Kinabukasan, nagising akong masakit ang ulo.
Tang ina, ito talaga ang downside ng pag iinom, e. Ang hangover.
"Putang ina!" Napamura ako kasi ang sakit talaga ng ulo ko. Bumangon ako at sumandal sa head board ng kama.
"Ahhh!"
Napadilat ako dahil sa sigaw na iyon. Si Carla na naka ob-ob sa kama. Parehas kaming may hang over. Si Isha lang talaga ang sakalam sa amin, e. Kahit ilang alak ang laklakin hinding hindi nagkaka hang over. Sanaol.
"Ang weak n'yo naman!"
"Tang ina tumahimik ka Isha, ha. Baka iuntog ko tong ulo ko sa ulo mo."
Tumawa lang si Isha sa sinabi ni Carla. She's kind enough to get us water though.
"O, inom! Gamutin n'yo iyang hang over n'yo dahil may dalawang araw pa tayo rito!"
I grunted. Walang sumagot sa amin ni Carla.
"Alam n'yo kung anong mabisang gamot sa hang over? Another inom!" Tapos ay tumawa ito.
Baliw amp.
Nakapikit na minamasahe ko ang aking ulo nang maalala ang nangyari kagabi. Earl and I decided to have a walk. Nagdala pa talaga kami ng sariling alak. Kaya ayun, tumba ako. Kung naalala ko pa ng maayos...kinarga niya ako kagabi kasi lasing na ako. Sana lang ay wala akong katarantaduhang ginagawa. Potaena nakakahiya.
Kahit masakit ang ulo ay gumalaw ako at kinuha ang cellphone ko. Itinext ko si papa at si mama at bumati ng magandang araw. S'yempre naka receive ako ng reply kay papa habang dedma naman si mama.
Bahala na nga. Pag uwi ko nalang kami mag tutuos.
I took a bath and hoped that my hang over will ease up. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko nang makaligo dahil presko na ang pakiramdam. Buti nalang ay hindi ako sumusuka kapag nalalasing. Kundi...mas nakakahiya iyon.
Pagka baba namin nandoon na iyong mga lalaki. Pero marami sila. Kasama nila iyong nga kasama namin kagabi. Kita kong palinga linga si Earl na parang may hinahanap. Nang magtama ang tingin namin ay kaagad itong ngumisi. Tinaasan ko siya ng kilay kahit nag iinit ang mukha ko.
"O, ayan na pala ang mga lasinggera." Sabi ni Maverick. Tarantado talaga..
Iminuwestra ni Earl ang upuan sa tabi niya kaya doon ako dumeretso.
"Wow, may pag reserve ng upuan." Rinig kong bulong ni Isha sa likod ko. .
Hindi ko na siya pinasin dahil gutom ako.
Nang makaupo ay hindi parin ako tinantanan ng tingin ni Earl kaya nilingon ko ito.
"Problema mo diyan?"
Mas lalo itong ngumisi.
"Okay ka na ba?"
"Napano ba ako?"
Mas lumapit ito sa akin at bumulong. Medyo nakikiliti pa ako.
"Umiyak ka kaya kagabi." Tapos ay lumayo rin upang tingnan ako.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman maalalang umiyak ako sa harapan niya.
"Gawa gawa ka, a! Hindi ako umiyak no!"
Mahina itong tumawa at iniabot sa akin ang kanin. Kinuhanan din niya ako ng sabaw para makahigop daw ako at mawala ang hang over. Umarte akong parang natural lang at hindi ipina pahalatang kinikilig sa mga galawan nito at baka kantyaw ang abutin ko sa mga kaibigan ko. Nang pasimple ko namang tingnan ang mga kaibigan ko ay lahat sila nakatingin na sa akin at may kanya-kanyang ngisi sa labi. Taena.
Wala naman kaming masyadong ginawa ngayon araw dahil naligo lang rin kami at naglaro ng volleyball.
Noong mag swimming ay naglaro rin kami. Nakasakay ako sa balikat ni Earl habang nakasakay naman si Carla at Isha sa balikat ni Jovan at Ricky. Taga tawa lang ang king inang si Maverick.
Kung anu-ano pa ang ginawa namin at talagang pagod na pagod kami noong dumating ang hapon.
Kasalukuyan akong nakaupo sa buhangin habang pinapanood ang mga taong naliligo sa dagat.
Kita kong may buong pamilya ang naglalaro at nagtatawanan sa bandang harapan ko. Napangiti ako ng mapait.
Mararanasan ko kaya iyan?
Siguro, oo. Kung hihilingin ko kay papa at Tita Anne paniguradong gugustuhin din nila.
Kay Mama...nevermind. Parang wala namang ka roma-romantic iyong buto 'nun. Kahit date lang para sa aming dalawa. Napabuntong hininga na lang ako.
"Ang lalim, a."
Napa tingin ako sa gilid ko nang maramdamang may umupo doon. Si Earl. Tapos ibinalik ko rin ang tingin ko sa harapan.
"Iniisip ko lang kung paano ko susuyuin si mama pag uwi."
"Hindi ka nagpaalam?"
Ewan ko ba kung bakit ako kumportable sa kanya. Ang gaan gaan ng loob ko kapag kinakausap niya ako.
"Nagpaalam."
"Iyon naman pala, e."
Tumawa ako.
"Pero hindi ako pinayagan. Sabi sa'yo strict mama ko di ba? Si papa lang nag pumayag na pumunta ako dito. Palagi naman."
"Baka may dahilan siya kung bakit ayaw niya? Like ayaw niyang mapahamak ka or something."
Itinuko nito ang mga braso sa buhangin. Kitang kita ang katawan nito dahil naka beach shorts nalang ito ngayon.
"Tsk. Mag iingat naman ako, e. Tsaka kilala niya naman ang mga kasama ko! Ayaw niya lang talaga. Mas gusto niyang maging prim and proper ako tapos mag aral nalang nang mag aral araw araw."
"Baka naman...iniisip lang niya ang future mo. Tsaka...hindi rin kasi natin alam kung kailan tayo madi-disgrasya kaya siguro ganoon nalang siya kahigpit. I'm not sidinf her okay? Gusto ko lang magbigay ng side niya."
Tumawa ako.
"Bakit kinakabahan ka ata?"
"Baka kasi...lunurin mo ako, e." Tapos sabay kaming tumawa.
"How about you?" Tanong ko sa kanya.
"Well, thank god I am blessed with a loving family. My mom and my dad is still in love with each other."
"Sana all." Tapos ngumisi ako.
I bit my lip.
"I-I was a product of an affair. My dad cheated on his wife with my mom. Ah, basta. Kumplikado. Or ako lang iyong nagpa kumplikado ng sitwasyon kasi maayos naman ang lahat. Civil naman sila sa isa't isa. Siguro kasi...hindi ko lang alam kung saan ang lugar ko. Part of me wants to stay with my dad but the other part of me doesn't want to leave my mom. Hay naku!".
Hindi ito umimik at hinayaan akong mag rant. And I liked it. I like the comfort of the silence between us.
YOU ARE READING
I'm Sorry, It's Too Late
General FictionThe only thing that Amari Francine Fernandez wants to explore the world. But she was not able to do that because of her mom, who always wants her to follow what she wants. Her mom who always holds her back whenever her wings is ready to fly. Her e...