PROLOGUE

562K 16.2K 13.6K
                                    

My little request: sa mga mag-reread, please huwag po tayong mag-spoil sa comments section 🥹🙏 Let us not take away the experience of excitement and thrill for our new readers 🥰❤️ Kindly tag @windiespatrol if you see spoilers sa comments! 🚨 Users who violate will be muted or blocked from the account.

***

Trigger Warning

This story may contain scenes that could be triggering to some readers, including sex, violence, graphic display of anxiety, abuse, harassment, foul language, and client-service relationship with power imbalance. Reader discretion is advised.

Disclaimer

This story features characters that are morally gray, and it may reflect in their humor, language, actions, and decisions. We do not recommend following their example. Furthermore, please bear in mind that this is a work of fiction, and some parts have been interpreted creatively. This is not an accurate representation of reality.


◈◈◈

PROLOGUE

The events in this story happen in the year 2025.


CRASH!

Nagliparan ang mga piraso ng salamin nang basagin ng isang matandang lalaki ang lalagyan ng mga alahas.

Nagulat ang mga tao sa paligid, mga taong bumibisita lamang para sa grand opening ng kilalang jewelry store na ito. Bakas ang takot sa kanilang mga mukha—samantalang ako naman ay nakangiti't sabik na sabik.

I rolled my hair up into a messy bun and pinned it using the hook of my ballpen. I pulled my sleeves over my shoulders, tapped the tip of my shoe on the ground to secure its fit, and scrunched my nose as I readied myself for some piece of action.

Tatakbo na sana ako nang biglang humawak sa balikat ang ka-partner kong si Renhur. "Fiorisce! Saan ka pupunta?"

"Hahabulin ko 'yong magnanakaw!" nagmamadali kong pagrason.

"Fior, isa kang reporter. A journalist. Hindi ka pulis!" paalala nito sa'kin na tila ba nakakalimutan ko ang aking propesyon. "Narito tayo para mag-cover ng event, hindi para maghabol ng magnanakaw."

I blew my loose bangs upwards as I explained myself to him. "Iyon na nga, Ren. Reporter tayo, 'di ba? Kailangan naroon tayo kung nasaan ang aksyon! Napaka-boring ng event na ito mula kanina, kaya kung gusto mo ay maiwan ka na lang dito. Doon ako kay manong magnanakaw," paliwanag ko kasabay ng pagturo gamit ang aking hinlalaki sa direksyon kung saan tumakas ang lalaki.

Tinapik ko ang kaniyang balikat, kumindat, at tumakbo paalis na may malaking ngiti sa'king mga labi.

Most of the time, journalists are called in only after the crime has passed. Ikinukuwento na lamang ng mga pulis at mga witness ang mga pangyayari. But I'm different—I prefer gathering first-hand information. Gusto ko ay ako mismo ang makasaksi sa mga kaganapan.

Hinahabol ng mga pulis ang tumatakbong magnanakaw sa malaking kalye. Iniba ko ang aking gawi at lumiko sa isang tagong eskinita para maunahan sila. Madalas ako sa distritong ito kaya alam ko ang mga pasikot-sikot. Pagkarating sa bungad, inunat ko ang aking binti upang patirin ang parating na magnanakaw.

"Aray ko, putang—" hiyaw nito nang salubungin ng semento ang kaniyang mukha.

Pagharap niya ay sinalubong naman siya ng matinding flash mula sa camera ng cell phone ko. "Say cheese!" magiliw kong sambit. "Congrats! Bukas, nasa dyaryo ka na!"

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon