USING the tip of my ring finger, I smudged some tinted lip gloss across my bottom lip to complete my light makeup. Bilang journalist na palaging may biglaang interview, kailangan ay lagi kaming nakaayos at presentable tingnan.I prefer to wear light makeup—a few strokes of mascara, a dab of lip gloss, and some quick traces on my brows. I tucked my curtain bangs behind my ears and loosened my bun.
Ngumuso ako habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Marami naman na akong na-interview, pero ngayon lamang ako nakaramdam ng kaba. Hinipan ko pataas ang ilang hibla ng bangs ko habang kinukumpas ang dalawang kamay para magpatanggal ng kaba.
Huwag mo kasing isipin na doctor at attorney siya. Isipin mo na normal lang siyang lalaki. Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Pero walang normal sa kaniyang karisma't kaguwapuhan!
Hinawakan ko ang door knob at huminga muna nang malalim bago lumabas ng banyo. Narito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant upang kitain si Dr. Xalvien para sa unang araw ng aming interview.
Siya ang pumili rito, kaya naman nagtataka ako dahil may pagkaromantiko ang dating ng lugar na ito. Lahat ng mga nasa paligid ay tila nakikipag-date sa isa't isa. Rinig sa buong restaurant ang magandang pagtugtog ng biyolin.
Kinakabahan din ang aking bulsa dahil hindi ko alam kung afford ko ba ang mga pagkain dito. Bahala na, i-reimburse ko na lang.
Pagkarating sa sulok kung saan naka-reserve ang aming upuan ay nakita kong wala pa siya roon. Umupo na muna ako at nilagay sa kandungan ang aking bag. Napatingin ako sa relos at napansing labindalawang minuto na ang nakalipas mula sa usapan naming lunch time, ngunit wala pa rin siya.
I folded my arms on the table and tapped my fingers while waiting. Buti na lang ay may magandang musika ng biyolin para magpakalma sa'kin. Habang nakikinig ay napapapikit ako't napapakiling ng ulo.
Nilabas ko ang aking maliit na kuwaderno at sinulat doon ang aking unang negatibong obserbasyon sa doktor: Late dumarating sa usapan.
Tumigil ang pagtugtog ng musika at nagpalakpakan ang mga tao. Humarap ako sa gawi ng entablado para magbigay-pugay sa magaling na biyolinista—ngunit ang aking ngiti'y nabitin nang makitang ang doktor kong hinahanap ang siyang may hawak ng biyolin at yumuyuko sa mga panauhin.
"Thank you for letting me play," wika ni Xalvien sa isa sa mga manananghal doon bago naglakad papunta sa'king direksyon. Inayos niya ang kaniyang vest saka umupo sa tapat ko. "Narito ka na pala, Miss Fior. Kanina pa kita hinihintay. Late ka ng five minutes sa usapan."
Kinuha ko agad ang notebook at nilagyan ng ekis ang sinulat kong komento kanina. Ako pala 'yong late!
"K-Kanina ka pa? Teka, marunong kang tumugtog ng violin?" namamanghang tanong ko ngunit hindi ko iyon pinahalata.
"Yes, I own a Stradivarius at my villa," he said in his nonchalant voice. "Did you like my performance?"
Tumingin ako sa gilid at nagsabing, "S-Sakto lang."
Ngumiti na naman ang lalaki. Ewan ko ba kung nananadya siya o natural lang talagang nakakaakit ang kaniyang pagngiti. His silver eyes smile together with his seductive lips—and it was very enchanting.
"Looking to the side is an indication of lying," the doctor-attorney remarked. "So thank you, Miss Fiorisce. I'm glad you liked my performance."
Aba, mas marunong pa sa nagsalita? Bigla ko tuloy naalala ang kaniyang tinanong sa'kin kahapon.
"Doc, ibig sabihin ba ay tama ang sagot ko?" paalala ko sa kaniya. "Floor button nga ang unang pinipindot sa elevator?"
"Bakit? Napuyat ka ba sa kakaisip kung tama ka?" he said as he sipped on the cup of complimentary tea. Pasagot pa lang sana ako ay dinugtungan na niya agad. "No need to answer, I already know based on the faint circles under your eyes."
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Romance• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...