VII
Matapos ang nakakabagot na oras ay pansamantalang itinigil ang klase dahil sa tinatawag nilang 'Lunch Break'. Nandito nanaman ako ngayon sa hagdan na naglalakad paibaba, halos hindi maipinta ang aking mukha habang ginagawa ito
Sino ba naman kasing matutuwa kung simula umaga hanggang mamaya ay panay akyat baba ako dito!
Sinubukan kong pigilan ang inis sa pamamagitan ng pagpakalma ng sarili pero bigla din itong napawi ng makita kong ilang palapag pa ang aking babain. Umabot ata sa kinse minutos bago ko narating ang huling palapag, Sinundan ko ang mga benders na nasa hula ko'y papunta sa tinatawag nilang kainan at di naman ako nagka mali.
Sa pagbukas nila ng halos sampong talampakang pinto ay sumalubong sa akin ang maingay na malawakang silid. Agad akong natakam sa mga pagkain na nakikita kong bitbit ng iba, malakas kumalam ang sikmura ko kaya nakanguso akong napahawak don.
"Mai!!!"
Bago pa ako makalingon ay ramdam ko ang pag-akbay ng mabigat nyang braso sa akin.
"Alam na alam ko yang mukha na yan tara nagugutom na rin ako"
Nagpatianod na lng ako ng hilain nya ako papunta sa pinakaharap kung saan naroroon ang katakam-takam na pagkain. Pumila kami gaya ng ginagawa ng iba habang may dala-dalang tray na gawa pa sa pilak. Matiyaga kaming naghintay hanggang sa kami na nga ang sumunod, malawak na ningitian ni Bob ang babaeng nasa harapan na nakataas ang kilay sa aming dalawa. Kinuha nya ang tray namin saka tumalikod upang lagyan ng pagkain at ilang sandali pa ay natapos na ito. Sa halip na masiyahan ay napakunot ang noo ko sa ibinigay nya.
"Kunin nyo na dahil marami pang naghihintay"
"Teka bakit ganito? Bakit yung sa iba ang dami at masasarap tapos sa amin tabang kanin at gulay lang? Seryuso?"
Reklamo ni Bob na nasatabi ko, hindi man lng ako kumurap ng bigla nyang hampasin ang counter na nasa harap nya habang galit na tiningnan kaming dalawa.
"Sino ba kayo sa inaakala nyo ha? Nga Benders lng namn kayo na nagkaroon ng walang kwentang kapangyarihan!!"
Ramdam ko agad ang pagbabago ng tensyon ng katabi ko kaya tiningnan ko sya at kita kong nagsisimula ng mag-iba ang kulay ng kanyang mata.
"Wala kang– hmmm mmm mm!"
May isang kamay na tumakip sa bunganga nya kaya nilingon ko naman ito. Isa sya sa mga Tanda na nasa HQ namin Its Kumiro(Kumiko)
"Hehe pasensya na Miss Witch– i mean Miss Mitch mga novice pa lang ang mga ito kaya wala pa silang alam sa mga Sistema dito hehe"
Hinawakan nya kami sa mga braso pagkatapos nyang kunin ang tray na pinahawak nya sa amin at hinila kami paalis. Papunta kami sa isang mesa kong saan naroroon ang iba naming kasamahan na kompleto na ring naka-upo doon. Pinaupo nya kami sa may bakanteng upuan bago sya umupo na nasa tabi ko.
"Gawd kayong dalawa si Miss Bruha pa talaga ang nakalaban nyo"
Hinilot pa nya ang sentido tila problemado dahil sa ginawa namin.
"Hindi narin sila masisisi kasalanan din naman natin dahil nakalimutan nating sabihin sa kanila"
Saad ni Dagz at tumingin sa amin
BINABASA MO ANG
MAICHO: The First Tale
FantasyMaicho is a born child of the present Emperor of Empire of Kazuya. She had this personality of down to lack of interest and difficulty in her surroundings. She easily forgot names, her past like she really didn't remember it. But behind of those b...