14

221 8 0
                                    

I only stayed in the hospital for two days since I felt well and okay within those days.

Nang pangalawang araw ko na ay saka palang bumalik upang dumalaw ang mga kaibigan ko. Ang ingay nga nila sa loob ng kwarto at buti nalang hindi madaling magising ang anak ko.

Kaswal naman sila pagdating kay Earl. Wala naman kasing problema ang mga lalaki. Si Isha at Carla lang ang naiinis dahil sa naisip nito noong inakala nitong nabuntis ako ng ibang lalaki.

Ang nanay ko naman, pansin ko lang na naging mas maluwag siya sa akin pagdating sa mga kaibigan ko. Siguro...naisip niya na talagang matanda na ako...na may anak na ako. Siguro...ito na iyong sign na magbabati na kamo ni mama since pinagkakatiwalaan na niya ako uli.

Noon kasing nag usap kami at naalala niya ako noong bata ako dahil sa anak ko...parang nami-miss niya niya iyong ako noong bata ako. Iyong namimiss niya ako kahit araw araw naman kaming magkasama.

Bago pa siya naging emosyonal ay pinutol na niya ang usapan at umupo sa gilid habang inaayos ang mga gamit namin.

Nang makabalik si Earl galing sa pagbili ng sabaw na hihigupin ko ay kaagad niya akong inasikaso. Since tulog naman na ulit ang anak namin ay pinahawak ko muna kay mama. Baka kasi magising kapag nilapag kaagad.

Tahimik lang kami noon sa kwarto. Hanggang ngayon...ganoon parin ang trato ni mama kay Earl. Si Earl naman ay parang nini nerbyos kapag nandiyan si mama. Pero may respeto pa rin. Sa tingin ko naiintindihan naman niya kung bakit ganoon ang trato ni mama sa kanya.

Nang makalabas ay hinatid niya kami pauwi. Ilang araw ang lumipas ay padalaw dalaw pa rin ang mga kaibigan ko sa amin..

Si Earl ay ganoon din.

Nasanay na rin siya na siya ang nag aalaga kay Seph kapag pagod ako. Pinapatulog niya ako tapos ay uuwi rin kapag nakakapagpahinga na ako. Minsan ay madaling araw na siyang umuuwi lalo na kapag minsan ay umiiyak si Seph kapag hindi niya ramdam ang papa niya.

Nasanay na sa presence ng papa niya.

We haven't talked about our set up yet. Like...no one has the guts to talk about our real score.

We are not in a relationship, obviously.

I do have a feelings for him, I admit. It's nonsense if I am going to deny it.

I just don't know if he feel the same. Ayaw ko lang pangunahan. At mas lalong ayaw kong magkakarelasyon kami dahil lang kay Seph. We can be good parents to our son nang hindi magkarelasyon. Kasi kung hindi...bakit mo ipipilit?

Iyong trato ni mama sa kanya ay hindi nagbabago. O kung nagbago man, naging mas mailap lang si mama at mas hindi siya pinapansin. Gusto ko na ngang makausap si mama, e.

Naaawa din naman ako kay Earl minsan kasi kung effort lang ang pag uusapan ay bawing bawi naman na siya. Kahit madaling araw umuuwi ay kaagad ring bumabalik upang alagaan kaming mag ina.

Minsan nga ay sinasadya kong maiwan si Earl at mama sa isang lugar at titingnan ko kung may progress man lang... Pero wala, e.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon at pinapatulog si Seph. Mag iisang buwan na siya next next week at plano naming pabinyagan ito sa araw mismo ng ika isang buwan niya.

Gusto ni Earl na siya ang gagastos pero hindi kami pumayag ni mama. May naipon naman ako at si mama...pride lang ata ang nagsasalita. Gustong ipakita kay Earl na kahit wala siya bilang ama ni Seph ay mabubuhay kaming mag ina. Pero alam ko naman ma gusto lang niyang gampanan ang pagiging ama kaya ang sabi ko ay hati nalang sa gastos.

By the way, nasa baba siya at inutusan kong kumuha ng tubig. Ang tagal nga, e kaya pagkatapos kong mapatulog si Seph ay bumaba ako.

Napahinto ako nang makarinig ng pag uusap.

At hindi ako nagkakamali...boses iyon ni mama at Seph.

"Noong bata pa iyan...sobrang close namin. Ni hindi kami mapaghiwalay."

Si mama...na alam kong ako ang tinutukoy. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng ibang tao pero talagang may nag udyok sa akin upang makinig sa kanila. So I hid behind the wall.

Walang sagot si Earl kaya alam kong nakikinig lang ito.

"Noong kaming dalawa pa iyon. Noong hindi niya pa kilala ang papa niya."

"Bata pa lang siya ay prinoprotektahan ko na siya. Kaya...kahit masakit sa akin ay tinago ko siya sa papa niya. Pero nahanap naman kami. Masayang masaya siya simula nang makilala niya ang papa niya. Nagseselos ako...kasi iba iyong bonding nilang mag ama. O baka na miss lang niya ang papa niya kahit hindi niya pa ito nakikita."

"Sinubukan ko siyang ilayo ulit kasi natatakot ako para sa kanya. Mahal na mahal ko iyang batang iyan...kahit na minsan...pakiramdam ko ay kaya lang siya nag stay dito dahil naaawa siya sa akin...na kung pwede lang ay baka iniwan na niya ako at...doon tumira sa papa at madrasta niya..."

Ang sakit sa puso. Ngayon ko lang narinig si mama na ganito.

"Hindi naman siguro ma'am. Kaya rin nag stay si Amari kasi mahal ka rin niya at hindi ka niya maiwan."

"Alam ko naman ang totoo. Minsan nga ayaw na niyang umuwi rito. Minsan nag sh-share siya ng mga ginagawa nila ng madrasta niya at hindi niya alam na...nasasaktan ako kasi hindi ko magawa iyon kasama siya..."

Ganoon nalang nag pagbaha ng sakit sa puso ko nang marinig ang kasunod niyang sinabi..

"Ayaw kong maging sobrang close sa kanya...ayaw kong sobrang mapalapit sa kanya...k-kasi ayaw kong m-matulad siya sa akin...na w-walang pinag aralan...na nabuntis lang. Kahit gustong g-gusto ko siyang m-makasamang gumala o mag bonding ng gusto niya p-pero nahihiya ako...a-ayaw ko siyang lumabas at g-gumala kasi ayaw kong maranasan niyang mabastos gaya nang kung paano ako nabastos noon...ayaw k-kung mag barkada siya k-kasi natatakot akong b-baka traydurin din siya...k-kasi muntik na akong m-ma r-rape ng ilang lalaki dahil sa mga k-kaibigan kong n-nilagyan ng kung ano ang i-inumin ko....a-ayaw ko maranasan niya lahat i-iyon...k-kaya kahit mas masakit sa akin ang mapalayo a-ang loob niya...t-tiniis ko iyon.."

I'm Sorry, It's Too LateWhere stories live. Discover now