"MA'AM FIORISCE?"Naalimpungatan ako mula sa'king pagmumuni-muni nang tawagin ng aming researcher na si Maya ang aking atensyon. "Nabalitaan niyo na po ba ang latest news ngayon?"
I was deep in my thoughts, thinking about Xalvenge's message to Dr. Xalvien. Pagkurap ko nang dalawang beses ay saka ko lamang napansin na nagkukumpulan pala sina Etsy at Renhur sa iisang laptop. Si Maya ay nasa tabi rin nila, kumukumpas sa'kin na lumapit.
"Bakit? Ano'ng meron?" usal ko sabay lakad papunta sa kanila.
Hinarap ni Renhur ang laptop at nag-zoom in sa isang picture. "Iyong sikat ngayong love team na sina Logue at Tinya? Nabalitang physically abused pala ang babae sa relasyon nila! Inabot na sa ospital at kasalukuyang walang malay. Balak magsampa ng kaso ng mga magulang niya sa kasintahan nito na si Logue."
"Grabe! Ma'am Fiorisce, tingnan niyo, oh!" Mula sa kaniyang cell phone ay pinakita naman sa'kin ni Etsy ang comments at tweets ng publiko tungkol sa issue.
Logue Hermaño deserves to die! What a monster! #RIPLogue
Tangina pogi ka pa naman, sayang gago ka pala.
IBALIK MO MGA BINILI KONG MERCH MO. #RIPLogue
Dapat diyan death penalty. Hindi sapat ang makulong lang!
TO LOGUE HERMAÑO: Huwag kang magkakamaling lumabas ng bahay, tiyak mapapatay kita. #RIPLogue
Bumuntonghininga ako pagkatapos mabasa ang mga iyon. "Tama lang naman na magalit kung masamang tao si Logue," aking komento. "Pero hindi pa naman natin alam ang panig niya. Hindi natin siya dapat husgahan agad hangga't hindi nalalaman ang katotohanan."
Sabik na hinawakan ni Maya ang magkabila kong braso. "Sakto, Ma'am Fior! May kilala akong may koneksyon kay Logue. Gusto mo bang interbyuhin natin siya para sa The Street Sentinel?"
***
SA TULONG ng kakilala ni Maya, nakarating kami sa isang private condominium. Dumiretso kaming dalawa sa 30th floor kung saan ang buong palapag daw ay isang malaking loft-type unit na pagmamay-ari ni Logue.
Nag-doorbell kami sa malaking pintuan at naghintay ng sagot.
"Who's there?!" galit na angil ng isang lalaki mula sa speaker.
"Mister Logue? Sina Fiorisce at Maya po ito mula sa The Street Sentinel—"
"Diyaryo na naman? Hindi pa ba kayo titigil?!" sigaw nito. "Kailan niyo ba ako patatahimikin?!"
Huminga ako nang malalim bago tumugon sa kaniya. "Mister Logue, mapagkakatiwalaan niyo po kami. Hindi ka namin huhusgahan agad. We want to tell your side."
Wala na kaming narinig pagkatapos no'n. Nagtinginan na lamang kami ni Maya, parehas na may malulungkot na ekspresyon sa mukha.
Tinapik ko na ang kaniyang balikat, palakad na sana kami pabalik sa elevator nang biglaang bumukas ang pintuan.
Paglingon namin, naroon ang sikat na artistang si Logue Hermaño.
Napanganga kami ni Maya hindi dahil sa kaniyang kakisigan, kung 'di sa gulat nang makita kung gaano siya namayat nang husto at nagmukhang mas matanda kaysa sa tunay nitong edad. Kapansin-pansin din ang malalalim na eye bags sa kaniyang mata.
The once hunk of a celebrity now has a visible rib cage and hollow cheeks. Naawa ako bigla, sigurado kasi akong dahil ito sa mental at emotional stress na nakukuha niya ngayon mula sa nangyayaring mass cyberbullying sa kaniya.
"Magsasampa raw ng kaso sa'kin ang mga magulang ni Tinya," nanlulumong pahayag nito. Tinanggap niya na kami at pinaupo sa loob ng kaniyang living room. "Kung alam lang nila! Hinding-hindi ko magagawang saktan ang mahal ko!"
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Romance• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...