12

198 7 0
                                    

Hindi makapaniwalang reaksyon ang ibinigay sa akin ng mga kaibigan ko. Umabot siguro ng ilang minuto bago mag sink in sa utak nila ang nangyari. Pagkatapos noon ay nag uunahan na sila sa pagtatanong tungkol sa pagbubuntis ko. Partikular na sa kung sino ang ama ng bata.

"Ako, hindi na ako magtatanong. Alam ko na kung sino." Sabi ni Carla kaya lahat ng atensyon namin ay nasa kanya.

"Kinaumagahan noon pa ika ika sa paglalakad 'tong babaeng 'to, e. Alams na." Sabi niya kaya tumawa ang iba.

Ako naman ay namumula ang mukha sa hiya. Punyetang Carla!

"Paano na 'yan? Alam ba niya?"

"Sino ba tinutukoy mo?" Tanong ni Jovan.

"Sino pa ba? Edi si Earl!" Bulalas ni Carla.

Napasinghap naman ang iba. At hindi ko sila matingnan ng maayos kaya tumikhim ako.

"Hindi niya alam. At...pakiramdam ko ay hindi ko muna ipapaalam. Medyo magulo pa ang pamilya namin kaya...hindi ko alam kung paano. Pero kung sakali namang magtanong siya...sasabihin ko naman."

"Oo tsaka unfair din iyon sa anak mo, teh. Bigyan mo rin siya ng chance para makilala ang tatay niya."

Tumango ako at tuluyan na kaming nanood ng movie. Minsan ay nag uusap kami habang nanonood. Grabe iyong support nila sa akin na nagpapatuloy parin ako sa pag aaral kahit buntis hanggang sa maka graduate lang.

Ilang buwan ang lumipas...malaki na ang tiyan ko at kabuwanan ko na.

Ang sabi nina Isha ay naibigay na raw nina Jovan ang number ko kay Earl pero ni isang beses hindi ako nakatanggap na kahit na anong mensahe galing sa kanya.

Am I disappointed?

Well, a little bit.

Kasi a part of me wants to talk to him. Part of me wants him to be here. Every check up. Every cravings. Gusto ko siya ang gumagawa niyon sa akin although thankful naman ako kay Mama kahit ganitong may lamat ang relasyon namin.

Natapos na ang last quarter at nairaos ko naman siya. Buti napakiusapan ko ang teacher ko kasi nahalata niya ako noong minsang palagi niya akong naabutang dumuduwal at palaging kumakain o tulog sa klase. Kinausap niya ako ng pribado. Kabang kaba pa ako noon kasi akala ko mapapauwi ako ng wala sa oras. Kung mangyayari man iyon...pakiramdam ko wala na talagang pag asang magkaayos kami ni Mama. Ang pag aaral ko na nga lang ang ginagawa kong pambawi sa lahat ng nangyari tapos ganito pa.

Naiyak pa ako 'nun kasi binigyan niya ako ng payo sa kung ano ang pwede kung gawin. Hinding hindi ko makakalimutan si Ma'am Pacina.

Simula 'nun palagi na niya akong kinakamusta. Hindi naman ako nang aabuso kaya ang ginawa ko, nag aaral ako ng mabuti para naman ipakita ko kay ma'am na kaya ko.

Anyway...mag isa akong nandito sa mall ngayon.

Gusto ko kasing dagdagan ang mga damit ni baby Seth Ephraim.

Yes, we're having a baby boy. And I am very very excited to see him...I just hope na sana nandito ang papa niya.

Hinimas himas ko ang aking tiyan habang naglalagay ng damit-pambata sa cart. Papunta na sana ako sa counter nang hindi inaasahang napahinto ako dahil biglang sumakit ang tiyan ko. Nabangga ko tuloy ang nasa likod ko. Hindi ko na nagawang lumingon dahil tuloy tuloy ang pagsakit ng tiyan ko.

"Ouch." Napangiwi ako at pa ika ikang naglalakad at naghahanap nang mauupuan.

Ganoon nalang ang gulat ko nang may biglang humawak sa bewang ko at inaalalayan ako. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang matingnan kung sino iyon.

"E-Earl..."

Parang tumalon ang puso ko nang magtama ang tingin namin. Ngunit naputol iyon dahil sa biglaang pagsakit na naman ng tiyan ko. Lalabas na yata si baby.

"Hold on tight. Take a deep breath first. I'll bring you to the hospital."

He said seriously.

Napangiwi na naman ako at hindi mapigilang mapaiyak.

I am overwhelmed by his presence kaya hindi ko maiwasang mapaiyak. Parang kanina lang hinihiling ko na sana nandito siya pero ngayon....naging totoo.

Kinarga niya ako papunta sa sasakyan niya.

"Why did you go out alone?"

Tiningnan ko ang seryoso niyang mukha.

"Nevermind. Just hang in there."

Nanghihina na ako kaya isinandal ko ang aking ulo sa dibdib niya habang karga niya ako.

Kaagad niya akong dineposito sa likod ng sasakyan at umikot kaagad siya upang mag drive.

Hindi ko na alam kung gaano kabilis siyang nag drive basta ang alam ko, maya maya ay nasa ospital na kami at sinasalubong na kami ng mga nurse.

Hindi ko na kaya ang panghihina kaya't dahan dahan kong naipikit ang mga mata ngunit rinig ko parin ang mga nasa paligid ko.

"Mari!"

Iba't ibang boses ang naririnig kong tunatawag sa pangalan ko ngunit hindi ko magawang tingnan. Ang alam ko, mga kaibigan ko iyon at mas nangingibabaw rin ang boses ni mama.

Tinawagan siguro ni Earl ang mga kaibigan ko tapos sila ang nagsabi sa mama ko.

"Bakit siya mag isa? Where's her boyfriend?" Rinig kong tanong ni Earl.

"Huh? Tanga ka ba?" Alam kong si Carla iyon.

Hindi ko na narinig pa ang usapan dahil naipasok na ako sa ER.

Napadilat ako ng mga mata nang maalala ang sinabi ni Earl. Why is he asking for my boyfriend? Does that mean....he's assuming that I'm pregnant with someone else's child? What the fuck!

"Doc, patient's vital signs are normal. She's 10cm dilated."

"Misis, pag sinabi kong push, you have to push okay?"

Nagsimula na namang humilab ang tiyan ko kaya't hindi ako nakasagot.

"Okay, misis?"

Ngumingiwi pa rin ako pero tang ina kasi hindi yata magsisimula ang doktor kung hindi ako sasagot.

"Putang ina, OO NA!" Napasigaw ako sabay ire.

"Good! One more, push mommy push!"

"Ahhhhhh!"

"Misis, I need you to push not shout."

Muntik ko nang supalpalin 'to kung hindi lang excited lumabas ang anak ko.

Ilang ire pa ang ginawa ko nang sa wakas ay nakapaiyak ako dahil sa tunog ng iyak ng sanggol.

Napapikit ako nang mariin habang tumutulo parin ang mga luha.

Welcome to the world, baby. Mommy loves you so much.

And then I blacked out...

I'm Sorry, It's Too LateWhere stories live. Discover now