VII
"Bukas tatalakayin naman natin ang mga taong namuno sa Bawat Imperyo sa mga ilang henerasyon, sa ngayon paalam muna sa lahat?"
Tumayo silang lahat at sabay-sabay nagsabing...
"Paalam Professor Yin!"
Hindi ako tumayo sa halip ay pinagmasdan lang ang kanilang ginagawa. Sa pag-alis ng guro mula sa loob ay agad nagsi ayus ng mga gamit ang lahat at unti-unting nagsilabasan. Umayos narin ako ng upo at pinagtinginan ang dalawang Fire Benders na nasa aking harap.
"Anong susunod mong klase?"
"Weaponry Sayo?"
"Ganon din tara sabay na tayo"
Napatingin sila saakin ng mapansin sigurong nakatingin ako sa kanila, agad napadako ang tingin nila sa aking suot na dahilan pumangit ang kanilang mukha.
"Isang Seiryu tsk!"
Sabay nila akong inirapan bago umalis sa aking harap. Pinagkabit-balikat ko na lang ito tsaka tamad na tumayo. Lumabas ako mula sa loob na walang dala ni kahit anong gamit, pagkalabas ay tinungo ko agad ang hagdan patungo sa mas mataas pang palapag.
Habang naglalakad ay di ko mapigilang mapatingin sa mga Benders na nakakasabay at nakakasalubong ko. Halos lahat mayroong mapanghusgang mukha na tila rinding-rindi sila sa amin, lihim akong napa ismid at pinakiramdaman ang paligid na ngayo'y may kakaibang atmosphera.
Umihip ang isang malakas na hangin na inilipad ang mga ibang bagay, maski ang mga Benders na naglalakad sa hagdan ay napahawak sa railings dahil sa lakas ng pwersa nito. Nagkakagulo na ang lahat kaya napahinto narin ako sa paglalakad.
"Anong nangyayari dito."
Dumagundong ang isang malalim na boses na ikanatahimik ng lahat. Napatingin ako sa kaliwa ng magsi hawian ang mga istudyante doon habang yinukuan ang isang matandang lalaki na may pambihirang tangkad at kisig ng katawan.
Pumuputi na ang hanggang balikat nitong buhok samantalang puno ng awtoridad ang kulay sapphire nitong mata.
"Dean!"
Sinalubong sya ng isa ding matandang babae na may dala-dalang libro.
"Professor Margot anong kagulohan to?"
Sa halip na sabihin ng pormal ay ibinulong nya ito sa tinatawag nyang Dean. Ilang sandali rinig ko ang pag-buntong hininga ng lalaking matanda dahil nasa harapan ko lng ito huminto habang nakatagilid saakin.
"Students proceed to your respective class."
Maawtoridad nyang sinabi kaya nagsi-kilos ang Benders na nandidito ngayon. Hindi ako gumalaw sa aking pwesto sa halip pinagmasdan ko syang mabuti sa aking harap. Agad kong nahagip ang isang simbolo na nasa likod ng kanyang tenga, napangisi ako't napayuko.
Isang Vortòur
(Ang tawag sa mga benders na napapabilang sa isang organisasyong gumagawa ng batas)Hinintay ko silang makaalis sa aking harapan bago ako muling naglakad paitaas. Ng marating ko ang silid ng susunod kong klase ay agad naman akong pumasok, napaka ingay parin gaya ng kanina kaya naupo na lang ako sa isang tabi dahil wala naman ni isang upuan na naririto kundi isang malawak lng na silid na puno ng kahit anong armas ang mga pader.
BINABASA MO ANG
MAICHO: The First Tale
FantasyMaicho is a born child of the present Emperor of Empire of Kazuya. She had this personality of down to lack of interest and difficulty in her surroundings. She easily forgot names, her past like she really didn't remember it. But behind of those b...