CHAPTER 8

312K 13K 10.9K
                                    


TILA SIRANG PLAKA sa utak ko ang mga salitang binigkas ng doktor. I'll give you more than just a job, I'll give you your own company. Nakapatong ang dalawang paa ko sa inuupuan kong study chair at yakap-yakap ko ang aking mga binti habang inuugoy ang upuan. I can give you your very own news company where you can write whatever you want.

I buried my face in the space between my knees and squealed like a happy little girl. Dr. Xalvien, alam mo ba kung gaano kadelikado ang mga binitawan mong salita? Hindi mo ba alam na kahit sinong babaeng sabihan mo no'n ay tiyak na mahuhulog sa'yo?

Isinigaw ko na naman sa hangin ang kilig kong hindi na maitago. Doc, bakit ka ganiyan?!

Kagat-labing nagbukas ako ng Google sa laptop para mag-search tungkol sa doktor. Paglitaw ng guwapo niyang mukha ay lalong lumalim ang pagbaon ng ngipin ko sa'king labi.

Gago, guwapo talaga.

Binuksan ko ang artikulo niya sa Wikipedia. Habang nagbabasa ay unti-unting nawawala ang kagat ko sa labi at napalitan ito ng pagnganga.

Dr. Xalvien Vouganville has provided lots of people with their very own companies. The doctor has given an old lady her own sari-sari store. He has donated a wet market business to a retired fisherman, and has supported lots of young students by funding their kickstarter projects.

Sinarado ko agad ang laptop ko nang may labing nakanguso. Ano ba 'yan, akala ko pa naman ay special ako.

Nevertheless, I still fell asleep smiling because of the doctor's kindness. I hugged my pillow and pulled up my blanket as I looked forward to seeing him tomorrow.

***

TINALI ko ulit paikot ang buhok ko. Ganito lagi ang aking hairstyle kasi ito ang pinaka-convenient para sa katulad kong laging on-the-go. Hinila ko na lamang palabas ang ilang hibla sa bawat gilid ng tainga para kahit papaano ay presentable.

I chose to wear a lipstick in the shade of burnt russet. I smacked my lips twice and pursed them in front of the mirror.

It feels different from the first time I wore make-up before seeing the doctor. Ngayon ay parang mas may effort ako na magmukhang maayos.

Tulad ng nakasanayan ay nakasuot ako ng off-white blazer sa ibabaw ng black polo-blouse na may ribbon sa harap. I wore a pair of washed-out denim jeans and a pair of white rubber sneakers for my feet.

Nang makarinig ng busina ay napatalon ang puso ko. The doctor is here. I turned my head from side to side, checking if I look nice in different angles. Puwede na!

"Good morning, Miss Fiorisce," he greeted me with a smile as I entered his car.

Tumalikod muna ako't humarap sa bintana para lumunok ng kilig. Pagkaharap sa kaniya ay saka ako tumango na kunwari ay hindi ako apektado.

"Mhm. Morning," I said as uncaring as possible.

Pinaandar niya na ang kotse kasabay ng pagkuwento. "I saw an office space for rent which I think can be your new company. I can also help you out with your government registration, and provide you with the employees you need. Ilan ba ang kailangan mo?"

Napalunok ako bago sumagot. "K-Kahit kaunti lang muna. Wala pa kasi akong mapapasuweldo. I guess I just need three for now—a researcher, a writer, and a proofreader. Tapos kahit ako na ang editor, nagsisimula pa lang naman kami."

Ngumiti ulit ang doktor at nakita kong napataas siya ng isang kilay habang nagmamaneho. "Don't worry about their salary."

Napayakap ako sa dala kong bag para hindi niya marinig ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. "B-Bakit mo pala ito ginagawa?"

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon