XV
"Ano na ang gagawin natin ngayon?"
Tanong ni Bob habang kinakain ang maliit na pirasong mansanas na pinaghati-hatian pa namin upang may makain lang.
"Bukas ay gaganapin ang Tor Amaro-"
Nagulat ang ilan sa biglang paghampas ni Bob sa mesa.
"Ede ayus yun!"
Sinamaan sya ng tingin ni Zoo (Zue) kaya napakamot ito ng batok at humingi ng tawad. Nailing na lang ako sa kahihiyang ginawa nyang yun.
"This is also the reason kung bakit kayo nandidito ngayon. We receive a news from above saying that we can't play that game anymore"
"Why?!"
Sabay na saad ni Bob at Kanna sa sinabi ni Zoo. Nagkatinginan pa ang dalawa tsaka kalauna'y nag-iwasan ng tingin.
"Dahil mag-aapat na taon na kaming sumasali at alam na ang takbo ng laro. Hindi katulad sa ibang grupo na sa tuwing Tor Amaro ay paiba-iba ang mga manlalaro dahil sa marami silang myembro habang dito ay kaming Apat lang"
Sagot muli ni Zoo
"Dapat nga dati pa kaming hindi na makasali pero dumating si Master Chan upang bigyan kami ulit ng karapatan sumali sa laro at magkaroon ng supply ng pagkain kahit papano sa loob ng isang taon. But sadly he's now missing in action, ang huling kita na lang namin sa kanya ay nong matapos ang huling taon ng klase nung nakaraan"
Mahabang saad naman ni Kumiro
"So now this is the plan, kaylangan namin ng dalawang novice upang sumali bukas sa Tor Amaro"
Walang may nakaimik saaming lima sa biglaan sabi ni Dagz
"Sa totoo lang meron na talaga kaming napiling dalawa, ang kulang na lang ang kompirmasyon ng mga ito"
Biglang nalukot ang mukha ko ng tumingin ang apat na Tanda sa kinaroroonan namin ni Bob. Binigyan ko sila ng hindi sangayon na tingin at akmang magsasalita ng unahan ako ni Tandang Zoo (Zue)
"Yes. You two will join that Game. Dahil sa inyong lima kayong dalawa lang ang malakas kumain kaya kayo ang napagdisisyon namin"
Ganon na lang ang hindi maipintang mukha ko ng ngisihan ako nito.
"There's no time to disclaim this lalo pa ito na lang ang paraan para hindi tayo mamatay sa gutom"
Saad naman ni AkiroSiniko ako ni Bob tsaka pinandilatan ng mata kaya pumayag na lang ako dahil wala rin naman akong pagpipilian. Pagkatapos non ay nagsibalikan kaming muli sa malaking gusali at nagtungo sa kanya kanyang klase. Katulad ng parati kong ginagawa ay tinulugan ko nanaman ito at nagising sa panggigising saakin ni Tanna (Kanna)
Uminat-inat muna ako sandali tsaka tumayo upang makalabas na sa silid na yun habang nakasunod saakin ang babaeng to. Ng makarating kami sa field kung saan ang pwesto naming mga taga Seiryu ay agad kaming pinatakbo paikot doon. Makailang ulit din yon kaya ng pinatigil kami ay agad akong sumalampak sa lupa.
"Get up! We're still not done!"
Umingos ako tsaka tamad na tamad tumayo, hindi pa nga ako tuluyan nakabawi ng lakas ng biglang atakihin kaming apat ng itim na apoy ni Zoo. Gumulong ako pakanan ng mapunta sa akin ang pinakamalaki hanggang sa masundan ito ng iba pa.
"Stamina is very important. Kaylangan nyo itong palakasin kaya ginagawa natin ito ngayon"
Paliwanag ni Dagz habang kami walang tigil sa pag-iwas ng mga atake ng dalawang mga babaeng Tanda. Hindi ko naman maiwasang hindi magmura ng minsang madaplisan ng walang tigil na atake ng mga ito.
BINABASA MO ANG
MAICHO: The First Tale
FantasyMaicho is a born child of the present Emperor of Empire of Kazuya. She had this personality of down to lack of interest and difficulty in her surroundings. She easily forgot names, her past like she really didn't remember it. But behind of those b...