HABANG pinagmamasdan ko kung paano lasapin ng babaeng iyon ang malalambot na labi ng doktor, nararamdaman ko naman ang panginginig ng mga sarili kong labi—nanginginig sa hindi ko malamang dahilan.Bakit ganito? Bakit tila may angklang humahatak sa puso ko pababa? Bakit nagbabadyang tumulo ang mga luha sa'king mata?
Fiorisce, walang namamagitan sa inyong dalawa. Kakakilala mo pa lang sa kaniya.
Hinanap agad ng mga kamay ko ang notebook mula sa'king bag. Aktong isusulat ko na sana ang aking nakita kaso bigla kong naalala na wala na nga pala akong trabaho. Hindi ko na kailangang kilalanin pa ang doktor.
Ngunit heto ang mga paa ko, sumusunod sa anino ni Dr. Xalvien na naglalakad papunta sa dulo ng bar. I know that this is no longer part of my job, but I guess I'm just satisfying my curiosity as a reporter.
Nakita kong lumiko siya sa kanan ng isang hallway, kaya naman laking gulat ko dahil pagkanan ko ay biglang walang tao.
"Ah!"
May humila sa braso ko at ipinasok ako sa isang silid. Sinarado niya ang pintuan at doon ko lamang napansin na nasa banyo pala ako na panlalaki. Walang ibang tao kung 'di ako at ang lalaking pumako sa'kin sa pader.
"Who the fuck are you and why the fuck are you following me?!" singhal ng doktor na sinusundan ko. Bumuga sa'king mukha ang kaniyang malamig na hininga na may halong mabangong alak.
"H-Hindi mo 'ko kilala?" takang-takang tanong ko.
Pinagmasdan kong maigi ang kaniyang mukha—this is Dr. Xalvien indeed, no doubt about it.
Nagtaas siya ng kilay at ngumisi. "Sorry miss, I can't remember every single girl I flirted with. Isa ka ba sa mga babaeng inuwi ko at gusto mong makaulit sa katawan ko?"
Napalunok ako sa sinabi niya. What the hell? He speaks so different! Ang kilala kong Xalvien ay hindi bastos magsalita tulad ng lalaki sa harapan ko.
"Ganiyan ka ba kapag nalalasing?" May bahid ng inis sa tono ko. "Nakakalimot rumespeto?"
"Respeto?" Bigla siyang tumawa nang malakas na tila ba tuwang-tuwa. "This is the first time that a girl asked me for respect."
"Respect shouldn't have to be asked in the first place." Hindi na talaga ako natutuwa sa mga sinasabi niya, pati na rin sa nagiging reaksyon ko. Bakit ba ako apektado? Ano naman kung malanding lalaki pala ang doktor na kaninang umaga lang ay hinahangaan ko?
Aking naalala ang imahe ni Dr. Xalvien na malambing na pinapatahan ang kawawang bata na si Naleona. That's right, it's impossible that someone who treats a little girl with the same level of respect could be the same person as this disrespectful asshole in front of me.
Sumagi sa'king isipan ang mga tattoo na nakita ko sa katawan ng doktor at nagkaroon ako ng plano. "A-Actually, oo tama ka. Sorry for my behavior earlier..."
Binago ko ang aking pananalita at namungay ang aking mga mata. Hinaplos ko ang kaniyang matalas na panga sabay sabing, "Gusto lang talaga kitang solohin. I want you to take me to your home... I want to see your body over mine."
Napadila siya sa kaniyang labi at kinagat ito nang may pagnanasa, habang taas-babang pinagmamasdan ang aking katawan. "Alright, miss. Let's see what you've got under those clothes."
***
HALOS matapilok ako nang marating namin ang kaniyang sasakyan. It's the same fucking car that Dr. Xalvien uses when he fetches me! Pati plate number ay parehas.
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Romance• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...