XX-Assassination

3 1 0
                                    

XX

Matapos ang pagtatagpong yun sa hari ng Kahariang ito ay ngayon nakatayo na ako sa harapan ng bahay ng matanda habang tinatanaw ang kalesang maghahatid saamin pabalik sa palasyo ng Imperyong Daichi. Suwestyon ito ng hari kapalit ng ginawa naming pag-ubus ng mga nilalang na sumisira ng kabahayan dito.

Simula umpisa hindi ako payag sa ideyang ito dahil marami itong nasasayang na oras kung pwede namang gumamit ng techniques para mabilis makabalik roon. Pero dahil sa kumag kong kasama ay wala nanaman akong nagawa kung hindi pumayag na lang sa gusto nito.

"Pst! Tara na nakahanda na ang sasakyan"

Hindi ko sya pinansin pagkatapos nyang sabihin yun at dire-diretsong naglakad patungo sa kalesa at pumasok doon. Napasilip naman ako mula sa maliit na bintanang natatakpan ng manipis na kurtina kung saan nakikita ko itong kinakausap ang matanda bago ito tuluyang sumakay.

Nang mag-umpisang umandar ang sinasakyan ay tahimik lang kami sa loob hanggang sa hindi na ito makatiis at sinimulang sundutin ang tagiliran ko.

"Mai naman wag ka nang magalit, ayaw mo yun? Makikita mo na rin ang dalawang kaharian ng Imperyong Daichi"

Napairap ako

"I'm not interested Bob"

Nagsimula nanaman itong ngumuso sa harap ko kaya napaiwas agad ako ng tingin at inilipat sa labas ng bintana. Napabuga na lang ako ng hangin ng panay salita ito sa tabi ko ng kung ano-ano pero ni isa wala akong naintindihan dahil hindi naman ako nakikinig. Makalipas ang ilang oras ay nagsisimula na naman akong makakita ng mga kabahayan na gawa sa bato.

Katulad ng Wormos ay masagana din ang lugar nato dahil maraming mga batang naglalaro sa daan, bukod don ay makikita mo rin sa mga mukha ng naninirahan dito ang tila parang walang dinadalang problema.

"Mai welcome to Ursa Kingdom!"

singit ng katabi ko

"Kung ang Wormos ay kilala sa pag-aani ng mga gulay at bigas, dito naman ay sagana sa pag-aani ng iba't ibang prutas!"

Agad akong napakuha ng tansong okane sa bulsa ko at ibinigay sa batang hinahabol ang sasakyan namin habang bitbit ang isang supot ng mansanas.

"Kulang to!"

Reklamo nya habang tumatakbo parin ng matapos kong maibigay ang okane sa kanya. Pinagtaasan ko lang ito ng kilay tsaka isinara ang bintana gamit ang kurtina.

"Wag ka nang bumalik dito! ang kuripot mo!"

sigaw nito sa labas na ikinangisi ko lang tsaka kumagat sa mansanas matapos kong maialis ang takip sa aking mukha.

"Hoy babae ano na namang kalokuhan yun!"

Agad naman akong napairap at walang sabing kumuha ng isa pang mansanas at isinubo ito ng buo sa kanyang bunganga ng aakma itong magsasalita ulit. Pinanlakihan ako nito ng mata na kalaunan kinain din ang isinubo ko sa kanya.

Naging ganon lang kami sa loob hanggang sa maubos ang kinakain at tuluyan akong nakatulog. Naalimpungatan lang ako ng maramdaman ang pagtigil ng sinasakyan.

"What's happening?"

tanong ko habang humihikab at umuunat

"Narating na natin ang tarangkahan papasok ng Tigros Kingdom"

Sumilip ako sa bintana tsaka napabuntong hiningang bumalik sa pagkakasandal sa upuan. Agad kong binalik ang takip sa aking mukha kung saan tanging ilong pababa sa leeg ang natatakpan. Ganon din ang ginawa ng kasama ko na saktong matapos sya ay bumukas ang pinto sa gilid nya.

MAICHO: The First TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon