SA HALIP na larawan ang nakapaskil doon sa dingding ng silid ni Lolo Abelardo, isang marka ng tatsulok na sinundan ng maliit na bilog sa ilalim ang naroon.Patuloy na nagwawala si Lolo, sinusubukan siyang pakalmahin ng mga dumating na nars.
Si Dr. Xalvien ay lumapit doon sa marka sa dingding, sinusuri itong maigi. Sumunod ako sa kaniya't kinuhanan ito ng larawan.
"Doc, ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng markang iyan?" aking pag-usisa. "Tulad din ba ito ng Alpha-Beta killer natin? Magnanakaw naman ngayon?"
Naramdaman ko ang malaki niyang kamay sa ibabaw ng aking ulo. "Miss Fiorisce, not everything has a meaning," aniyang nakangiti.
The doctor gave my head a few light pats while saying, "Sometimes, we tend to overread something just because of the things we have witnessed in the past."
Talaga ba? Nilingon ko siyang may nakakunot na noo. "Eh ano iyan kung gano'n, Doc?"
His eyes smiled back at me before he gave an instruction to the nurses. "Call every staff in this room. The culprit isn't an outsider, but someone who works here."
***
TATLUMPU kami ngayon sa loob ng silid. Lahat talaga ay pinatawag ni Doc, pati ang mga janitor at mga hardinero. Nakakumpol kami't naghihintay sa kaniyang sunod na sasabihin.
"Based on the quality and wetness of the mark, it was left on the wall around five hours ago—four o' clock in the morning if we are to put an estimate," panimula ni Dr. Xalvien sabay kuha ng tungkod ni Lolo para ipangturo sa naiwang marka sa dingding. "And only the staff members have access to this place during those hours."
Nagtinginan ang mga empleyado, lahat sila'y nagtataka't nagsisimulang magduda sa isa't isa. Nilabas ko ang aking notebook para isulat ang mga ipinapaliwanag ni Dr. Xalvien.
"What we're seeing here isn't a symbol, it's just a mark," kalmado niyang usal. "A footprint, to be exact."
Nagkaroon ng bulungan sa buong silid. Napatingin ako sa suot ko, buti na lamang ay nakasuot ako ng sneakers ngayon.
"Saglit! Anong klaseng footprint iyan?" taas-kamay kong tanong.
"Oh. It's from a stiletto, Miss Fior." The doctor's lips stretched into a wide but gentle smile.
Pinaglalaruan niya ang tungkod na hawak habang nagpapaliwanag. He was swaying it from side to side. "When the culprit tried to remove the painting, she didn't expect that it would have strong adhesives. Kaya naman kinailangan niyang itapak ang isang paa sa dingding para magkaroon ng puwersa."
Agad akong lumapit doon sa marka. Ngayong napagmamasdan ko itong mabuti ay tama nga ang doktor! Ang galing ng atensyon niya sa detalye.
"Kaya naman mapapadali ang pagtukoy natin sa magnanakaw, dahil ang mga nars ay required na magsuot ng rubber shoes para mabilis makakilos lalo na kung may emergency. Ang mga doktor naman dito'y puro lalaki."
BINABASA MO ANG
Hush Louder
Romance• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Mystery-Thriller, #1 Detective, #1 Kill...