"Salustiana!" hiyaw ng propesor.
Hindi siya pinakinggan ni Fift. Nang makalabas ay pumara agad siya ng taxi. "Buti na lang at nasa Mama ko si Vougan ngayong linggo, hindi niya nasaksihan ang pag-aaway namin ni XV."
Naku po, nag-away na naman ang mag-asawa!
***
"FIFTEEN, ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong sa nakasimangot kong kaibigan. Narito kami ngayon sa isang table sa isang kilalang bar. Nagyaya kasi si Fift uminom dahil sa sobrang inis niya sa propesor.
"I can't believe him! Gusto lang naman nating makatulong, kay Xalvien at sa sarili mong kaso, pero wala siyang ginawa kung 'di tumanggi sa'tin!" pasinghal niyang sagot.
"Hinay-hinay lang, Fift, ha?" paalala ko habang hinihimas ang kaniyang likuran. "Baka lalong magalit si XV niyan."
"Hayaan mo siyang magalit!" Nakanguso ang kasama ko, ngunit kapansin-pansin na may ilang luhang namumuo sa mata niya. "Mag-asawa na kami, p-pero naglilihim pa rin siya sa'kin hanggang ngayon. Paano ko siya pagkakatiwalaan kung hindi niya ako pinagkakatiwalaan?"
Naawa tuloy ako bigla. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit tumanggi ang propesor, ngunit nasasaktan din ako ngayon para kay Fifteen.
"Ang lakas-lakas nilang lumandi sa'tin, pero hindi nila mapanagutan!" reklamo ni Fift, natamaan din ako sa sinabi niya.
Napakuha tuloy ako ng malaking baso at nilagok ito nang tuloy-tuloy. "Tama ka, ang lakas nilang lumandi! Ang lakas magbigay ng mixed signals, ang lakas magpaasa!"
"'Di ba?! Eh ano ngayon kung guwapo't matatalino sila?" Sumisinok na si Fift dala ng pagkalasing. "Magaganda rin naman tayo, hindi dapat tayo maging sunud-sunuran lang sa gusto nila."
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Roman d'amour• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...