CHAPTER 10

293K 13.1K 9.9K
                                    


TEARS of fear and confusion formed in the eyes of the scared doctor. His lips were trembling along with his long fingers.

"M-Miss Fiorisce?" his voice croaked as he walked backwards until his back hit the wall with a loud thud.

"Doc Xalvien!" Tumakbo agad ako nang makitang nasaktan siya.

Natumba siya't nasagi ang ilang mga babasaging plorera na kasama niyang nahulog sa sahig. Lubos akong nag-alala nang makitang malapit siya sa mga bubog. Wala pa naman siyang suot na pang-itaas.

"Doc, huwag ka munang gumalaw." I picked up the broken shards with my bare hands, tsking away the pain as I cut my skin while collecting them away from the doctor.

Nang masiguradong ligtas na ang kaniyang puwesto ay kumuha ako ng panyo para balutin ang mahapdi't sugat-sugat kong kamay. "Are you okay, Doc? Are you hurt?"

"L-Lavender..." mahina niyang sambit habang ipinangtuturo ang kaniyang nanginginig na daliri sa suit doon sa sahig na hinubad kagabi ng abogadong si Xalvenge.

Pagpulot ko nito ay may nakuha akong maliit na bote. Inabot ko ito sa doktor na siyang binuksan agad ang bote at inamoy.

Oh, it does smell like lavenders. Siguro ay pure extract ito dahil sa sobrang bango nito.

"That smells nice," I said with a somehow worried smile because the doctor is still shaking.

Nahirapan akong marinig ang kaniyang mga salitang sobrang hina. "Lavender calms me down..."

Tumabi ako sa kaniya roon sa sahig. "Take your time, Dr. Xalvien. I'm just here," mahina kong pagbulong.

Ganito kaya siya lagi tuwing nagigising mula sa pag-transition nila ni Venge? I bitterly frowned as I imagined him going through these episodes every day and alone.

Mga limang minuto rin ang lumipas bago siya nakakalma. Sinandal niya ang kaniyang ulo sa pader at pinatong ang braso sa nakaangat niyang tuhod.

"The last thing I remember is us in the office... Ilang oras na ang lumipas simula no'n?" nakapikit niyang tanong. Ang mga hibla ng kaniyang buhok ay basa na dahil sa pawis.

Bigla kong naalala ang hinahanap kong relos. Kinuha ko ito mula sa bag na iniwan ko kanina. Huminga muna ako nang malalim bago sabihing, "S-Seventeen hours already passed since then, Doc..."

Nahuli kong naging mas mariin ang kaniyang pagpikit nang marinig iyon. Dahan-dahan siyang dumilat at nagtanong, "Did you...meet him?" Narinig ko ang pait sa kaniyang tinig.

I bent my knees and hugged my legs as I answered him with a slow nod. "Yes..."

Nagulat ako dahil bigla siyang lumipat sa harap ko. His strong arms caged my small body, and his worried face was now only two inches away from my blushing face.

"Did he hurt you?! Did he touch you, Miss Fior?" sunod-sunod na sambit ng nag-aalalang Dr. Xalvien. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may ginawa siya sa'yo!"

Siya na nga itong balisa't hirap huminga, pero nagawa niya pang mag-alala para sa iba.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at umiling, sinusubukan siyang pakalmahin. "Don't worry, Doc. Wala siyang ginawang masama."

Naalala ko kung paano ipinagtanggol ni Venge ang inosenteng hardinero sa korte. "S-Sa tingin ko ay hindi naman siya masama," napapalunok kong saad.

Marahan niyang nilapat ang kaniyang noo sa'king noo. The doctor's eyes strayed away from the floor and carefully roamed my face before fixating on my eyes.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon