NAKAUPO na ako sa dulo ng upuan, sobrang tutok sa mga pangyayari sa korte at sa mga sunod-sunod na paglalahad ni Xalvenge. Naroon siya sa malayo, sa gitna, naglalakad nang nakapamulsa na tila ba sariling bahay niya ang korte at kaming lahat ay kaniyang mga panauhin.I saw him squinting his eyes playfully as he continued his statement. "I would like to direct everyone's attention to the screen."
May larawan ng hardin na lumabas sa malaking monitor. Isa itong malawak na halamanan at may mga kakaibang bulaklak na nakatanim. Ngayon ko lamang nakita ang mga iyon. Kapansin-pansin na ang ilan sa mga hilera nito ay tila nakalbo.
"Your Honor, this Exhibit A is a photo of Mr. Sy's garden...and these are valerian flowers that we're seeing. Ito ang mga bulaklak na tinatanim ni Mr. Domingo sa hardin ni Mr. Sy," patuloy ni Venge sabay lahad ng kaniyang kamay sa direksyon ng monitor.
Napansin kong humigpit ang pagkakakapit ng biktimang si Mr. Sy sa kaniyang wheel chair.
Saglit na sumulyap sa'kin si Attorney Xalvenge at nahuli ko siyang napangiti nang makita akong seryosong nakikinig.
"Valerians are psychoactive plants, your Honor. Its roots can act as a sedative to induce deep sleep—it is highly hypnotic and potent," he explained further.
"Objection, relevance!" pagputol ng prosecutor.
"Your Honor, the relevance is in my next sentence bago putulin ni Mr. Prosecutor," Venge shrugged with his palms faced upwards.
"Objection overruled," the judge commanded. There was an inaudible tsk from the prosecution's side.
Xalvenge once again combed the right side of his hair upwards with his long fingers. "Consuming dangerously high amounts of valerians may cause side effects to the body such as vivid dreams—which is what happened to the defendant, Mr. Domingo."
Nagkaroon ng maingay na usapan pagkatapos ng rebelasyon ni Venge. Kinailangan ng judge na patahimikin ang buong korte. "Order! Order in the court!"
Nang kumalma na ang lahat ay hinayaan nang magpatuloy ang defense attorney.
"Mapapansin niyo sa Exhibit A na kulang-kulang ang mga bulaklak ng valerian sa hardin. Mr. Domingo was secretly taking some of them home. He became too dependent on them. Valerians alone aren't that dangerous, but when taken along with other sleeping drugs carelessly... it could unfortunately result to parasomnia or sleepwalking," kumpiyansang pahayag ni Xalvenge habang naglalakad-lakad sa gitna ng korte.
"Kaya sa testimonies ng mga witness natin kanina ay may erratic behavior ang defendant. Kumukulo na ang takure ay hindi niya ito mapatay dahil tulog siya't hindi niya namalayang nagpakulo siya ng tubig. Nag-order din siya nang limang beses ng mga parehas na tsinelas dahil akala niya'y nananaginip lamang siya."
There was a look of defeat in the face of the prosecutor and the victim. Hindi pa tapos magsalita si Xalvenge ay tila nanalo na siya.
"On the night of May 6, 2022, Mr. Domingo was sleepwalking as well when the incident happened. Malabo ang footage kaya hindi natin napansing nakapikit siya, ngunit maaari itong masuri ng mga high-tech computer scanner."
Humarap si Venge sa biktima na si Mr. Sy na siyang nakaupo pa rin sa witness stand. "Kung malinis ang konsensya ni Mr. Sy, ay ibibigay niya rin sa'tin ang mga CCTV footage ng iba't ibang parte ng bahay niya. Sigurado akong mapapansin natin sa mga iyon na may kakaibang ikinikilos ang defendant no'ng gabing iyon."
Bago niya tapusin ang kaniyang argument ay nakita kong naging seryoso ang mga mata ng abogado na si Xalvenge. Kaniyang binulsa muli ang mga kamay niya't sinabing, "This is a case of insane automatism where the defendant was in the state of unconsciousness during a crime. Government technicians and sleep specialists can examine and prove my claims. I rest my case, your Honor."
![](https://img.wattpad.com/cover/311114533-288-k16790.jpg)
BINABASA MO ANG
Hush Louder
RomanceCan be read as a standalone story. • NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Psychological, 1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Inves...