CHAPTER 22

267K 12.2K 16.9K
                                    


"HMM?"

I woke up to the sound of strings in the air, greeting me with a good morning. I covered my mouth with the back of my hand as I yawned. After blinking a few times, I realized that I'm on Dr. Xalvien's white bed.

"Holy shit!" bulalas ko sabay nag-init ang aking mga pisngi. Oo nga pala, dito ako natulog kagabi habang pinapakalma si Dr. Xalvien.

Pangalawang beses ko nang nagigising sa kamang ito, at laging tuwing sinasamahan ko si Doc na maka-recover sa kaniyang mga anxiety attack.

Kapag gano'n kasi, sobrang higpit ng kapit niya sa'kin at ayaw akong paalisin na parang bata. Ayon, ang ending namin ay sa kama.

Pero kahit pangalawang beses na naming matulog nang magkatabi, wala pa ring nangyayari sa amin.

Last night, we just cuddled close to each other. The doctor's face pressed against my neck while his arms are wrapped around my waist. His peaceful breathing served as my own special lullaby.

Aaminin ko, tuwing lilipat kami sa kama at yayayain niya akong matulog sa tabi niya, may kaunting porsyento sa utak ko na umaasang baka may mangyari sa aming dalawa.

Pero siyempre, nirerespeto ko naman na hindi pa handa si Doc sa mga gano'ng bagay. Kaya nga kaunting porsyento lang.

Inalis ko na sa'king katawan ang malaking kumot. Nakasuot ako ng malaking polo ni Doc at isang pares ng boxers niya dahil biglaan lang naman ang aking pag-overnight.

Naku, siguradong kapag nag-post ako ng picture na suot ang damit ni Doc, iisipin nilang may nangyari sa amin.

Pero. . . kailangan nga ba darating ang panahong iyon?

Ang panahong magsasalo kami sa init at sarap ng aming mga katawan?

Darating nga kaya ang panahong iyon?

Sinundan ko ang tunog ng musika't dinala ako sa likurang hardin ng mansyon.

Naroon si Dr. Xalvien na tumutugtog ng biyolin sa ilalim ng malaking puno ng wisteria. Nakasuot siya ng puting polo at itim na pantalon, hawak-hawak ang dulo ng kaniyang instrumento na nakapatong sa malawak niyang balikat.

The purple petals of the wisteria tree were falling in chorus, floating in the wind, dancing harmoniously to the serenade produced by the strings of the doctor's violin.

Sunlight peeked through the branches, providing the angelic doctor with a natural spotlight.

Napahawak ako sa dibdib sa sobrang pagkamangha sa eksena sa'king harapan. It was as if I just witnessed a painting coming to life.

Naalala ko ang mga katangian ng doktor na aking isinulat sa notebook. Hindi ko na siya ini-interview ngayon, pero tuwing may nalalaman ako kay Dr. Xalvien ay sinusulat ko pa rin sa kuwadernong iyon.

Marunong mag-violin.
Marunong ding mag-painting.

Marunong makisama sa mga bata.
Marunong ding makisama sa matatanda.

Kahit may kahati sa kaniyang oras para sa sarili,
buong-buo pa rin siya kung magbigay ng sarili para sa iba.

Tangina, sino'ng hindi mahuhulog sa kaniya?

"Miss Fiorisce?" Saglit siyang napahinto sa pagpapatugtog nang mapansin akong nakatayo sa may pintuan. "Gising ka na pala. Good morning, Miss Fior."

"Good morning, Doc!" pagbati ko sabay lapit sa kaniya.

"Gutom ka na ba? I made us breakfast," kaniyang sambit sabay ipit ng ligaw na buhok sa likuran ng aking tainga. "Do you want some blueberry waffles?"

Pagtango ko, akala ko ay babalik na kami patungo sa loob ng bahay. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako papunta sa isang gazebo roon sa hardin.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon