04

186 7 0
                                    

Nang dumating ang hapon ay napagpasyahan naming magpahinga dahil pagod kami sa kaka langoy at kaka laro ng kung anu-ano.

Hindi talaga ako nagsisisi na sinuway ko si mama at sumama sa mga kaibigan ko.

Pasensya ka na ma, minsan lang kasi 'to.

Tatawagin nalang daw kami kapag aalis na mamayang gabi.

Sa cottage raw malapit sa room ng mga kaibigan nila Jovan mag iinom mamaya.

Wala namang problema sa akin ang pag inom. Basta kumain lang ako ng maayos bago uminom...lalaban ako. Inom lang naman. Hindi ako naninigarilyo at lalong hindi ako gumagamit ng kung anu-ano.

Nakatulog ako ng isang oras at nauna akong nagising kaysa sa mga kasama ko sa kwarto. Kaagad akong naligo at nag ayos at pagkatapos ay ginising ko na sila. Medyo kumalam na rin ang sikmura ko at nagugutom na.

Tamad na tumayo ang mga ito at napagpasyahang magsabay nang maligo. Hindi naman bago sa amin iyon. Ilang beses na naming nagawa. Kung sabay lang kaming nagising...panigurado tatlo kaming nagsasabay sa pagligo.

I only wore a bikini top but I also wore a black see through on top of it. And then denim shorts. Si Isha at Carla ay puro bikini tops lang and denim shorts din at parehas nakatali ang mga buhok habang ako ay hinayaan kong nakaladlad ang buhok ko kasi medyo basa pa.

I received a text from Ricky saying that they went to the restaurant first so they could reserve a table for us. Medyo punuan din kasi dahil madami dami rin ang mga nagbabakasyon. Iba talaga kapag richkid.

Hindi man halata...pero si Jovan at Ricky ay parehas anak ng congressman. Magkaiba nga lang ng district. Si Maverick ay anak ng principal at engineer. Ang pamilya ni Isha ay may paaralan. It's where we studied highschool and where we first met. And Carla...she's a daughter of a business tycoon. While me? My dad is an Architect. A famous architect if I may emphasize.

Maginhawa ang buhay ko sa side ng papa ko. Hindi naman ako nagrereklamo sa pamumuhay namin sa puder ng mama ko. Iyong ugali lang niya ang ikinakareklamo ko. Hindi naman mahalaga sa akin kung mahirap kami o mayaman kasi alam ko namang nagiging magkaibigan kami dahil totoong tao kami at hindi sa estado ng pamumuhay ng isa't isa.

They actually knew my mom was a prostitute but they did not say anything. They respected me and my mom. Kung ibang tao lang iyan...paniguradong hinding hindi na ako lalapitan at kakaibiganin.

Anyway...nang matapos kaming kumain lahat ay hindi pa kami umalis kaagad. Nagpa baba muna kami ng mga kinain para hindi bloated sa inuman.

Ilang minuto ang lumipas nang nagpasya kaming maglakad na. Kung anu-ano lang din ang mga pinag uusapan namin. Mostly, mga memories namin noong highschool..

"Eh, si Isha? Pucha...naalala n'yo pa bang umutot iyan sa room? "

Grabe iyong tawa naman nang maalala iyon. Kahit si Isha at napatawa rin ng malakas. Paano ba naman kasi, nag earphones siya at malakas na nagpatugtog. Ang sabi niya, utot na utot na raw talaga siya at ang ginawa niya...Ni timing niya doon sa beat ng music ang pag utot niya para di raw namin marinig. Late na niyang na realize na naka earphones siya noong napansing niyang tumawa kaming lahat.

Kung anu-ano pang pinag uusapan namin hanggang sa makarating sa cottage ng mga tropa nina Jovan.

Nasa walong tao ang nandoon at nag aayos ng pagkain ang iba. Habang ang iba ay nagbubukas ng alak. Hindi ko pa nakita iyong matangkad na nakatitigan ko kanina. Hinahanap yarn?

Ang mga lalaki muna ang lumapit sa mga ito habang kami ay nag hihintay lang sa gilid. Tsaka lang kami lumapit nang tawagin nila kami at ipakilala sa mga taong nandoon.

"Nasaan si Earl?"

"Jumejebs pa 'tol." Rinig kong pag uusap nila.

Pinaupo nila kami at kinakausap para hindi kami ma OP.

Maya maya ay may lumapit sa table namin. Naka beach shorts lang ito at sando. May suot din itong cap.

Bumati ito sa mga kasama ko at naghanao ng upuan.

"Dito ka nalang sa tabi ni Mari. Oy, si Amari pala tapos si Isha at Carla." Pagpapakilala sa amin ni Maverick.

Shinake hands niya kaming tatlo. Saglit ko lang hinawakan ang kamay niya dahil nakukuryente ano ba 'yan.

"Earl." Pagpapakilala niya sa sarili.

Siya iyong matangkad.

At iyon na nga...umupo siya sa tabi ko. Siniko naman ako ng dalawang babaita sa gilid ko. Trip ata nila 'tong katabi ko. Gusto ko sanang makipagpalit ng upuan kasi bukod sa gusto ko silang i-support sa paglalandi...iba ang pakiramdam ko sa katabi ko. Lalo na kapag sumasagi ang balat niya sa balat ko. Masyado kasing malapit ang upuan namin kaya hindi sinasadyang magtatama ang mga siko namin.

Malalim na ang gabi at mas napasarap ang inuman.

May kanya kanya nang pinag uusapan ang mga tao kaya ang gulo gulo na rin. Nagulat nalang ako nang bigla akong kausapin ng katabi ko.

"Ngayon ka lang nakapunta rito?" Biglang tanong niya. May hawak siyang shot glass para sa turn niya.

Tumango ako habang pumapapak ng chicharon. Nilunok ko muna iyon bago sumagot.

"Yeah. Hindi kasi ako pinapayagan." Simpleng sabi ko.

"Bakit naman?" Pansin kong nilagay niya ang braso niya sa sandalan ng aking upuan.

Hindi ko na pinasin iyon dahil napasarap na ang inuman. Iyong hiya at awkwardness kanina ay biglang nawala. Ganoon siguro talaga kapag nakainom 'no?

"Hmmm...mahigpit ang mama ko ,e. Buti ka pa pagala gala lang."

Sabi ko kahit wala naman itong sinabi. Assumera lang ako.

"Hindi naman. Pinapayagan kasi ako. Basta s'yempre...mag aaral ng maayos. Iyon naman palagi ang kondisyon ng mga parents."

Tumango ako napait na napangiti. Kinuha ko ang shot glass sa kamay niya sabay lagok sa alak.

"Mapapa sana all nalang talaga ako. Sana all pinapayagan, sana all hindi strict ang mama. Buti nalang anghel iyong papa ko. Laging taga ligtas ko." Tapos ay ngumisi ako.

Kung anu-ano pa ang napag usapan naming dalawa hanggang sa nag aya itong maglakad lakad.

I'm Sorry, It's Too LateWhere stories live. Discover now