CHAPTER 1

411K 16.4K 24.6K
                                    


NOTE: This version in Wattpad is the draft, unedited, and OUTDATED version. For the correct and updated version, kindly read the story instead in its official published book, available at National Book Store.

***


SCREECH.

Pumarada na ang sinakyan kong taxi sa harapan ng isang magandang mansyon. Napatingala ako sa laki, at napanganga sa kakaibang hitsura nito.

Vines of wisteria flowers climb up and cover its white brick walls, while rows of plumeria bushes greet you from the gates and guide you towards the main door.

For a while there, I thought I was a princess that's about to enter a secret garden. Whoever's living inside this castle-like mansion is surely a charming prince.

Pagkarating ko sa pintuan ay isang karatula ang bumati sa akin:
The doctor is in.

Lumunok ako at nag-ayos ng buhok. My hair is tied up in my usual twisted knot-bun, with loose tendrils on each side of my face. I wore a casual peach blazer over my cream blouse. Ang pang-ibaba ko naman ay simpleng pares ng tight-fit denim jeans dahil ito ang pinakakomportable akong suotin. Para rin kapag may mga biglaang scoop o balita ay mabilis akong makakatakbo.

Pagpasok sa loob ng mansyon ay binati agad ako ng mabangong halimuyak ng lavender. Kusa akong napapikit at napatigil saglit upang apresyahin pa ito.

Habang naglalakad ay hindi naalis ang tingin ko sa iba't ibang mga painting na nakasabit sa kahabaan ng dingding. Magkakaiba ang art style ng mga ito, ngunit palaging tungkol sa mga batang nagtatakbuhan sa hardin. It made me smile, seeing the smiles of the children within those frames.

Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa clinic dahil sa kakamasid sa mga larawang nakasabit. Umupo na lamang ako sa pahabang couch kung saan umuupo ang mga pasyente.

Hinimas ng aking palad ang malambot na tela ng aking inuupuan. It was a soft type of pure silk velvet that's surely expensive. Tila gustong kong mahiga rito.

"Go ahead," said a silvery baritone voice that sent goosebumps on my skin. "Make yourself at home."

Nagulat ako nang mapansing may lalaki palang nakaupo sa katapat kong sofa. He is sitting cross-legged, with both elbows resting on the sides of his red couch, and hands clasped in front of his chest. He is wearing a black formal suit that's accentuated with a striped crimson necktie.

Sa hindi malamang rason ay kinakabahan akong iangat pa ang tingin para makita ang kaniyang mukha. Pakiramdam ko ay baka mahulog na lamang ako sa upuan kapag nakita ko ang kaniyang hitsura. I just settled with looking at his attractively wide chest.

"The primary foundation of trust is eye contact," he noted in a soft-spoken voice. "And you need to trust your doctor if we want to proceed."

Napapalunok na lamang ako sa sobrang kaba, ngunit hindi pa rin ako tumitingin.

"But I understand... Trust takes time." I heard him smile before saying, "Take your time."

Take your time? Napatikhim ako roon. Talaga ba, doc? Kahit dito na ako tumira? Umiling na lamang ako para pigilin ang mga kung ano-anong naiisip ko.

"Patient's name?" he asked.

"F-Fiorisce Lavandula..." kabado kong sagot. "I know that my surname sounds weird, because—"

"It's the scientific name for lavenders," he continued. I heard his lips part in awe. "Interesting."

Sinusulat niya ang mga detalye sa isang index card. While writing down my name, I heard him whisper faintly under his breath, "Mahal na kita agad."

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon