CHAPTER 11

278K 19.8K 6.2K
                                    

BURNING cheeks.

Fervent breathing.

Accelerated heartbeats.

Cold sweating.

Hindi ko alam kung nilalagnat ba ako o epekto ito ng mainit na sandaling namagitan sa'min ni Dr. Xalvien. God, his lips are so lethal—they're like a sweet addicting drug that gives you a euphoric kind of high. Kaya heto nga ako ngayon, eh. Para akong nilalagnat.

Binuksan ko ang fridge para kumuha ng malamig na carbonated water in can. Tuloy-tuloy ang paglagok ko nito habang mariing nakapikit, sinusubukang lunurin ang hindi mapakaling damdaming namumuo sa dibdib ko.

"Ahh!" I exhaled after gulping down a mouthful. Pagkatapos ay dinikit ko ang malamig na lata sa mainit kong pisngi, baka sakaling makatulong pababain ang temperatura ko. Umupo ako sa kama at doon itinuloy ang aking pagbuntonghininga.

I wonder . . . if the doctor feels the same right now. Is he also flustered like me?

"Fior, hindi ka talaga nag-iisip! Bakit mo 'yon ginawa?" pangangaral ko sa'king sarili. "Hindi porke't gusto mo, gagawin mo!"

Pinatong ko ang lata sa side table sabay bagsak ng katawan ko pahiga sa kama, arms stretched upwards in total surrender.

"Fiorisce Lavandula, what have you done?"

***

SOUNDS of keyboards click-clacking, printers buzzing, and telephones ringing greeted me as I walked into my new office. The Street Sentinel is officially running and I'm beyond excited.

"Good morning, Miss Fiorisce!" pagbati sa'kin ni Maya, ang aming fresh grad na researcher.

Katabi niya ang kaibigan ko mula sa Community Chronicles na si Renhur, na ngayon ay writer na namin, nag-aabot sa'kin ng bagong print na papel. "Fior, ano'ng tingin mo rito?"

"Wow! Ang laki ng improvement mo, Ren!" aking pagpuri pagkatapos daanan ang kaniyang draft. "Hindi talaga ako nagkamaling kunin ka. Pasensya na kung hindi ko pa mapantayan ang sahod mo sa—"

"Fior, ano ka ba! Being a reporter means serving the community, not ourselves. Ikaw pa nga ang nagsabi sa'kin niyan, 'di ba?" paalala ng kaibigan ko habang nakataas ng kilay. "We're all technically volunteers here. And rightful public service is a greater motivation than any sum of money."

Ngumuso ako't ginulo ang kaniyang buhok. "Guwapo mo sa sinabi mo! Kapag talaga may kilala akong girlaloo na nabakante, irereto kita. With a two-pager recommendation from me, back-to-back pa!"

Lumapit bigla ang aming mahiyaing proofreader na si Etsy. "M-Miss Fior, may bisita po tayo ngayon. May scoop daw siyang dala para sa Street Sentinel, kaso ay gusto niya na sa'yo raw mismo ibahagi ito. N-Naghihintay po siya sa lobby."

Nagningning agad ang mga mata ko nang marinig 'yon, lagi talaga akong nananabik kapag may bagong scoop. May malaking ngiti sa mukha ko nang maglakad ako papunta sa lobby.

Doon ay may lalaking nakatalikod na nakaupo sa pahabang sofa, nakadekwatro at nagbabasa ng aming dyaryo. Paglapit ko ay bigla siyang nagsalita. "A Closed-Eye Attempted Murder Case That Shook the Courtroom," malakas niyang pagbasa sa nakaulat sa dyaryo, "written by Fiorisce Lavandula."

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo ngunit nakatalikod pa rin. Napalunok ako dahil hindi pa rin ako sigurado kung sino ang lalaking ito na bumisita.

"I don't know if I should be flattered that I defended a trial without me knowing . . ." Pagharap niya sa'kin ay ngumiti siya. "Or if I should be jealous because you've been spending a lot of time with someone else."

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon