Pagkaraan ng isang linggo ay bumalik ako sa bahay nila Papa upang subukan siyang kausapin ulit. Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanya at sabihing hindi ko kayang ipalaglag ang anak ko.
Tanggap ko naman ang kasalanan ko. Naging pabaya ako at naging kampante. Pero alam ko rin na ginusto ko iyong nangyari sa amin ng tatay ng anak ko.
Nang dumating ako sa bahay nila...nasaktan ako dahil ni hindi sila lumabas upang harapin ako. Hindi niya ako kinausap kahit sa ilang texts na ang ginawa ko. Hindi niya rin sinasagot pati mga tawag ko. Parang bigla nalang niya akong itinakwil dahil sa na buntis ako.
I have nothing against abortion. Pero hindi ko lang kayang pagbigyan si papa na gawin ang gusto niya.
Kay mama naman...na higit na hindi ko inaasahang tatanggap sa pagkabuntis ko. Kahit minsan ay malamig ang trato niya sa akin ay nakikita at nararamdaman ko pa rin iyong pag aalaga niya. Palagi niya akong tinatanong kung may gusto akong kainin at kaagad niyang niluluto iyon.
Pinapaalalahanan niya rin ako sa mga hindi ko dapat gawin at kainin.
Sinasamahan niya ako kada may check up ako at siya ang nagtatanong ng kung anu ano sa doktor. Ang taong hindi ko inaasahang tatanggapin ang sitwasyon ko ay mas siya pa ang nandito ngayon. Kaya mas lalo akong naging guilty sa mga kasinungalingang sinabi ko sa kanya noon pati na ang mga masasakit na salitang nasabi ko rin noon.
Minsan...gusto ko siyang yakapin. Dala na rin sa pagiging emosyonal bilang buntis. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko magawa kasi parang may barrier kami sa relasyon namin na alam kp namang ako ang gumawa.
Hindi na rin siya nagtanong tungkol sa pag uusap namin ni papa pero sinabi ko na hindi na ako kinakausap nito at wala naman itong reaksyon.
Pinagpatuloy ko parin ang pag aaral kahit na buntis ako. Maliit pa naman ang tiyan kaya hindi halata. Alam kong maitataguyod ko hanggang sa matapos ang school year. Minsan, nahihilo ako sa school pero kinakaya ko parin kasi gusto kong ipakita ma
Hindi alam ng mga kaibigan ko dahil iba iba naman kami ng school at umiiwas ako sa pagkikita dahil nga sa kalagayan ko.
Pero nang nahalata na nilang umiiwas talaga ako ay gumawa sila ng paraan. Pupuntahan daw nila ako dito sa bahay.
Ayoko namang pumunta sila dito nang hindi alam ni mama kaya nagpaalam ako.
"Ma.." tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin habang inaayos ang paninda.
"Pwede po bang pumunta ang mga kaibigan ko dito?"
Napatigil ito kaya't kaagad kong binawi ang sinabi ko.
"Pero kung hindi...a-ayos lang naman po-"
"Alam ba nila na buntis ka?"
Umiling ako. "Plano ko po sanang sabihin ngayon."
Bumuntong hininga siya at tumango.
"Saka na ako aalis pagkarating nila para may kasama ka dito."
Ganoon nalang ang saya ko nang pumayag si mama. First time 'to!
Kaagad ko namang chinat ang mga kaibigan ko sa groupchat namin at ang sabi nila ay dederetso na daw sila kaagad dito pagkatapos ng klase nila.
Kinakabahan ako habang hinihintay sila. Plano ko nang sabihin sa kanila na buntis ako. Alam kong magugulat sila dahil..wala naman silang alam..
Apat na buwan na ang tiyan ko ngunit hindi halata. Payat naman kasi ako...mana kay mama.
Maya maya ay nag chat sila na nasa labas na raw sila kaya't bumaba na ako galing sa kwarto. Rinig ko ang ingay nila sala. Mukhang pinapasok na sila ni mama.
"Hoy, babae!"
Kaagad silang bumati sa akin nang makita ako. Dahan dahan at may pag iingat ko silang niyakap.
"Hoy! Milagrong nakapunta kami dito nang hindi tungkol sa school, a. Bati na ba kayo ni mama mo?" Tanong ni Carla.
Tumawa lang ako.
"Aalis na ako, Amari. Kapag nagutom kayo...may pagkain sa kusina. Kumain lang kayo o magluto ng gusto ninyong kainin."
Si nanay na may dalang bayong at handa na papunta sa palengke upang magtinda.
Tinitigan niya ako nang may pag papaalala kaya tumango ako at ngumiti.
"Opo, 'nay."
Tahimik naman ang mga kaibigan ko at parang pinipilit na hindi gumawa ng isang kilos dahil natatakot sa nanay ko.
Natatawa ako dahil pagka wala ni nanay ay sabay sabay na nagpakawala ng malalim na hininga ang mga ito.
"Wow! Bati na nga kayo ng mama mo!"
Tumawa lang ako at pinaupo ulit sila. Nag uusap kami tungkol sa kung ano na ang nangyari simulan noong umuwi kami galing isla. Akala ko ay walang mag o-open tungkol kay Earl dahil balak ko naman sanang mamaya na lamg sabihin sa kanila tungkol sa pagbubuntis ko.
"'Nga pala, Mari. Nanghihingi ng number mo si Earl. Hindi ko pa binigay kasi sabi ko magpapaalam muna ako sa'yo."
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na marinig lang ang pangalan niya kaya hindi kaagad ako nakasagot.
"Okay lang ba sa'yo? S'yempre pag hindi, 'di ko rn ibibigay."
"Ano ka ba! Okay lang 'yan sa kanya 'no." Pang gatong ni Isha.
"O-okay lang naman. U-uh...pwede mo naman ibigay."
Mahina akong huminga ng malalim upang kumalma.
Pero kinakabahan pa rin talaga ako. I wonder what their reactions will be? Will they be disapointed because I got pregnant this early? Will they be angry at Earl? Will they cut our friendship? I don't know.
Nadala lang siguro ako kay papa. Kasi inaasahan ko ring mas maganda iyong reaksyon niya kaysa kay mama pero hindi iyon nangyari. Kabaliktaran lahat.
Pagkatapos namin kumain ay nasa sala na ulit kaming lahat. Gusto nila manood ng movie. Wala naman kasi kaming movie room dito hindi katulad sa bahay nina Papa. Simple lang ang bahay namin ni mama at dalawa lang naman kami dito.
I counted from one to ten to calm myself down. Everyone is already settled down and just choosing a good movie to watch. I called their attention.
"M-may gusto lang sana akong...s-sabihin sa inyo."
"Ano 'yun?"
Huminga ako ng malalim ulit.
Kinagat ko ang aking mga labi bago nagsalita.
"I-I'm sorry if...hindi ako nagparamdam these past few months. M-may nangyari lang after noong b-bakasyon natin sa Cebu."
"Ano ka ba 'te, okay lang! We understand naman since sabi mo nga hindi kayo bati ni mama mo noon." Sabi ni Carla.
"It's not about that."
Sumeryoso ang mga mukha nila at nakatingin sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan but kung papatagalin ko pa ay hinding hindi ako kakalma.
"N-noong...nasa Malapascua pa tayo...m-may nangyari sa amin ni E-Earl. Dala ng kalasingan pero...ginusto namin mangyari iyon."
Napasinghap ang iba sa kanila.
"At...ang rason kung bakit hindi ako nagpaparamdam noong nakaraang buwan ay dahil naging magulo ang pamilya namin kasi....Buntis ako."
YOU ARE READING
I'm Sorry, It's Too Late
Genel KurguThe only thing that Amari Francine Fernandez wants to explore the world. But she was not able to do that because of her mom, who always wants her to follow what she wants. Her mom who always holds her back whenever her wings is ready to fly. Her e...