Days passed by like a blur and today is already Seph's christening day.
Busy sa pagluluto si mama na tinutulungan ni Earl sa kusina.
I think...simula noong mag usap silang dalawa ay mas naging maayos ang pakikitungo ni mama sa kanya. Nakikita kong mas naging close pa nga sila at minsan ay nakikita ko pa na nagtatawanan sila habang nag uusap. And it makes my heart feel so light. I want them to get along together because even though Earl and I's relationship is not established yet, I know where we are heading to.
Maya maya ay nag hahanda na kami upang makapunta sa simbahan. Doon nalang daw dederetso ang mga kaibigan ko na magiging ninang at ninong ni Seph.
I tried sending a message to papa about my son's christening but I did not receive any reply from him. I also tried to contact Tita Anne but I got nothing. My heart still hurt at that thought because I honestly though that everything will pass by. That will realize how serious I am with my pregnancy and eventually, they will finally accept my son.
"Hija!"
I turned around and saw Ma'am Pacina. The teacher who treated me as her daughter when I was still studying while pregnant.
"Ma'am."
Napangiti ako dahil masaya akong nakapunta siya. Karga ko ang anak ko na ngayon ay tulog na tulog sa bisig ko. Humalik ako sa pisngi ni ma'am bilang pagbati.
"Naku! Ang cute naman ng baby boy na 'yan!" Gigil nitong hinawakan ang kamay ni Seph. Buti nalang talaga at hindi pala iyak itong anak ko.
Iiyak lang kapag aalis na ang papa niya lalo na kapag gising siya. Kaya lately, nahihirapan na din umuwi si Earl kasi maya't maya umiiyak si Seph na para bang alam nito na uuwi na ang papa niya.
"Thank you po sa pagpunta ma'am.."
"Walang anuman, hija. Excited akong pumunta ngayon."
Wala kasing anak at asawa si ma'am. Hindi ko na inalam kung bakit kasi buhay niya naman iyan.
Bumati ang mga kaibigan ko pagdating nila. Sabay sabay pa ang mga ito. Pinakilala ko si ma'am Pacina kay mama at sa mga kaibigan ko at lalo na kay Earl.
Hindi naman tumagal ang seremonya at pagkatapos ay deretso kaming sabay sabay na nagpunta sa bahay upang sabay sabay rin kumain..
"Ako na muna kay baby. Kumain ka muna."
Sabi ni Earl na maya't maya ay lumapit sa akin matapos asikasuhin ang mga kaibigan ko.
Nakita ko naman na nag uusap si mama at si ma'am Pacina sa gilid.
"Hindi pa naman ako gutom. Ikaw muna ang kumain."
Umiling ito.
"Sabay na tayo...kumain ka na kasi maya maya gigising na si baby at dedede. Alam mo namang malakas iyan uminom ng gatas."
Napangisi ako.
Hindi ko na makuhang kumontra dahil tumayo na ito at kumuha ng pagkain. Pagkabalik nito ay dala na nito ang plato na may lamang maraming pagkain. Umupo ito sa tabi ko ulit.
"That's too much. Hindi ko mauubos iyan."
Nagsimula itong magsandok ng pagkain gamit ang kutsara at iniumang sa akin.
"Sa ating dalawa ito. Open your mouth."
Hindi ko na magawang kumontra at kinain nalang ang pagkain.
Nang mapatingin ako sa mga kaibigan ko ay panay ang ngisi ng mga ito habang pasulyap sulyap sa amin.
Namula ang pisngi ko at tiningnan si Earl. Wala naman itong pakialam at patuloy lang sa pagsubo sa akin ng pagkain.
Masaya kaming nag tatawanan at nag uusap nang may marinig kaming ingay sa labas. Kaagad itong nilabas ni mama at tiningnan kung anong mayroon.
Hindi ko na napigilang sumunod at ganoon nalang ang pag init ng mga mata ko nang makitang si papa iyon at si Tita Anne.
"Talagang sinuportahan mo ang anak mo, Criselda. Alam mong nag aaral pa ang anak mo at wala pa sa edad ang pagbubuntis! Ni hindi pa nga naka graduate iyan tapos ngayon nagiging ina sa batang edad!"
Napalunok ako sa narinig. Nakita kong hinawakan ni Tita Anne si Papa habang sinisigawan si mama. Kalmado naman si mama at hindi nagpatinag.
"Kung gusto mong makipag usap Fidel, pumasok kayo sa loob at huwag kang mag eskandalo dito sa labas."
Mahinahong sabi ni mama ngunit hindi rin nagpatalo si papa.
"Bakit? Nahihiya ka bang marinig ng kapit bahay mo kung paano mo pinapalaki ang anak mo? Na kinukonsinti mo kahit sa pagbubuntis? Gusto mong matulad sa iyo ang anak mo na hindi nakapagtapos ng pag aaral dahil maagang naglandi?"
Napatigil ako dahil sa narinig kong simabi mi papa. Sobrang sakit na marinig ito galing sa kanya. Ramdam ko ang panghihina ko at hindi ko na malayan nang kunin ni Isha si Seph sa mga bisig ko. Si Earl ay hawak ako sa braso at nasa likod ko lang na para bang handa akong ipagtanggol.
"Kung nandito ka para manggulo, makakauwi na kayo."
Tumawa ng sarkastiko si papa.
"Bakit? Bakit ayaw mong sumagot? Kasi totoo? Maagang naglandi ang anak mo dahil sa-"
Napasinghap ako nang marinig ko ang lagapak ng kamay ni mama sa pisngi ni papa. Kita ko rin ang panginginig ng mga kamay niya.
Hindi ko napigilan nang tuluyan nang tumulo ang luha ko.
"Alam mo kung paano ko pinalaki si Amari, Fidel. At alam mong sa ating dalawa, ikaw ang kumukunsinti sa kanya. Ikaw nga ang bida palagi, e. Kaso binibigay mo ang lahat sa kanya kaya huwag ako ang sisihin mo. At tungkol naman sa paglalandi ko, baka nakalimutan mong tang ina ka na hindi mo sinabi sa akin na kasal kana? Na sinabi mong wala kang asawa dahilan kung bakit ako pumatol sa iyo? At ano naman kung pinagpatuloy ni Amari ang pagbubuntis niya? Siya ang magdedesisyon niyon. Bilang magulang, suporta ang pwede nating ibigay pero ikaw pa unang unang nagtakwil sa anak natin. Ngayon...kung ayaw mo sa apo ko...malaya kang umalis sa buhay ni Amari. Kaya kong magkandakuba para sa anak at apo ko. Hindi ka espesyal."
Mahina ngunit mariin ang pagkasabi niyon ni Mama.
"Bago pa ako magtawag ng pulis sa panggugulo ninyo, pulutin mo iyang basura mo Anne, masyadong makalat."
Iyon lang at pumasok na si mama sa loob.
Napalunok ako at tumitig kay papa na ngayon ay galit na nakatingin sa taong nasa likod ko.
Kay Earl.
YOU ARE READING
I'm Sorry, It's Too Late
Ficción GeneralThe only thing that Amari Francine Fernandez wants to explore the world. But she was not able to do that because of her mom, who always wants her to follow what she wants. Her mom who always holds her back whenever her wings is ready to fly. Her e...