01

270 7 1
                                    

Pagka park pa lang ng grab na sinakyan ko ay kita ko na kaagad si Tita Anne at ang papa ko sa gate.

Lumapit si papa kaya bago pa ito kumatok ay binuksan ko na ang pinto sa side ko. Kinuha niya ang maletang dala ko at pagkatapos ay nagpasalamat sa grab pagkatapos mag bayad.

"Tita Anne!"

Patakbo akong yumakap sa kanya. She giggled and hugged me back to.

I wish I could do this with my mom.

"Hello, darling."

"Let's go inside at baka mahamugan kayong dalawa." Sabi ni papa.

Magka akbay kaming pumasok ni Tita Anne habang nakasunod si papa sa amin.

Nilagay ni papa ang gamit ko sa kwarto dito sa bahay nila. Oo, may sarili akong kwarto dito. Dati pa naman simula noong bata pa ako.

Kahit dati ay ayaw akong ipahiram ni mama ng ilang araw kay papa pero pinagawan parin nila ako ng kwarto dito sa bahay nila.

"How are you, darling." Napaka hinhin ni Tita Anne. Hindi makabasag pinggan iyong vibe niya.

Maamo rin ang mukha nito at parang kapag magkakasala ito sa iyo ay ikaw pa ang mag so-sorry. Kabaliktaran ni mama kasi kung titingnan mo pa lang si mama aakalain mong sinusungitan ka kaagad. Pero ganoon lang talaga ang mga mata noon. Matalim. Kaya minsan, kahit nag uusap lang kami ay akala ko galit siya, pero hindi naman talaga.

"Okay naman, Tita. Medyo may konting away lang kami ni mama."

Pinaupo niya ako at inasikaso. Nagluluto rin pala ito at hinintay nila akong dumating para sabay kaming kumain.

Naisip ko si mama. Panigurado mag isa na naman iyong kakain. Minsan nga, hindi nababawasan ang niluluto niya na parang hindi rin siya kumain.

Mahinhin na tumawa si Tita.

"Hindi ka na naman ba pinyagang lumabas?"

Tumago lang ako dahil alam na alam na nito ang hinaing ko. Palagi namang ganito. Kapag nag aaway kami ni mama ay dito ako tumatakbo.

Civil lang si papa at si mama. Pati na sina mama at Tita Anne. Dapat lang. Kasi si Tita Anne ang na agrabyado dito. Dapat lang maging mabait ang mga magulang ko sa kanya.

Kung titingnan mo si Tita Anne, parang hindi niya napagdaanan iyong ginawa ni papa sa kanya. Kasi maaliwalas ang mukha niya at parang walang dinadamdam. Pero syempre, don't judge the book by it's cover. Kasi kung iisipin ko pa lang iyong panahon na nalaman niyang nag cheat at nagkaanak ang husband niya....ang sakit na para sa akin ano pa kaya sa kanya.

"Outing kasi 'yun namin ng friends ko since higschool tita. At kilala naman n'ya ang mga iyon kasi noon hindi siya pumapayag na gagawa kami ng project sa ibang bahay at mag sleep over kaya ang ginagawa ko, dinadala ko nalang sila sa bahay. Ginagawa ko naman ang gusto n'ya. Lahat ng ayaw niya iniiwasan ko. Ito lang talaga. Kasi hindi naman kami magkaparehas ng schedule lahat. Ngayon lang nagkakaparehas."

Mahabang pagsumbong ko sa kanya. Saka naman pumasok si papa sa kusina. Alam kong narinig niya ang sinabi ko at umupo ito sa tabi ni Tita Anne.

"Papayagan naman kita Amari, kailan ba hindi? Ang gusto ko lang ay kausapin mo rin ang mama mo. Ayoko lang pagsisihan mo iyang desisyon mo. At madami ka na ring itinago sa kanya. Mga gala na hindi mo sinabi kahit nagpaalam ka sa akin."

Napatigil ako sa sinabi ni papa. Tama siya. Madami na akong mga sekreto sa mama ko. Hindi ko alam kung nahahalata ni mama pero kung oo man, ang galing niyang magtago.

Ilang beses na akong gumagala na kay papa lang nagpapalam kasi ayaw akong payagan ni mama.

Mas maluwag kasi si papa kaysa kay mama. As long as alam ni papa kung sino ang mga kasama ko ay walang problema sa kanya. Kaya minsan...kapag gumagala ako. Sasabihin ko kay mama na pupunta ako kila papa pero ang totoo, aalis ako. Saka ko lang tatawagan si papa para pagtakpan ako kung sakali mang magtatanong si mama sa kanya.

"Pero alam ko namang hindi ka gagawa ng kalokohan kaya ako nagtitiwala sa iyo. Isipin mo nalang rin ang concern ng mama mo sa iyo. I-text mo parin kahit buma byahe ka o kahit pagkarating n'yo sa lugar."

Sana ganito rin si mama. Iyong tiwala lang naman ang gusto kong maranasan sa kanya. Hindi ko alam bakit takot na takot siya, e. Si papa nga hinahayaan akong magkamali, e. Kasi paano ako matututo kung palagi siyang ganyan? Magiging ignorante ako habang buhay?

"That's enough and let's just eat our dinner, mahal." Sabi ni Tita Anne kaya't natahimik kami at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos niyon ay magkatulong kaming naghuhugas ng pinggan ni Tita Anne. We talked about random things just for girls. Na hindi ko nagawa kasama si mama.

I just can't help but compare them. Ibang iba kasi talaga si Tita Anne. Parang mas nararamdaman ko pa ang pagiging nanay niya sa akin, e. Iyong hinahanap kong pagmamahal sa ina ay sa kanya ko nararamdaman.

After we washed the dishes, we went to the movie room in their house and the three of us watched two movies.

Hindi na namin natapos ang pangalawa dahil pinagpahinga na ako ni papa at inaantok na rin si Tita Anne.

"Darling, let's go to the mall tomorrow and buy the things that you have to bring, okay?"

Sumaya naman ako. Nagkapaalaman na kami at dumeretso na ako sa kwarto ko.

Chineck ko pa ang phone ko kung may text ba ang mama ko pero farmer talaga iyong mama ko. Ang hilig magtanim ng sama ng loob.

Hahayaan ko muna siya kasi baka na realize na niyang wala ako sa bahay.

Palagi ko naman itong ginagawa sa tuwing nag aaway kami. Simula noong matuto akong mag grab ay ito na ang ginagawa ko kapag naiinis or nagtatampo ako sa mama ko.

Sa papa ko ako palaging pumupunta. Hindi naman ako gaganito kung hindi lang rin dahil sa ugali ni mama.

Humiga nalang ako sa kama at nagmuni muni muna bago kinain ng antok.

I'm Sorry, It's Too LateWhere stories live. Discover now