CHAPTER 7

272K 14.3K 19.8K
                                    


THE LOUD ringing of the phone against my ear echoed all over my quiet 25 square-meter studio unit.

The next sound I heard was the nervous thumping of my own heart. The ringing finally stopped—and was replaced by a dry gulp in my throat as I struggled to speak out some words.

"H-Hello?" I whispered while anxiously twirling my finger around the telephone cord.

"This is Villa Vouganville," malugod na pagbati ng isang babae. "How can we help you?"

"Ah... Nariyan ba ang propesor? Si Professor Vouganville?"

"Yes! It's his assistant speaking," her voice gushed. "Bukas ang bahay namin kung kailangan mo ng tulong."

Nag-focus ang mga tainga ko sa paggamit niya ng salitang, 'namin.' Siya siguro ang asawa ng propesor.

Her voice was soft, friendly, and cheerful. Parang mapapangiti ka rin dahil sa kaniyang masayang tono at mabait na pakikitungo.

The call only lasted for a short while. Binanggit ko kasi na mas gustong kong ipaalam ang mga detalye sa personal. So I just made an appointment for a consultation with the professor tomorrow morning.

Sinusulat ko ito sa notebook nang bigla kong naalala ang doktor. Usapan namin ay iinterbyuhin ko siya kada umaga, ngunit ngayong resigned na ako ay wala nang saysay ipagpatuloy pa iyon.

Although what I'm doing right now is still about him.

Kinuha ko ang cellphone at nag-type ng maiksing mensahe upang ipaliwanag na hindi ako makakapunta sa schedule namin bukas at sa mga susunod na araw. Pinadala ko ito sa kaniya bago matulog:

Doc Xalvien, the interview has been cancelled. I will no longer be visiting you from now on. Thank you for your patience with me during our brief time together.

***

PAGKARATING sa address ng Villa Vouganville, nanlaki ang mga mata ko't halos mahulog ang panga ko sa sahig.

What the hell? Ito 'yong mansyong dinaanan namin ni Xalvien noong isang araw!

Naalala ko na naman 'yong batang mumu na may hawak na pusa.

Idinaan ko na lang sa pag-iling ang aking pangangamba. Dumiretso ako sa loob ng gate at tumungo sa gilid na pintuan nito. Sabi sa akin ng nakausap kong babae kahapon ay para sa mga kliyenteng katulad ko ang entrance na iyon.

Sa loob ay sumalubong sa akin ang maraming maliliit na bahagharing sumasayaw sa kahabaan ng pader. There were crystal suncatchers that glisten by the high windows of the mansion. They give off a warm and fuzzy feeling as you walk along the corridors.

Nang makita ang mga iyon ay nakonsensya ako dahil sa naramdaman kong pagdududa noong una kong punta sa Villa Vouganville. Sa labas kasi ay mukhang nakakatakot, ngunit sa loob ay ramdam mong punong-puno ang mansyong ito ng saya't pagmamahal.

"P-Professor! Ah!"

Napahinto ako sa paglalakad nang makarinig ng isang matinis na tinig. Kaboses nito ang babaeng kausap ko kagabi.

"Salustiana, stay still..." malalim na usal ng isang lalaki. "Huwag kang malikot kung ayaw mong masaktan."

Namula ang mga pisngi ko dahil sa'king mga naririnig. Napalunok ako nang wala sa oras.

"M-Masiyadong mabilis ang pagsundot mo, XV! Ah!"

Hanggang batok na yata ang pamumula ko. Mali yata ang timing ng pagbisita ko.

"Professor... Ah! D-Dumudugo na!"

Putangina what the fuck?

I turned around with a flushed face and a racing heart. A-Ang aga naman nilang lumandi!

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon