X
Tahimik kaming apat na naka-upong lahat sa sala, halos ilang oras na rin ang nakalipas ng makabalik kami dito ay wala parin ni isa sa mga Tanda ang bumalik. Nakahilig ako sa sandigan ng sofa habang naka-krus ang braso at katabi si Bob na walang imik which hindi normal para sa madaldal na katulad nya.
Hindi ko na lang sya pinansin at napabuga na lng ng hangin, nakaupo si Anna(Kanna) sa kabilang gilid ng sofa na katabi lng ni Bob habang may hawak na kung anong libro at si Kaen- Nah Nevermind alam nyo na ang sagot.
"Wait where's kio?"
Natanong ko bigla kaya nakuha ko ang atensyon ng dalawa kong katabi.
"Sa tingin ko umakyat sa kanilang silid"
Sagot ni Tanna(Kanna) na ikinatango ko lng saka tumayo.
"Oh? Asan ka pupunta"
Tanong ni Bob na sa wakas rin ay nagsalita
"Matutulog"
tipid kong sagot pagkatapos kinawayan sya at umakyat ng hagdan pero sa halip na dumiretso agad sa aming silid ay napatigil ako sa harap ng malaking bintanang naroroon. Nilapitan ko ito at binuksan, napapikit pa ako ng pumasok ang ihip ng hangin na pati ang aking buhok ay mahinang nililipad nito. Bigla akong napangisi ng may pumasok na idea sa aking isipan. Umatras ako ng dalawang beses tsaka pinatunog ang mga buto sa daliri at bumwelo. Ilang sandali pa ay walang pasabing tumalon ako palabas ng binta at maayos naman akong nakalapag sa lupa ng may ngisi pa.
"Ah i miss doing that"
Bulong kong saad at nag-umpisang maglakad patungo kong saan habang nasa likod ang dalawang kamay. Pasipol-sipol kong tinitingnan ang mapunong paligid, nagiging kulay kahel na rin ang kalangitan kaya di na gaanong kasakit sa balat ang araw.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang bumigat ang aking pakiramdam at biglang nabingi sa samot saring mga salitang naririnig ko ng hindi sadya. Naitakip ko ang mga palad sa magkabilang tenga at mariing pumikit.
This is sucks
Napailing na lng ako at inayus ang sarili pagkatapos bumuntong hininga muli.
Since when i endure this?
Sa ikalawang pagkakataon napabuntong hininga ako at pinagpatuloy na lng ang paglalakad. Aakma sana akong papasok sa harden ng mapatigil dahil sa naririnig na pamilyar na boses at hikbi mula sa parke. Sinubukan ko itong ignorahin pero tila may sariling pag-iisip ang katawan ko na natagpuan ko na lang ang sariling umaakyat sa puno at walang ingay pinuntahan ang lugar na yun.
Huminto lng ako ng matanaw ang anim na batang nagkakagulo sa ibaba. Umupo ako sa sangang tinatapakan at nakapangalumbaba silang tiningnan.
"Napaka walang kwenta! Ang hina mo pala eh! Anong karapatan mong pumunta dito at isturbuhin kami sa ginagawa namin ha!"
Sabay kwelyo nito sa isang bata na kanina pa mangiyak-ngiyak. Mas lalong na inis ito ng hindi sumagot ang isa kaya nagsilabasan ang mga apoy nito sa kamay na ikinangiwi ko. Nangamoy ang tila nasusunog na karne na nanoot pa sa ilong ko.
"T-Tama na m-masakit gusto ko lang naman makipaglaro eh"
Pero parang wala lng narinig ang kaharap, sinipa nya ito upang mapaluhod ito sa lupa.
BINABASA MO ANG
MAICHO: The First Tale
FantasyMaicho is a born child of the present Emperor of Empire of Kazuya. She had this personality of down to lack of interest and difficulty in her surroundings. She easily forgot names, her past like she really didn't remember it. But behind of those b...